Nang ilang minuto nalang ang natira bago ang simula ng klase namin ulit, bumalik na kami sa aming mga classroom. Ilang oras na ang nakalipas at nagbreak na ulit. Tinext ni charlize si paul na magsstay na lang kami ni charlize dito sa classroom at wag na kami hintayin. Hindi ko na inalam pa kung ano ang tinext back ni Paul sa kanya at nanatili lamang tahimik hanggang sa dumating na ang huli naming klase. Sinabi ng aming guro na pupunta kami ngayon sa science lab.
At ngayon nandito na kami sa science lab. May papakita daw samin ang guro namin na iba't ibang klase ng experiments at participation lang daw namin ang kailangan dahil kasama daw yun sa grades.
Ipinaliwanag samin ng aming guro na wag daw hahawak ng kung ano ng walang permiso sa kanya kaya sumunod na lamang kami at humanap ng pwesto. By partner daw ito kaya, kami ni charlize ang nagsama. Pagkatapos raw ng mga experiment ay ang isa samin ang magsusulat ng naobserbahan namin. Kaya ako na lang ginawang taga-obserba at taga-sulat ni charlize habang siya naman ang gagawa ng experiment. Ilang experiment na ang nagawa namin at ito na ang huli naming gagawin. Pagkatapos nito, ay uwian na namin.
Napatingin naman ako sa aming guro ng bigla siyang magsalita tungkol sa susunod naming gagawin.
“So class, Gagawa muna tayo ng distilled water, para magamit natin sa experiment. I'll still guide you guys so, don't worry.” sabi niya.
Sinimulan na namin ang gagawin namin. Ginabayan kami ng aming guro para walang magkamali. Si charlize na nakasuot na ng proteksyon kanina pa ay nagsimula nang gawin ang dapat gawin. Habang ang guro namin ay lumalapit samin at sinasagot ang mga nagtatanong na estudyante. Nilalapitan niya rin ang mga nagpapagabay sa kanya kaya, walang nagkakaproblema.
Ilang minuto na ang nakalilipas at tapos na ang lahat sa paggawa ng distilled water at ganun na rin si charlize. Maingat na nilagay ni charlize ang tubig sa isang baso. Sunod na sinabi ng aming guro ay ihanda ang mga barya na nakalagay sa gilid para gamitin sa distilled water na pinagawa sa amin.
“Ihahagis niyo ang baryang yan dyan sa distilled water. At matapos niyong makita ang mangyayari, katulad ng kanina ay isusulat niyo sa papel ang naobserbahan ninyo.” sumunod naman na kaming magkakaklase sa sinabi ng aming guro.
“Ikaw na ang sumubok, Ryleigh.” alok sakin ni charlize. Kinuha ko yung barya na inabot niya sakin saka sinubukang ihagis yun sa distilled wated. Nagkaroon naman ng explosion kaya sinulat ko na ang naobserbahan ko.
Nagulat naman ako ng napansin kong may kung sinong nakasagi sa steel pot na ginamit ni charlize kanina pampainit ng tubig kaya nahulog ang laman nitong tubig sa sahig at mabilis na nakaabot sa paa ko. Naramdaman ko bigla yung init ng tubig
“A-ah-” bago pa man ako makareact sa tubig na nabuhos sakin ay hinila na ako ng isa sa mga kaklase ko palayo pero natumba ako dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahina. Hindi ko na nagawang umantras kaya nakarating sakin ang mainit na tubig na nabuhos. Hindi ko alam kung bakit, na-estatwa lang ako kahit nararamdaman ko na yung init sa balat ko.
“Oh my god!”
“Guys!! Si Eddison!!!!”
“M-ma'am!!!”
D-damn..
“Leigh!!” nilapitan agad ako ni charlize saka tinulungan ang isa ko pang kaklase na hilain ako ulit palayo.
“Bakit di siya gumagalaw?” rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko pero hindi ko na yun pinansin pa.
Sinubukan kong galawin ang mga paa ko. Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit... Bakit wala akong nararamdamang kahit na anong sakit.......
BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Teen Fiction"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...