Chap 36 - Eddison College

11 1 0
                                    

We're almost in the end! I hope you guys can keep on reading until the Epilogue of this story! Thank you and I love you all!

==========

“Ryleigh, tara na.” napalingon ako nang tawagin ako ni Raiel. “Wait.” ani ko bago isara ang bag ko. Nilagay ko lang naman rito ang mga gamit na naiwan ni Risse nang umalis na sila dito. Isasabit ko na sana ito sa balikat ko nang biglang may humila nito palayo sakin dahilan para mabitawan ko yung bag. Napalingon nanaman ako.

Si Raiel.

“Bakit? Anong meron?” kukunin ko na sana sakanya yung bag ko nang isabit niya ito sa balikat niya.

“Let me. Tara na, napakakupad mo talaga kahit kailan.” i scoffed but he already turned his back on me. Kasalanan ko bang siya ang nagkusang hintayin ako na matapos dito kung pwede naman na siyang mauna sa parking lot diba?

“If you can't wait, then don't. Nagkusa ka pa.” saad ko saka inikot ang mga mata ko. Naglakad na rin ako palabas ng room kung saan ako naconfine.

“You might lose your balance if i left you here. Kaya wag kang nagrereklamo dyan.” sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya ako pinansin. Dere-deretso lang ang lakad nito patungo sa elevator kaya sumunod nalang ako.

For now, si Raiel lang ang kasama ko. Since sinabi ko na kila mom na kakausapin ko nalang si lolo privately on his office sa Eddison College ay wala na silang nagawa pa. But they told me na dapat kasama ko si Raiel kaya hindi na ako nagreklamo pa. Pagkatapos kong magpaalam ay nagsabi din sila sakin na kailangan nilang bumalik sa bahay dahil ihahatid din daw nila si Risse sa trabaho niya. Sinabi pa nga nila na babalik sila dito agad para samahan na akong umuwi pero umayaw ako. Kailangan din naman nilang magpahinga dahil sila ang nag-alaga sakin dito sa ospital ng limang araw.

And i must say na kinakabahan ako ngayon dahil sa kung ano mang pwedeng mangyari mamaya. Maraming pwedeng makakilala sakin na mga estudyante sa EC at baka kung ano pa ang sabihin ng mga yun tungkol sakin sa mga freshmen. Idagdag pa ang pwedeng kahihitnan ng usapan namin ni lolo. Basta ang alam ko lang, medyo nabawasan na ang bigat ng loob ko sa lahat ng mga nanakit sakin.

Naglalakad na kami ngayon ni Raiel sa parking lot. Ganun kabilis dahil hindi ko rin napansin sa dami ng iniisip ko.

“Didn't i forget to tell you, Ryleigh?” panimula ni Raiel ng usapan. Hindi niya ako tinapunan ng tingin pero napatingin ako sakanya.

“Na?”

“You went viral.” napakunot ang noo ko. Viral? For what? As far as i can remember, walang dapat na ika-viral tungkol sa akin.

“Huh? Why?”

“All of the people here in Cavite are shocked about your presence on Olivia's birthday.” what the hell?

“Seriously?” hindi makapaniwala kong saad. “Para namang ang big deal nun ha.”

“Of course it will be. You ruined the name of our school years ago tapos naglakas-loob ka pa raw na bumalik para lang patunayan ang sarili mo. At marami ding nagulat dahil ganun ka pala kagaling mag-piano. Most of them were even confused kung sadya ba ang nangyari noon o hindi. But expect the haters as well na nagsasabing pinag-aralan mo lang yung piano sa buong dalawang taon na nawala ka para lang may mapatunayan ka.” napasimangot ako lalo. Natriggered ba naman ako sa sinabi nito na sinira ko ang pangalan ng school. Hindi ko naman alam na mangyayari yun eh.

“Alam mo yung dapat na ginagawa sa mga haters mo? Send-an mo yan ng mga video na nagpipiano ka. Ako bahala sayo.” napakunot nanaman ang noo ko. Anong klaseng kalokohan yan?

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon