Chap 2 - William

63 14 0
                                    

“Is it a normal day?” tanong sakin ni Risse. I nod. Saka nagsalita matapos kong ilunok ang kinakain ko.

“It's always been tiring. Gusto ko nang makapagtapos nang hindi na ako umasa sainyo.” saad ko. I heard her sigh.

“Lagi mo nalang sinasabi yan.” sabi niya saka muling kumain. Hindi naman na ako sumagot at nanatili sa pagkain. Nang bigla kong maalala yung kanina. Balak ko sanang tanungin yung tungkol dun pero bago pa ako makapagsalita, may sinabi na agad siya.

“Uhm.... Ryleigh.” pagtawag niya sa pangalan ko. Yung tono ng pananalita niya, parang, nagaalala. At yung tingin naman niya sakin..

Parang yung kanina lang bago ako lumabas ng kotse. Napatigil ako sa pagkain saka siya muling hinarap. Hindi na ako nagsalita dahil mukhang, may sasabihin naman siya.

“A-ano kasi..” napakunot ang noo ko. Uminom ako ng tubig mula sa aking baso at muli iyong pinatong sa mesa.

“I was about to tell this to you earlier---” hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

May tumawag sa phone niya na nakaabala sa usapan naming dalawa. Parehas nun nakuha ang atensyon namin. Kinuha niya naman yun agad.

“Tumatawag yung boss ko, Ry. Sandali.” tinanguan ko naman na siya saka siya tumayo at lumayo dumiretso sa sala saka sinagot dun yung tawag. I sigh as i'm finishing my food. Hindi na ako nag-abalang hintayin pa siyang makabalik dahil, nawalan siguro ako ng gana nung tumawag ang boss niya.

Ilang minuto na ang nakalipas at tapos na akong kumain. Kasabay naman nun ang pagbalik ni Risse dito na parang kakatapos lang ng usapan nila. Umupo siyang muli sa harapan ko saka tinuloy ang pagkain. But this time, minamadali na niya ang pagkain niya. Dun ko naman na naisipang magsalita.

“Pwede mo bang, ituloy yung sasabihin mo kanina?” tanong ko sakanya. Nang matapos niya ang pagkain, uminom siya ng tubig saka tumingin sakin na parang humihingi ng paumanhin.

“Ry, bukas ko na siguro masasabi sayo. I need to go back to work again dahil nagkaroon ng problema sa opisina and my boss said i should be there---” di ko na siya pinatapos at nagsalita na ako.

“It's fine. Kailangan mo nang umalis. Mag-ingat ka nalang. And i can't wait you again later, magpapahinga na ako sa room.” pinunasan niya ang bibig niya gamit ang tissue na nasa tabi saka tumayo.

“Ryleigh, i'm really sorry.” i smiled, and nod. Ngumiti siya sakin saka kinuha ang mga files na nakalagay kanina sa tabi niya at saka na umalis. Tumayo naman na ako at pinagpatong ang plato namin Risse, nilagay ko ang kutsara at tinidor sa baso at pinatong ang baso niya sa baso ko saka yun nilagay sa lababo. Katulad ng kanina ay iniwan ko na lamang dun at umakyat para makapunta sa kwarto. 7:40 pm na ng gabi. Magbabasa nalang siguro ako bago mag-ayos para makatulog.

Kinabukasan, isa nanamang normal na araw sa eskwelahan. Pangalawang break na to at nandito kami ngayon sa canteen. Kasama ko si Paul at si Charlize katulad lang kahapon. Muli nanamang sumabay samin si Paul at siya ang nagbayad ng kinain namin ngayon at kanina. Nung tinanong namin ang rason kung bakit, wala lang daw. Kaya hindi na siya kinulit pa ni charlize dahil, sanay na yun na nililibre. Kaibigan niya ako eh.

“Do you guys know William Glace? Yung nagviral na sobrang galing magpiano?” napatigil naman ako sa pagkain. William...

“Syempre! Idol ko kaya yun! Nakakatindig balahibo talaga yung mga video niya habang nagpplay ng piano, sanay na sanay talaga siya.” sagot naman ni paul na halatang hangang-hanga na parang inaalala pa niya yung mga videos na napanood niya.

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon