This is the last chapter before the epilogue. Enjoy!
========
“Ashlynn..” i heard him said. Napatingin ako sakanya. Kay blake. Pero nawala agad ang tingin ko sa kanya nang tawagin ako ni Raiel.
“Pumasok ka na.” aniya kaya wala na akong nagawa kundi pabayaan na si Blake sa labas. Pumasok na ako sa headmaster's office. Sa office ni lolo. At bumungad sakin ang tingin niya na para bang hinihintay kaming dumating. Nakatayo siya sa harap ng mesa niya kung saan rin nakalagay ang pangalan nito.
“Lolo.” saad ni Raiel. Tumingin sakanya si lolo saka tinanguan. Napatingin ako sakanya nang muli niyang tinahak ang daan palabas ng kwarto saka sinarado ang pinto. Now i'm left with my grandfather.
Ibinalik ko ang tingin ko kay lolo saka naglakad malapit sa kanya. Iniyuko ko ang ulo ko bago magsalita.
“Headmaster.” seryoso siyang nakatingin sakin.
“Lolo.” pagtatama niya sakin. “Sit down, apo.” sinunod ko ang sinabi niya at siya rin ay umupo.
“L-lolo... Bakit nyo po ako pinapunta dito?” ilang saglit muna ang lumipas bago siya magsalita. Pero hindi ko inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
“I can't believe i've done this so far.” , “Can you.... can you give me a hug?” napaiyak ako sa sinabi niya at napangiti. This... This is my lolo before. Ito siya.
Tumakbo ako sakanya at saka siya niyakap habang nakaupo siya. Niyakap ko siya mula sa likod saka humagulgol sakanya. I missed him. I miss my lolo. My old lolo.
“L-lolo.” i said between my tears. “I'm very sorry, apo. You don't deserve what happened. You don't deserve it. I'm sorry if i only let them do everything they want to do to you. I'm sorry for giving you so much pressure. Apo, i'm really sorry. Ni sa pagpipiano mo ay hindi kita sinuportahan. Pasensya na kung sinaktan kita sa ganoong paraan.”
“N-no. L-lolo. I don't... I don't mind. But i'm n-now happy. K-kasi bumalik ka na sa dati. And that i can treat you like this again. You'll always be my hero, lo. And i so much miss my hero.”
“My apo, i love you so much.”
We stayed like this that long. Ayokong bumitaw sakanya dahil miss na miss ko siya. Nung mga panahong nahihirapan ako ay lagi siyang narito sa tabi ko. Tuwing pinapagalitan ako ng mga magulang ko ay siya lang ang tanging taong matatakbuhan ko. Siya ang nag-alaga sakin magmula nung manatili ako rito sa Cavite. Siya lang naging kaibigan ko, magulang at kapatid ko sa lahat ng bagay. Ganito kaimportante sa akin si lolo. Kaya pinilit ko ang sarili kong alisin ang galit sa kanya kahit mayroon rin siyang nagawang mali sa akin. After all, si lolo lang ang nagbigay halaga sa akin bago dumating sila William.
“Ikaw bata ka, nagtatampo talaga ako sayo dati.” napatingin ako kay lolo. “Bakit naman po?”
“Magmula nung kinaibigan mo sila William, halos hindi ka na bumalik pa dito. Alam mo bang inis na inis ako sayo?” natawa ako sa wika ni lolo. Kahit matanda na, napakabata parin umasta. Haynako, lo.
“Sorry na, lo. Sila ang pinakauna kong naging totoong kaibigan eh.” nakangiti kong saad pero pinalo niya ako ng mahina.
“Kahit na. Kaya akala ko nun ay naiimpluwensyahan ka na. Mas nakita kitang sumaya nung mga oras na yun, apo. Pero kaya sumama ang trato ko sayo ay dahil unti-unti mo nang napapabayaan ang pagaaral mo. Lagi kang late umuwi sa bahay. Tapos magugulat na lang ako na ikaw ang magppresenta sa paaralan natin sa kompetisyon sa pagtugtog ng piano.” binitawan ko si lolo saka humarap sakanya. Tumingin naman ito sakin kahit halata ang sama ng loob na naramdaman niya.
BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
أدب المراهقين"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...