Chap 16 - Normal Day

13 7 0
                                        

Ashlynn Ryleigh Eddison's POV

It's now Tuesday. At nandito nga ako ngayon sa school. Actually, i'm in the middle of the class pero kahit ano namang kinig ko, walang pumapasok sa isipan ko. Dahil bumabagabag talaga sakin yung nangyari kahapon. Andami nang nangyari. Pero parang simula palang talaga to ng nangyayari ngayon. Parang gusto ko na ngang sisihin ang lahat, kahit ang sarili ko. Kasi sobrang sakit para sakin yung nangyari. Pero parang di nila naiintindihan.

Natauhan ako nang may bumukas ng pinto namin. Pati ang pagsasalita ng guro sa harapan ay napatigil din. Nang makita namin ang pumasok, napaayos kami ng upo. Sya yung adviser namin. Si Mrs. Fuentanilla.

"Ms. Devin, I'm so sorry for interrupting your discussion but i would like to excuse ms. Eddison for awhile." saad niya.

"Sure. Besides malapit na ring mag-break time. Ms. Eddison?" tumayo naman ako saka pumunta sa pinto. Nang makalabas ako ay lumabas din si Mrs. Fuentanilla at sinara na ang pinto saka humarap sakin.

"I'm sorry for disturbing you. May gusto lang akong sabihin hindi tungkol sa grades mo. I don't think i'll have my time later to talk to you kasi right after ng time ko sainyo ay may meeting kami about the program on Friday." saad niya. Nang mabanggit niya ang tungkol sa biyernes ay naalala ko bigla yung sinabi sakin nila Tiffany. Ang performance ni William sa school namin.

"Ano po ba yun, ma'am?" tanong ko sakanya.

"Uhm. Your friend, Mr. Alfonso said na marunong kang kumanta at gumamit ng piano. So i'm hoping if you can perform on Friday before the famous pianist from cavite perform his piece." natigilan ako. Bat to sinabi ni Paul? Is he out of his mind?

"Ma'am, i really can't play piano---"

"Kahit kumanta ka lang, Ms. Eddison. I really want a representative to perform on my advisory class. Pwede mo ba akong pagbigyan?" pagpupumilit niya. Huminga ako ng malalim.

"Sige po. Papayag na po ako." napangiti naman si ma'am matapos kong sabihin yun.

"Great!!! Thank you so much for this. But by the way, marunong ka ba mag-guitar kung sakali?" napaisip ako. Do i know hot to play it.

Bigla ko namang naalala ung panahong elementary days ko pa, I'm always playing guitar that time at nagjajamming din kami ng mga kaklase ko nung time na yun tuwing walang teacher. Tumigil na ako sa paggamit nun nung high school na ako pero sa tingin ko naman, alam ko pa kung pano gamitin yun.

"I'm not sure ma'am. The last time that i played a guitar was when i'm still little. I'll try to play it again later and practice." sabi ko sakanya.

"Sige. Thank you so much, ms. Eddison. By thursday i want to know the song title that you'll perform. For now, i'll be leaving to continue my work. See you in my class tomorrow." yumuko ako bilang paggalang kaya umalis na siya. Sakto naman ang pagtunog ng bell namin. Ibig sahihin break time na. Bumukas ang pintuan at nakita ko si Ms. Devin. Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako sakanya pabalik saka pumasok sa classroom para hanapin sila charlize.

"Oh? Dapat hinintay mo na kami sa labas." saad ni lawrence saka inabot ang bag ko. Nagpasalamat naman ako. Nandito rin kasi ang mahahalaga kong gamit kaya kinuha ko na yun saka binalik ang bag sa upuan ko.

"Leigh! Anong sabi sayo ni Ma'am Fuentanilla??" nagtatakang tanong sakin ni Charlize.

"Gusto niya daw akong kumanta sa Friday at magpiano." natigilan siya.

"E-eh? Piano?" tumango ako.

"Pero nireject ko. E kaso kailangan niya daw ng representative sa section natin kaya kahit kanta lang daw ang gawin ko at maggitara kung marunong." pagsagot ko sa tanong niya.

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon