Nagising ang aking diwa ng pagdilat ko ay ang liwanag na agad ng araw ang sumalubong samin. Tumalikod ako mula roon at sinubukang matulog ulit pero, mukhang nagising na nga talaga ang diwa ko. Haist.
Tiningnan ko naman kung anong oras na. 10 am. Nagstretch muna ako saglit saka bumangon sa kama. Kinuha ko yung tuwalya ko na nakasabit saka pumasok sa cr.
Matapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay lumabas na ako ng cr. Nang mapansin kong may nakapatong sa kama ko na kahon. Napakunot ang noo ko. Galing saan to?
Arisse Rianna Eddison's POV
“Tita Janice!” masaya kong salubong kay tita Janice na kapatid ni mom nang makita ko sila sa living room na mukhang kadadating lang. Nang makita naman niya ako ay ngumisi siya tsaka nagyakapan kami na parang magkaibigan na matagal nang hindi nagkita. Close talaga kami ni tita. Mabait kasi siya. Hindi katulad ni mom. Lol.
“Arisseeeeee!!” sabi naman niya. Lumawak naman lalo ang ngiti ko. Hindi pa talaga nagbabago tong si tita.
“May pasalubong ako sayo.” sabi sakin ni tita janice ng may ngiting nangaasar.
“I think alam ko na yan.” sabi ko ng may pangasar na ngiti rin. Syempre, papahuli pa ba ako? Tumalikod naman si Tita saka may kinuha sa maleta niya. Nilapitan ko naman si Janella, ang anak niya na nakaupo sa couch. Mukhang may kachat siya ngayon sa cellphone niya pero binalewala ko yun. Tumabi ako sa kanya.
“Huy! Sino yan ha?” mapangasar kong tanong sa kanya. Napabusangot naman ang mukha niya sa sinabi ko saka binaba ang cellphone at pinatay.
“Hanggang ngayon ba naman ate?” tanong niya sakin. Nawala naman ang ngiti ko nang tawagin niya akong ate. Hmp! Rude!
“Ya! I told you not to call me ate!!” nilabas niya ang dila niya na parang nangaasar. Tinarayan ko naman siya pero nang magkatinginan kami ay parehas kaming napatawa.
“I miss you girllll!!” sambit ko saka niyakap siya ng mahigpit. Hihihihi.
“Haha, i miss you too of courseeee!” bawi niya sakin saka niyakap ako pabalik.
“Heyyy, wag mong agawin si Arisse sakin!!” page-epal naman ni Tita Janice saka ako hinila palapit sa kanya kaya napahiwalay kami ni Janella. Napatawa naman ako ng makitang nagpout si janella.
“Mama naman!” nag-belat naman si Tita sa kanya. Wala talagang pinagbago ang mag-inang to. Hanggang ngayon daig pa ang mag-bestfriends kung umasta. Haha
“Eto yung pasalubong ko sayo!” masiglang sabi sakin ni tita janice saka may inabot sa akin na naka-wrap pa.
“Nakooo, kaya ikaw favorite kong tita eh.” napangiwi naman si tita Janice kaya natawa nanaman ako sa ekspresyon niya.
“Kaw bata ka talaga. Hmp!” sabay kaming napatawa lalo ni Janella sa inasta ng mama niya.
“Itong si Tita Janice, kung umasta parang dalaga!” sambit ko saka inalis ang naka-wrap na bigay sakin ni Tita Janice. Mukhang alam ko na to e. Muahahahaha
“Dalaga pa ako ah!” reklamo ni tita.
“Dalagang may anak? Grabe ka mama ah.” pangongontra naman ni Janella sa kanya.
“Isa ka pa! Makisabay ka nga!!” sabi ni tita saka nagpout.
“Ewww.” inirapan naman ako ni Tita Janice kaya nag-apir naman kami ni Janella.
“Buksan mo na nga lang yan! Maaappreciate mo ko lalo pag nakita mo laman niyan.” pag-iiba ng topic ni Tita Janice. Sumunod naman na ako saka ipinagpatuloy ang pagbubukas nitong pasalubong niya.
BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Novela Juvenil"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...