Pagkadating nila Raiel sa ospital ay dumiretso kaagad sila sa room na sinabi sakanila ng nurse.
Room 576. Patient Ashlynn Eddison, written in a little white board.
Pagkapasok na pagkapasok nila sa kwarto ay nakita nila ang magulang nila Risse na umiiyak sa tabi ni Ryleigh. Nakayakap ang ina nito sakanya kahit wala pa itong malay habang ang ama nila'y hinahagod ang likuran ng kanyang asawa.
May benda si Ryleigh bandang ulo. May ilang galos din sa may isang braso nitong nakabenda rin. Napakapit si Risse sa braso ni Janella. While the latter, held her hand to support her.
Ayos naman na daw si Ryleigh. Laking pasasalamat lang sa itaas dahil ayun nga, hindi gaanong nadamage ang ulo nito kaya walang nawala sakanya. Pero nagkainjury ito sa isang braso nito kaya, hindi na muna niya ito magagamit pansamantala kapag nagising na siya.
“Janella.” napalingon si Janella sa likuran nito at dun bumungad sakanya sila Paul, Lawrence at si....... Charlize.
Napakunot ang noo ni Janella. “What are you doing here?” deretsong tanong ni Janella kay Charlize pero napayuko nalamang siya't hindi nakasagot. Hanggang sa napansin nilang tahimik na pala itong umiiyak.
“Mag-usap tayo sa labas. Tayong apat.” sambit ni Lawrence. Seryoso ang itsura ng binata na ikinakaba ni Janella dahil hindi siya komportable roon. Sa huli'y wala rin silang nagawa, binitawan muna ni Janella si Risse saka nagpaalam muna na lalabas.
“Go.. Go ahead.”
Pagkalabas ni Janella ay saktong nakita niya ang tatlo sa tabi ng pinto. Muli siyang sumulyap kay Charlize na nakayuko parin. Saka napatingin kila Paul.
“Si Daisy. She told her the truth infront of us. Na kasalanan talaga ni William ang lahat.” napayukom ang kamao ni Paul sa narinig na salita mula sa kaibigan.
“Ano? Hindi yun ang katotohanan. Si Daisy, si daisy ang dapat sisihin sa lahat ng nangyari dalawang taon na ang nakalilipas!” paul exclaimed na ikinagulat nilang lahat. Sumakto namang dumating ang grupo ng taong huling nakausap ni Ryleigh kanina. Sila Olivia, Christine, Gerald, Blake at William.
“Excuse me, but what do you mean about that?” walang hiyang singit ni Olivia sa usapan ng magkakaibigan. Naitaas ni Janella ang kilay niya pagkatingin niya kay Olivia.
“At may lakas din talaga kayo ng loob para pumunta punta dito?” masungit na wika ni Janella. Pero napabuntong hininga si Olivia.
“Janella, kaibigan din namin si Ashlynn. Nagaalala parin kami sakanya.”
“Pagkatapos niyong pagsabihan ng masama si Ryleigh? Pagkatapos niyong lokohin siya sa pangalawang beses? Hindi rin talaga makakapal ang mga mukha niyo, anlalakas din ng loob niyong gumawa ng kwento!”
“Patawarin mo na kasi kami. Alam naman namin ang mali namin eh, kaya ngayon bumabawi na kami.” wika ni gerald, “Bumawi my ass! Nagperform naman na siya sa harapan niyo diba? Ngayong tapos na, magsilayas na kayo sa buhay namin!”
“Mahiya ka naman sa may kaarawan ngayon, Janella.”
“Mahiya ka din sa taong hinaharap niyo ngayon, Christine!!” sigaw pabalik ni Janella, “Matagal nang tapos ang pagkakaibigan niyo kaya wala na kayong karapatan dito. Kung humihingi kayo ng tawad, wag niyong ipilit yung tao, hintayin niyo siyang magkusang patawarin kayo!!”
“Wala din kayong mga hiya. Lahat naman kayo makasalanan eh! Lalo ka na William! Ang tanga tanga mo para piliin yung pupitsuging pwesto mo na yan laban sa babaeng binigay din naman sayo ang lahat! Ngayon sikat ka na! William Glace, one of the greatest pianist! Congrats ha!” ani pa niya saka pumalakpak ng malakas, “Congrats, at ngayong sikat ka na, wag mo nang pakialaman pa ang pinsan ko dahil wala na siyang kilalang William, hindi ka na niya kilala. Dun ka nalang sa Daisy mo na malandi.” olivia was about to hit Janella uncontrollably, but luckily, itinapik iyon agad ni Lawrence palayo sa kaibigan niya.

BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Teen Fiction"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...