“BLAKE!!!!!!”
Charlize Joreen Alcantara's POV
Hanggang ngayon ay umiiyak parin si Ryleigh. Rinig namin ang bawat hikbi niya habang ako naman ay yakap yakap siya. Nagaalala ako sa kanya. Si lawrence naman, parang may bumabagabag sa kanya magmula nung isigaw ni Ryleigh ang pangalang blake. Kanina pa nakakunot ang noo niya.
“Ryleigh, tahan na..” tanging salitang nasambit ko sa kanya habang yakap yakap ko siya. Nakasandal siya sakin habang nakaupo pero, unti unti naman na siyang kumakalma dahil kanina pa siya umiiyak.
Pero nawala ang atensyon namin ni Lawrence kay Ryleigh ng biglang bumukas ang pinto ng clinic. Si Paul.
“Paul...” mahinang tawag ko sa kanya. Iniwan muna niya ang bag niya sa couch saka lumapit sa amin. Habang si lawrence naman ay umupo na muna sa couch.
“Anong nangyari??” nagaalalang tanong ni Paul. Kumuha siya ng upuan sa gilid saka umupo.
“P-paggising niya, iyak na siya ng iyak.” sagot ko sa tanong niya. tumingin naman sakin si Paul ng nagaalala saka tumingin kay Ryleigh.
“Ashlynn..” tawag niya kay Ryleigh. Hinawakan niya ang kanyang balikat saka hinaplos para rin subukang patahanin si Ryleigh. Inayos ko naman na ang buhok niya dahil unti unti na siyang tumitigil sa pag-iyak. Dahil siguro nandito na si Paul. Hmp.
Inalis ko ang buhok na tumatakip kay Ryleigh saka ito sinuklay saglit. Lumapit si Lawrence ulit saka may inabot na isang baso ng tubig. Tinanggap at kinuha naman to ni Leigh. Saka mahinahong ininom yun ng dahan-dahan. Medyo nanginginig siya.
Sa tingin ko'y binangungot si Leigh kaya siya nagkakaganyan. At siguro, tungkol yun sa nakaraan niya.
Hanggang sa nahihimasmasan na si Ryleigh, kinuha ko ang tubig na hawak niya saka siya nakatulog ulit. Sasakay nalang siguro kami pag-uwi. Yung mukha kasi ni Ryleigh ay parang pagod na pagod.
“Lawrence?” napatingin naman ako kay Paul nang banggitin niya ang pangalan ni Lawrence. Magkakilala sila?
“Oh, Paul.” napangiti naman si Lawrence saka sila nagfist-to-fist. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko, nagsalita ako para magtanong.
“Teka.. Magkakilala kayo?” tanong ko sa kanila. Parehas silang napatingin sakin. Tumango lamang si paul habang nakangiti ng slight habang si Lawrence naman ay nagsalita.
“Magkaklase kami last year.” sagot sakin ni lawrence. Tumango tango naman ako sa sinagot niya.
“Bakit pala kasama mo sila? Classmates kayo??” ako naman ang sumagot sa tanong ni Paul.
“Yup.” maikli kong saad.
Ashlynn Ryleigh Eddison's POV
Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Naging pamilyar naman agad sakin ang kisameng bumungad sakin pagdilat ko ng aking mga mata. Asa kwarto ako.
Pinilit kong bumangon kahit masakit ang ulo ko. Masakit rin ang mata ko dahil sa kakaiyak ko kanina. Dahil rin dun ay nakatulog nanaman ako. Buti nalang at naiuwi ako nila charlize. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang cellphone ko. Nakita ko naman yun sa tabi ng alarm clock ko kaya kinuha ko iyon at binuksan.
Pinindot ko ang wifi at saka kumonek sa wifi namin. Binuksan ko naman ang messenger ko. Dito ko na lang imemessage si charlize.
‘Charlize, salamat sa pag-uwi sakin. Pakisalamatan na lang rin sila Lawrence at Paul dahil paniguradong tinulungan ka nilang iuwi ako.’

BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Teen Fiction"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...