“R-ryleigh...”Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ko galing sa taong nasa likod ko. Si charlize...
“Kailan pa?” tanong ko sakanya. Nilingon ko siya saka siya tiningnan.
“M-magpapaliwanag ako----”
“Kailan pa?!” napaantras siya bigla nang nilakasan ko na ang boses ko. Hindi na siya nakasagot dahil napansin naming tatlo na dumating si Janella kasama si Paul sa tabi niya. Nang makalapit na sila ay tiningnan ako ni Janella. Pero napatigil siya nang makita niya ang hawak kong sobre. Ganun rin si Paul. Alam nga talaga nila ang tungkol dito sa sobre.
“Ryleigh.” tawag sakin ni Janella.
“N-nung thursday pa..... Leigh magpapaliwanag ako.” nagmamaka-awang saad sakin ni Charlize. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng aking kamay saka binuksan ang sobre. May lamang sulat. Binuksan ko rin ito saka binasa ang nakasulat.
Ang pagkakasulat nito, hindi ako magkakamaling sulat nga to ni William. Kahit nanginginig ang kamay ko't nakakaramdam ako ng kaba, sinubukan ko paring basahin ang nakasulat.
"Ashly,
I'm sorry for what I've done. I'm sorry for hurting you and letting you feel depressed. I know it's been two years but you don't know how hard it is for me to forget everything what happen dahil ako ang may dahilan ng lahat. Ako rin ang may kasalanan kung bakit nagkawatak-watak tayong lahat. Hindi ko malabanan ang konsensyang nararamdaman ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay hanapin ka't ibalik ka sa school kung san tayo nagsama-sama ganun na rin sila Blake. Ipagpatuloy natin ang samahan natin. And i promise you, i will do anything you want mabalik lang ang dati nating samahan..."‘I promise you that i won't hurt you. Trust me, Ashly.’
‘When we get old, liligawan na kita. By that, ipapakita ko lalo sayong gusto kita.’
‘Pangako, hindi kita iiwan. Kung magagawa man kitang saktan, babalik at babalik parin ako sayo.’
‘We met because of this piano. At ayaw kong ito rin ang maging dahilan para maghiwalay ang landas natin.’
‘Crush kita.’
Those lines. Yun ang mga pinagkatiwalaan ko. Pero ginawa mo ang bagay na yun, akala ko ba ayaw mong yun rin ang maging dahilan para kamuhian kita? Napapikit ako. Pakiramdam ko bumabalik lahat ng mga naramdaman ko noon. Pakiramdam ko parang kahapon lang ang nangyaring yun. Yung huling beses kitang tiningnan ng puno ng lungkot at galit. Yung pagtakbo ko palabas dun ng hindi pinapansing nasa akin ang atensyon ng lahat. Yung pagkapahiya ko, yung mga insultong natanggap ko. Lahat ng sakit na naramdaman ko nun, parang bigla nanamang tumama sa puso ko.
Isinama ko ang papel na hawak ko sa pagkuyom ng kamao.
Para akong binabalik sa nakaraan na hindi ko gusto. Walang tigil lang ang pag-tulo ng mga luha ko. Wala akong masabi. Dahil hindi ko to gusto. Ayaw ko nito.
“Ryleigh.” nakaramdam ako ng panghihina. Napaupo ako bigla kaya lahat sila nagsilapitan sakin. Hinawakan ako ni Janella sa magkabilang balikat ko. Inangat ni Lawrence mukha ko at hinarap sa kanya. He wiped my tears using both of his hands atsaka nagsalita.
“We'll always be here for you. Okay?”
Nasa aking kwarto ako ngayon. Tulala. Walang kahit anong reaksyon na nakatitig sa kisame. Nakahiga ako ngayon sa kama ko't iniisip ang bawat salitang nakasulat dun sa sobre. Pero habang iniisip ko yun ay saka rin papasok sa isip ko ang mga sinabi sakin ni William noon. Muli kong pinikit ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Dla nastolatków"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...