Ashlynn Ryleigh Eddison's POV
“Quit looking at her, she's worthless.” napahinga ako ng malalim at muling sumulyap sa gawi ni Charlize sa huling pagkakataon.
It's been a week, since that big mess happened. Pero sa buong linggong yun, wala nang paramdam si Charlize samin. Naalala ko pa yung mga ilang quiz results namin na sinabi ng mga guro namin nung nakaraang linggo.
Almost all of her quiz results, are low. Lahat nagulat syempre, pati ako. Sino ba naman kasing hindi? Parang dati lang magkalapit ang mga scores namin. Pero ito ang nangyari ngayon, malapit na ang mga score nya sa pinakamababa.
Napakabilis ng bawat pangyayari.
Hindi ko alam kung bakit bigla ring tuluyang nawala ang presensya nila Blake. Hindi naman sa sinasabi kong namimiss ko sila. Pero nakakapagtaka lang talaga.
Siguro hinihintay nila ang kaarawan ni Olivia.
Huminga ako ng malalim. Tungkol naman dun. Naalala ko ang tuwang-tuwang itsura ni Janella nung nagawa kong tugtugin ang pinakauna kong natutunan noon na mahirap pagaralan. Hindi ko naman din inaasahan na mapapatugtog ko ulit yun. Basta ang ginawa ko lang, pumikit ako at nagsimulang tumugtog ng nakaayon lamang sa sarili ko.
Pero hindi parin ako sigurado sa sinasabi sakin nila Raiel na gawin. Nasa gitna parin ako ng pagdedesisyon. At kahit sa konting mga oras ko man lang, sinusubukan kong pagaanin ang loob ko. Ayoko namang madepress ulit, katulad ng dati.
Kaunting araw lang ang nakalipas pagkatapos nun ay kinausap naman ako ni Janella. Sinabi niya sakin na kung siya ang papipiliin, pupunta siya sa kaarawan ni Olivia. Nagbago ang isip niya pagkatapos nilang magusap ni Raiel. Humingi din siya ng paumanhin. Sa hindi ko maintindihang dahilan. Hindi na niya kasi yun pinaliwanag pa.
Kaya ayun, tuwang-tuwa si Risse dahil narindi siya sa away nila nung araw na yun pati nung isang gabi. Kung mag-away ba naman kasi ay parang sila lang ang tao sa bahay. Ansarap paguntugin.
Tungkol naman kay Daisy. Hindi ko alam kung matatawag ko bang maayos ang pagiisang mesa nila nina Paul at Janella. Pano ba naman, sa buong linggo, wala akong naramdaman na katahimikan. Lagi silang nagkakasagutan ni Daisy at Janella. Halatang imposible sila magkasundo. Tungkol naman kay Paul, tumatahimik nalang. Parang bigla biglang nawawala sa mood.
Araw-araw nila akong tinatanong kung bakit ayaw kong iwasan si Daisy dahil ako lang naman ang dahilan kung bakit nasa iisang mesa kami. Ang nasabi ko nalang ay wala namang iba pang kaibigan dito si Daisy. Ayaw niya kasing makisalamuha sa iba at ang gusto lang nitong kasama ay ako. Kaya ayun, wala ring nangyari.
“Alisin mo nga yang pipitsuging siko mo! Hindi ako makakain ng maayos!” reklamo ni Janella sa kanyang katabi na si Daisy. Hindi ko ba maintindihan itong dalawang to. Kahit walang kwentang bagay pinag-aawayan pa.
“Ikaw nga mag-adjust! Putragis! Uusog ka na nga lang di mo pa magawa-gawa!” singhal naman ni Daisy sakanya. Binagsak naman ni Janella ang kutsara't tinidor na hawak-hawak niya. Saka masamang tiningnan si Daisy.
Ayan nanaman.
“Bakit ka ba nandito ulit?” tanong ni Janella. Halata dito na inis na inis siya sa katabi.
“Hindi ba obvious? Si Ryleigh lang at si Lawrence naman ang gusto kong kasama! Kung ayaw niyo sakin, edi umalis kayo!” nagkatatinginan kami ni Lawrence sa isa't isa.
“The fuck?! Pinsan ko siya, kaya ikaw ang umalis!”
“Pano kung ayaw ko?” asar na tanong ni Daisy habang nakataas ang isang kilay.

BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Novela Juvenil"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...