Chap 3 - Fight

53 11 8
                                    


“Kamusta ang pag-aaral mo?” salubong sakin ni Mom pagkababang pagkababa ko galing sa kwarto. I sigh.

“It's fine, i'm trying hard---”

“Trying hard?! Is that how hard for you to be the most intelligent in your room, Ryleigh?!” napapikit ako matapos nyang sabihin yun sakin. Kaya minsan ayaw kong nandito sila sa bahay.

“Mom, hindi naman ako kasing talino nyo.” kalmadong sabi ko sakanya. But to be honest, i want to cry.

“Kung hindi ka kasing talino namin, Then how will i call you my daughter!?” napatigil ako sa sinabi niya.

“Mom! Hindi mo dapat yan sinasabi sa kanya!!” napayuko na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Risse. Pababa siya ng hagdan at nang makababa na siya ay hinawakan niya ang mga balikat ko saka inilayo ng onti kay mom.

“Totoo naman kasi Arisse! All of our relatives are born with intelligence!! Kung meron man akong pinagsisihan dito, yun ay yung nagtiwala ako dito na hindi nito sisirain ang image ng pamilya natin!! Because of what that did 2 years ago, nasira ang iba sa mga plano ko!”

“At kung ako naman ang merong pagsisisihan, yun ay yung naging anak nyo rin ako!!” napapikit na lamang ako sa sigawan nila. Bakit ka pa nakisali rito Risse..

“Bakit ba kasi nakikisali ka dito arisse!?”

“Because you've reached the limit already!! Kung sana hinayaan nyo nalang siya na paghirapan ang mga pinapagawa nyo, hindi sana ako magagalit ng ganito!!” sigaw pabalik ni Risse. Bago pa man sumigaw ulit si mom ay nagsalita na ako.

“D-don't worry, i will do my best para hindi masira ulit ang image nyo.” sabi ko habang nakayuko saka nagmadaling umakyat tungo sa aking kwarto.

“Ryleigh!!!” sinara ko na agad ang pinto ng kwarto ko saka ito nilock. Nanginginig akong humiga sa kama ko kahit nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luha ko. I covered my eyes with my pillow saka nilabas lahat ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

How could you be that harsh to me? Talaga bang tumigas na ang puso nyo sakin magmula nung nangyari ang mga yun?

Gusto ko nang.. matapos to.

Arisse Rianna Eddison's POV

I sigh while eating my dinner. Kasama ko sila mom at dad at sobrang tahimik na ng atmosphere dito. Parang walang kayang magsalita.

“You should apologize to Leigh.” kalmadong sabi ni Dad. Palihim akong napangiti pero napawi yun kaagad ng biglang binitawan niya ang kutsara't tinidor na hawak niya na nagkaroon pa ng tunog.

“And now you're in that kid's side?” mataray na sabi ni Mom. Tumingin naman ako sa kanya.

“Aya, kahit na may galit parin ako Ryleigh, hindi ko parin maaalis sa katotohanan na anak parin natin siya.” sabi ni dad at tumigil na din sa pagkain.

“So what?! Kailangan niya paring pagsisihan ang kasalanang ginawa niya 2 years ago!”

“2 years ago lang yon at tapos na yun! Why do you keep on fighting with that kung nakalipas naman na?! Are you being a child right now, Aya?!” pikon na sabi ni dad. Tumayo naman agad si mom dahil sa galit. Napatigil naman ako sa pagkain. Mag-aaway na nga lang kayo, dito pa sa harapan ng anak niyo..

“Kahit 2 years ago na yun ay hindi parin mawawala ang kasalanan niya! Nasira ang image ko nun at kung sisirain niya pa ulit yun, wala na siyang tahanan na uuwian!!” sumama nanaman ang timpla ko. Ano kamo? Nasaktan na't lahat lahat yung anak mo, hindi ka parin nakakaramdam ng konsensya!? Anong klase kang nanay?

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon