Chap 15 - Painful

8 5 0
                                    

“Anong ginagawa mo dito?” sinubukan kong pigilan ang mga luha ko't kalmahin ang sarili ko. Punong ng galit ang nasa isip at puso ko ngunit naghahalo din ang lungkot at kaba. Na baka bukas, magkita na kami ni William. Kasama sila Lilianne. Na baka bigla niya akong ibalik sa Cavite, sa school namin. At babalik lahat ng sakit na dinanas ko.

“I'm s-sorry... I-i'm really sorry.. Ashlynn..” banggit ni blake habang umiiyak. Hinahaplos niya ang buhok ko't hinahalikan ang ulo ko ng ilang beses. Pero ako, pilit kong pinipigilan ang sarili ko na huwag humagulgol. Pero tuloy tuloy ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Di ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Di ako alam kung ano ang susunod kong gagawin----umaasa ako na sana, hindi nalang to totoo. Na sana bigla nalang akong magigising at malalamang panaginip lang to. Pero hindi.

“A-after... w-what you did..” nauutal kong sabi. Hindi talaga ako makapagsalita ng maayos. Ni hindi ko nga alam kung itutuloy ko pa ba tong sinasabi ko...

Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin. I know how it hurts for him dahil, hindi ko siya niyakap pabalik. At wala akong pinakitang saya ng makita ko siya.

“Mag-usap t-tayo. And i p-promise you, i will t-tell you everything and e-explain our side.” dito ako napahagulgol ng mahina. Explain? It's been 2 years! 2 freaking years!

“A-ayoko... Umalis ka na.” hinawakan niya ang mga kamay ko.

“P-please.. I miss you.. We miss you, Ashlynn. We're very s-sorry...” he said.

I can't look into his eyes. Dahil baka hindi ko kayanin. This is the very first time that i saw him like that. Na punong-puno ng lungkot. At nagmamakaawa sakin. He's not like that 2 years ago. Kaya hindi ako komportable. At hindi ako sanay.

“B-blake... Ayoko na.”

“Pero Ashlynn....”

“Tigilan mo na siya, Blake!” parehas kaming natigilan at napatingin malapit sa hagdan. And there we saw Janella. Along with Charlize, Paul and Lawrence.

“A-ayoko.. Ayoko.” pagpilit niya. Ngunit lumapit sila samin. Hinila ni Tiffany si Blake at tinulungan siya ni Paul. Hinila naman ako ni Janella palayo kay Blake kaya napabitaw na siya sa kamay ko.

“Bumalik nalang kayo sa Cavite. Mga traydor!” galit na sabi ni Janella. Napapikit ako ng mariin at napayuko. This is also my first time seeing her angry.

“W-we can't. He'll be here soon.” sabi ni tiffany. 

“Ashlynn... Pupunta siya dito sa biyernes.. Gaganap siya bilang pianist sa Cavite...” mahinang saad ni Blake.

At dun ko naramdamang... gumuho ang mundo ko sa pangalawang beses.

“Diba biyernes na din malalaman yung overall ranking natin this semester? S-sa social hall pa yun magaganap.” saad ni Paul. Ngunit walang pumansin sakanya.

“A-ate..”

“Ang sabihin nyo, makasarili lang kayo! Di porket nasasaktan si William! Nung nasaktan ba si Ryleigh sa harapan niyo, anong ginawa niyo? Wala diba?! Mga walang kwentang kaibigan!!!” matapos yun sabihin ni Janella ay hinila na niya ako at si Charlize patungo sa hagdan para bumaba. Pero napalingon kami nang mapansin naming di sumunod sila Lawrence at Paul.

“Lawrence! Paul! What the heck are you still doing there!? Let's go!!” naiinis na saad ni Janella. Hindi na niya hinintay pa sila Paul pagkatapos nun at hinila na niya kami pababa.

We're on our way to canteen at hawak hawak parin ni Janella ang kamay namin ni Charlize. Napatingin naman ako kay charlize at sakto rin palang nakatingin siya sakin. Tiningnan niya ako ng malungkot pero iniwasan ko na agad ang pagtingin sakanya..

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon