Chap 21 - Unexpected

18 3 2
                                    

A big thanksssssss to my cousin Moon_Bwi for my story cover. It's honestly beautiful <3

-----------

“Ryleighhh!!!!!!!” nagulantang ako nang marinig ko ang pangalan ko ng pasigaw. Si Janella.

Naihampas ko ang ulo ko dahil sa inakto niya. Andaming napatingin samin sa paligid. Nakakuha pa siya ng atensyon.

“Kailangan pa talagang sumigaw, Janella? Harujusko!” singhal ni Paul sakanya. Nang makalapit na siya samin ni Paul ay kumapit agad siya sa braso ko.

“Know what? Just shut up dude! Hmp!” maktol ni Janella.

“Asan ka ba galing? Nauna na si Lawrence kasi kailangan daw siya ng daddy niya.” sambit ko. Napatingin naman siya sakin.

“Ok ok. May gusto kasing humiram ng libro ko kaya hinanap ko pa sa locker yun.” sabi niya saka nag-peace sign.

“Seryoso? Ganun ba kagulo yung locker mo para di mo mahanap agad yung libro?” hinampas niya si Paul nang sabihin niya yun. Natawa naman ako sa inasta niya.

“Ano ba? Namimihasa ka na ah! Wala kasi akong time para ayusin yun, okay?!” depensa niya sa sarili.

“Wag na kayo mag-away. Umuwi na tayo.” pano ba kasi, kung wala si charlize, ito namang dalawa minsan ang nagsasagutan. Hindi na nagtanda. Haist.

“Right! Let's go! I can't wait to fix myself for later!!!” she then giggled. Nagsimula na rin kaming maglakad pauwi.

“Why? May okasyon ba kayo mamaya?” tumango naman ako.

“Dinner with our relatives. Engaged na kasi ang pinsan ko, kaya bago sila bumalik sa hometown nila, ipapakilala muna nila samin yung fiance niya.” paliwanag ko sakanyan. Tumango-tango naman siya.

“Eh saan yung hometown nila?”

“Canada.” maikli kong sagot. Napangiwi siya.

“Anlayo naman.” sabi niya. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Wala naman akong ibang gustong sabihin.

“Guys, asan si Charlize? Ngayon ko lang narealize na wala siya ah.” biglang salita ni Janella. Nagkatinginan kami ni Paul sa isa't isa. Alam niya kasi kung anong nangyare kanina. Sinabi sakanya yun ni Lawrence bago siya umalis.

“Ah, may lakad daw siya ngayon eh.” sagot ni Paul sakanya. Napatingin naman si Janella.

“Weh? As far as i know, hindi yun yung tipong aalis ng walang kasama.” aniya. Totoo ang sinabi niya.

“M-may kasama siyang iba.” sabi naman ni Paul. Napakamot ito sa batok saka tumingin sakin na parang hinihintay akong magsalita.

Wala naman akong importanteng masasabi.

“Huh? Sino?” nahalata ko sa mukha ni Janella ang pagtataka sa narinig mula kay Paul.

“Kaklase namin.” sagot ko.

“Eeeehh? Seryoso??”

“Yup. Just let her be. Wag na natin siyang isipin.” sabi ko pa.

“Ooookk....” pagtapos niyang sabihin yun ay wala nang nagsalita pa samin. Pero ilang saglit palang ang nakalipas, ay nagsalita nanaman si Janella.

“By the way, may new student daw ah?” napatingin ako kay Ja. New student? Eh anong buwan na ngayon? September na. Isang linggo nalang at sasapit na ang oktubre.

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon