Chap 20 - Excitement

10 3 0
                                    

I looked onto my surroundings. Nandito ako ngayon sa may bintana at tulalang nakatingin sa labas. Wala akong magawa kaya, kung ano anong pumapasok sa isip ko.

Pakiramdam ko ang dami kong problema. Na mali lahat ng ginawa ko.

Kung hindi sana ako nagpaapekto. Kung nandun parin kaya ako sa school ni Grandpa hanggang ngayon, ano kayang mamgyayari sakin? Maliban sa hindi ko makikilala sila Lawrence.

They're also important to me. Lalo na si charlize, siya yung unang lumapit sakin nung napadpad ako sa school namin ngayon. Siya yung nagpapagaan sakin. Kahit alam niyang ayaw kong makihalubilo sa mga tao kahit sakanya, hindi niya ako tinigilan. Bagkus ay mas lalo akong nilapitan. Kahit labag sa kalooban ko. Hanggang sa nasanay na ako sa presensya nya.

Suddenly i remember him. William. Napangiti ako ng mapakla. I don't want to say anything bad to him. I want to understand him even though it's hard as hell. Pano mo nga ba maiintindihan ang isang taong pinili kang lokohin kesa suportahan dahil sa isang mababaw na inggit? Napailing ako sa iniisip ko. Kung sakanya---sa lahat ng tao ay malaking problema ang inggit, sa akin sobrang babaw lang nun. Hindi ang nararamdaman mo ang dapat na sisihin mo dahil lang sa naiinggit ka. Ikaw ang may kasalanan nun, dahil nagpalamon ka sa emosyon mo----sa inggit mo. Pero tapos na ang nangyari. Gustuhin ko mang alisin nalang ang nakaraan ko sa utak ko, hindi ko magagawa lalo't nagpapakita na sila sakin. Para ayusin ang lahat.

Natauhan ako nang marinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko saka binuksan. Napalingon ako sa likuran ko.

“Ryleigh? What are you doing?” si Janella. Humiga siya sa kama ko saka sinubsob ang mukha sa unan ko.

“Wala. I'm just thinking.” sabi ko sakanya. Tinabihan ko siya sa kama kaya napatingin siya sakin.

“About yesterday?” tanong niya.

“Specifically about William.” deretso kong sabi. Tinitigan niya lamang ako saglit.

Napaisip ako tungkol sakanya. They said he want me back to cavite as well as to him.

“Are you afraid?” muli niyang tanong ng may bahid ng pagaalala.

“Should i be afraid?” balik kong tanong sakanya. Hindi naman siya nakasagot. Natawa ako ng onti.

“I don't know what to feel, Janella.” dagdag ko.

“At first i felt afraid of what might happen. Pero habang tumatagal, padagdag ng padagdag ang mga bagay na pumapasok sa isip ko. Isama mo na yung mga nangyayari. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, ni gawin nga, hindi ko alam. Nabblangko na ang isip ko sa mga nangyayari.” umupo si Janella saka ako niyakap.

“If you want to leave, Ryleigh. Isasama kita sa ibang bansa.” napakunot ang noo ko. Hindi ba't parang ang oa ko naman? Na porket di ako tinitigilan nila Blake ay aalis nanaman ako tas sa ibang bansa pa ako pumunta? Para lang makaiwas?

Pero napapaisip ako. I want to bring my peaceful life back since everything happened. Aminado ako na nagiging mahina na ako tingnan dahil wala akong ibang ginawa kundi ang tumakbo. Tumakbo palayo sa problema ko. Palayo sakanilang lahat at umaktong parang walang nangyari.

Pero hindi nila ako titigilan hangga't hindi ko sila papatawarin.

“Oh, Canada's a good place for you to stay if you want to leave here.” nagtaka ako. Bakit naman?

“And why?”

“Duhh? Don't you remember your cousins? Oh god, Ryleigh. Lumaki ka lang ng di sila kasama nakalimutan mo na sila kaagad. Some of your relatives on your father's side lives in Canada. Remember Dominique? Apollo? Victoria? Shinia?----” i cut her words.

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon