Lunes na't naglalakad kami ngayong tatlo papuntang school. Nagsabi na samin si Paul na hindi daw siya makakasabay dahil ihahatid siya ng papa niya. Hindi na kami umangal pa dahil wala naman kaming rason para gawin yun.
“Okay na ba talaga kayong dalawa?” tanong ni Janella. Tumango naman ako at ganun rin si Charlize.
“E ba't parang hindi?” nagkatinginan kami. Pero d na ako nagabala pang sumagot.
“Malay ko sayo.” napa-pout naman si Janella sa asta ni charlize.
Hindi na kami nagusap-usap pa't pinagpatuloy ang paglalakad. Pinagtuunan lamang ng pansin ni Janella ang cellphone na hawak nya habang naglalakad kami. Habang si charlize ay naglalakad lang.
Ngayo'y asa kanya-kanya kaming silid-aralan naghihintay na dumating ang guro namin. Muli akong napatingin sa orasan sa cellphone ko. Sampung minuto nang wala ang guro. Tinatamad na ako. Pero yung mga kaklase ko, nagiingay lang sila. Ganun rin si charlize, nakikipag-usap sakanila. Umalis pa nga sa upuan niya't lumapit sakanila.
“Ryleigh.” napalingon ako sa pwesto ni charlize. Nakaupo roon si Lawrence at nakaharap sakin. Hindi ko siya napansing umupo roon dahil napunta ang atensyon ko kila charlize na biglang nagsitawanan ng malakas.
“Hindi ata makakaattend ang teacher natin ngayon.” napakunot ang noo ko. Sampung minuto palang naman siyang wala. Maaari pa siyang umabot.
“Pano mo nasabi?” tanong ko sakanya. Para naman kasing biglaan. Kapag kasi may meeting ang mga teachers ay sinasabi saamin kung makakaattend ba sila sa next class nila o hindi. E sa ngaun naman, walang sinabi samin ang sinumang teacher nung isang araw para sabihing may meeting.
“Nalaman kong may meeting ang mga teachers dahil ngayong linggo na ang periodical natin. Siguro hanggang break time yun.” napakibit-balikat na lamang ako. Wala naman kaming magagawa.
“Labas tayo saglit?” muli akong napatingin sakanya.
“Maingay kasi dito masyado eh.” sumang-ayon nalang ako dahil wala naman akong gagawin. Tumayo ako at lumapit kay charlize. Kinalabit ko siya kaya agad na napunta sakin ang atensyon niya.
“Oh, Leigh. Bakit?”
“Lalabas lang kami ni Lawrence.” napatingin naman si Charlize kay Lawrence saka binalik sakin ang tingin. Napangiti naman siya bigla na para bang inaasar kami. Sa tingin palang niyang yun, alam ko nang may kung ano na siyang iniisip.
“Sige. Ingat kayoooo..” sabi niya sakin saka ngumiti sakin ng malapad. Tinanguan ko nalang siya tsaka nauna nang lumabas. Pagkalabas namin ay pumantay na agad siya sakin sa paglalakad.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko sakanya.
“Ikot nalang tayo. Mahaba pa naman ang oras.” sabi niya habang nakangiti.
“Mapapagod pa ako e.” natawa siya sa sinabi ko pero hindi ko yun pinansin. Totoo naman e.
“Dun nalang tayo sa garden.” hindi na ako nag-abala pang magsalita at pinagpatuloy lang namin ang paglalakad. Since malapit lng ang garden dito sa building namin ay narating namin yun kaagad. Kaya umupo kami sa bench na bakante. Konti lang ang mga estudyante rito sa garden at medyo tahimik rito. Yung iba kasi rito, natutulog.
“Hmm, ryleigh.” napatingin ako sakanya. Pero siya, nakatingin lang sa harapan.
“I'm sorry. Sa pagtago namin ng totoo sayo. About sa liham.” napaiwas ako ng tingin sa kanya saka tumingin rin sa harapan.
“It's fine. Nagulat lang ako nun.” napansin kong napatingin siya sakin.
“Pero alam kong malaking bagay parin yun. Galing yun sa nakaraan mo..”
BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Fiksi Remaja"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...