Ashlynn Ryleigh Eddison's POV
“A-anak?” napapikit pa ako ng ilang ulit dahil sa liwanag na nanggagaling sa malaking bintana. Saglit lang ako nakaramdam ng liwanag nang bigla itong tinakpan para di ako masilaw.
And i saw my parents with Risse. Looking at me with a visible worried expression. “Gising ka na.”
“Are you okay?” i opened my mouth to speak. “Y-.....yeah.” sinubukan kong buhatin ang sarili ko para makaupo pero agad din akong nilapitan ng mama ko para tulungan ako. “Let me.”
“Tatawagan ko lang yung doctor ha?” napatingin ako kay dad na papalabas na ng kwarto. “Ipaghahanda kita ng makakain mo ha? Ilang oras ka na rin kasing tulog. Malapit nang maggabi.” Nalipat din ang tingin ko kay mom na nag-aayos sa table. Pagkain siguro ang mga yun. Inabutan naman ako agad ni Risse ng isang basong tubig. Kinuha ko rin yun agad saka ininom. At binalik sakanya ang baso pagkatapos.
“Pano po ako m-makakapasok?” napatigil saglit si mom saka napalingon sakin. Pero nawala ang tingin ko sakanya nang hawakan ako ni Risse sa kaliwa kong kamay.
“Naaksidente ka, Ryleigh. You need to think of yourself first before your classes.” hindi ako nakasagot kaagad.
“But it's what you.... want.” napansin ko ang lungkot na bumahid sa mukha ni mom. Lalapit na sana siya sakin pero napatigil din siya nang biglang bumukas ang pinto. It was dad, with the doctor i saw earlier nung nagising akong hinang-hina.
Chineck ako ng doktor gamit ang stethoscope nito. Saka ako tiningnan na parang sinusuri ako.
“How do you feel?” tanong niya sakin. Saka ko naisip ako tyan ko.
“I feel hungry.” deretso kong sagot. Napangiti ang doctor sa sinabi ko pati narin sila dad pero wala akong pinakitang reaksyon.
Totoo namang nagugutom ako eh.
“Teka lang, anak. Bibilisan ko lang tong pag-ayos.” lumapit sakanya si risse para siguro tumulong.
“What i mean is, kung may masakit ba sayo o may nararamdaman kang hindi maganda?” umiling ako bilang sagot.
“Masakit po yung mga sugat ko tsaka ang ulo ko. Pero hindi naman po ganun kalala.” ngumiti siya sakin saka tumingin kay dad.
“As you see, she'll be needing to stay here for a week, siguro or more than that. I'll be coming here a week after or less than that to check her condition. Maga-undergo siya ulit ng tests or check-ups para sa braso niya a week after. Basta masiguro na kapag umalis na siya dito ay ayos na siya. Kung wala po kayong tanong, aalis na po ako.” tumango si dad saka nagpasalamat. Kaya umalis na rin ang doctor. Lumapit siya sakin.
“Ryleigh. I'm sorry. Hindi nalang pala sana kita pinayagang umalis.” i slowly shook my head. “No.”
“No one's at fault.” napatigil kaming parehas ni dad nang iabot sakin ni mom ang sopas na inihanda niya. “Eto, kumain ka muna.” tumango naman ako saka kinuha yun sakanya. Susubo pa sana ako ng inihandan niyang pagkain, pero napatigil ako ng mapansing nakatingin parin sila sakin.
“May, mali po ba sa mukha ko?” tanong ko. Pero napatigil ako ng biglang napaluha si mom.
“Mom.” napatingin din ako kay dad. “Aya.”
“Bakit kayo umiiyak?” umiling siya sakin.
“Narealize ko lang, kung gano kalaki ang pagkukulang ko sayo. Sainyo ni Risse.” hinawakan ni Risse ang kamay nito. Habang ako ay nanatiling nakatingin lang kay mom.
BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Genç Kurgu"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...