Now's Saturday. At hindi ako mapakali hangga't alam kong nandito ang mga magulang ko sa bahay. I didn't ate breakfast. And lunch. But i don't feel like eating, as well kahit ramdam ko na ang matinding pagkagutom.
I once looked at my mirror and i admit, i look so horrible. Magang maga ang mga mata ko. At halata agad ang eyebags ko. What can i do? Nakatulog ako ng 2 am kakaiyak. At nagising ako nung 8 am na. Pero never akong bumangon sa kama ko.
Muli kong pinikit ang mga mata ko. I don't want to be what i became 2 years ago but i just can't control myself. Ansakit ng mga sinabi ng sarili kong nanay. It's worst. But i want to understand what she's thinking, on the second thought.
May pumasok bigla na park sa isip ko. Parang gusto ko tuloy lumabas ng bahay.
Binuksan ko ang mga mata ko. Wala namang mali kung lalabas ako ng bahay, hindi ba?
Muli kong binuksan ang mga mata ko saka bumangon. Nagunat unat pa ako saglit dahil ilang oras na akong nakahiga. Tumunog bigla ang tyan ko pero hindi ko na yun pinansin saka dumiretso sa cr para maligo.
Binuksan ko yung shower ko. Pero napapikit na lamang ako ng bumuhos mula doon ang tubig sa katawan ko. Ang lamig. At ang sarap sa pakiramdam. Kaya nanatili muna akong ganito sa ilang saglit pa bago ko gawin ang mga kailangan kong gawin.
40 minutes past. Yeah, ganun katagal ako sa cr. Nagbihis na ako't inayos ang aking sarili. Sa labas na lang din ako kakain.
Pagkatapos kong magbihis ay umupo ako sa harap ng salamin.
Ang kupad kong kumilos. Sobrang tamlay ko kumpara kahapon. Napahilamos akong muli sa mukha nang makita kong may tumulo nanaman na luha mula sa mata ko. I don't want to cry now. Baka bumigay pa ang mga mata ko ng wala sa oras.
Isinuklay ko na ang buhok ko. Hinayaan ko itong nakalugay kasi basa pa siya. Hoodie na black lang ang sinuot ko tsaka jeans. Sa park lang naman ang punta ko eh.
Patayo na sana ako sa aking upuan para hanapin ang cellphone at wallet ko pero naalala kong naiwan ko ito kay Janella kahapon. Napasuklay ako sa buhok ko pababa kahit basa pa. Pupunta pa ako sa kwarto niya. Haist.
Pagkatapos kong magsapatos ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko na inisip pa ang posibleng mangyayari pag nakasalubong ko ang mga magulang ko. Ayaw ko silang makita, pero mas ayaw kong magmukmok sa kwarto ko na para bang bata. Mangangayayat pa ako lalo dahil hindi ako kakain magdamag.
Kumatok ako sa pinto ni Janella. At agad nga naman niyang binuksan ang pinto. Nang marealize niya na ako ito ay nagulantang pa siya saglit. Na para bang hindi niya inaasahan ang presensya ko sa harapan niya.
“R-ryleigh.” tiningnan niya ang suot ko bago tumingin sakin ulit. Nagtaka pa siya dahil sa suot ko.
“Where are you going? Samahan na kita.” akmang dederetso na siya sa banyo nang pinigilan ko na agad ang binabalak niya.
Ayoko ng kasama.
“You don't need to. Ayoko din ng kasama.” natigilan siya. Nilingon niya ako ng puno ng pagaalala.
“Asan ka ba pupunta, Leigh?” i shrugged.
“I came here to get my things. Yung wallet ko at yung phone ko?” sambit ko. Dumiretso naman agad siya sa bag niya na nakapatong malapit sa salamin. Kinalkal pa nito saglit ang bag niya bago mailabas ang mga bagay na kailangan ko. Agad niya itong iniabot sakin. Paalis na sana ako ng walang paalam sa kwarto niya nang magsalita siya.
Napalingon akong muli, “Ryleigh, nandito lang ako. Kami ni Risse, okay?” i nod. I'm aware of that. Hindi na ako sumagot pa sa halip ay naglakad na ako ulit. Ramdam ko talaga ang pagkagutom ko't parang gusto ko nalang tumakbo palabas at maghanap agad ng pwede kong makain.

BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Teen Fiction"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...