Chap 23 - The Piano

10 4 0
                                        


“Kamusta yung usap niyo, Ryleigh?” i sighed after hearing what Janella asked. Just this time, ayokong magsalita.

The car went silent for about 2 minutes. I don't know if Janella's still waiting for an answer because she's seating in my back. But i remained my eyes infront. Not minding her, even Risse beside me.

“Ryleigh?”

“Let her think, Janella. Her face is telling us that it didn't turned out well.” rinig kong kalmadong sabi ni Risse. Nakarinig naman ako ng buntong hininga..

“Okay.” matamlay na sabi ni Janella. Matapos niyang magsalita ay muling tumahimik dito sa loob ng kotse.

I felt sorry for Janella. Sana ay hindi siya nainis sakin sa hindi ko pagsagot. I know it is rude to ignore someone who's just asking but i can't. I just can't.

Nakarating kami sa bahay ng wala ni isa ang nagsalita. Napapikit ako ng mariin.

“Hindi daw uuwi sila dad. Dederetso sila sa Cavite. Dun kasi matutulog sila Tito Zhan.” sabi ni Risse. Pero hindi parin ako nagabala na magsalita.

Dere-deretso akong bumaba ng kotse. Hindi ko na sila hinintay. Hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.

Dumiretso ako sa cr para maghilamos. Pero nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin. Agad kong napansin ang luhang tumutulo sa pisngi ko.

I chuckled.

It's my fault, anyways. Napakahina ko kasi.

“Y-you....”


“You deserve this.”

Kinabukasan ay hinatid kami ni Risse kasama si Paul sa school namin. Hindi bumalik ang wisyo ko kahit na panibagong araw nanaman ito. Nanatili akong tahimik. Wala sa mood. Walang gana.

I refused to eat breakfast since i lost my appetite. Buti nalang at hindi na ako pinilit nila Risse. They remained silent. But paul, he seems confused about me. Pero hindi siya nagsalita nung asa kotse kami. Buti nalang at hindi na siya namilit.

Pagpasok ko ay wala akong bakas ni Charlize na nakita. Hindi rin naman siya nagbalak na ipaalam yun samin at sabihin kung bakit. Si Lawrence lang ang nakita ko. Kaya tumabi muna siya sakin. Although, hindi ko siya kinakausap. Tahimik lang ako magdamag. Habang siya, kinukulit ako.

“Uy, ano bang problema mo?” hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nanatili akong nakatingin sa teacher na nasa harapan. Oo't iniistorbo niya ako sa gitna ng klase. Hindi ko ba alam kung anong trip niya. Ngayon ko lang siya nakatabi dito sa classroom kaya hindi ko alam na ganito pala to kaingay. Huminga ako ng malalim.

“Ryleigh? Ang snob mo.” hindi ko parin siya pinansin. Hindi ba niya ako titigilan?

Narinig na namin ang bell na naghuhudyat na break time na namin. Sinuklay ko ang buhok ko pababa gamit ang mga daliri ko. Saka tumayo.

“Ryleigh?” tiningnan ko siya. Deretso sa mga mata niya. Pero umiwas din agad siya ng tingin kaya napairap ako. Saka nagsimulang maglakad at nilampasan siya.

“Hintayin mo ko!!” rinig kong sigaw niya. Pero hindi ko parin yun pinansin.

Hindi na dapat niya ako kinukulit. Wala pa naman ako sa mood ngayon. Buti nga ay hindi masyadong namaga yung mga mata ko paggising ko kasi iyak ako ng iyak kagabi. Halos walang preno. Pero nakatulog parin ako kahit papaano.

Dumating ako sa canteen pero wala hindi ko nakita sila Janella at Paul. Muli kong tinalasan ang mga mata ko. Pero wala talaga. Hindi ko sila makita. Nauna kaya kaming lumabas sakanila?

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon