“Ryleigh anak? San ka pupunta?” salubong saakin ni dad pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Nang marinig ko ang tanong niya ay natagalan muna ako baka sumagot.
Hindi kasi ako sigurado kung papayagan ba ako o hindi.
“I'm going to a friend's party dad. Don't worry, hindi ako masyadong magtatagal.” paalam ko.
“Sige. Shall i give you a money?” i smiled then shook my head.
“May pera pa naman ako dad. Aalis na po ako.” i bowed at him before closing my door para makaalis. Wala na itong sinabi pa kaya tuloy-tuloy lang ang lakad ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng bahay. Mabuti nalang at hindi ko nakasalubong ang nanay ko.
Pagkalabas ko ng gate ay bumungad sakin ang kotse ni Lawrence na malapit lang sa kinaroroonan ko. Nasa kabilang daanan ko nakita ang kotse kaya tumawid pa ako sa kalsada. Diretso lang ang lakad ko dahil wala namang kotseng madalas dumaan dito. Pagkasakay ko sa kotse ay bumungad sakin ang nakatinging si Lawrence sa driver's seat.
“Hey.” pumasok na ako sa kotse't sinarado agad ang pinto. Sinulyapan ko si Lawrence sa kaliwa ko.
“Mabuti't pinayagan ka.” i nod.
“Hindi naman masyadong strict si dad.” nagsimula na siyang magmaneho.
“Really? Same with mine.” napangiti ako ng palihim.
“Thank you, Lawrence.” napansin ko ang pagtigil niya, senyas na pula ang nakailaw sa traffic light. Tumingin siya saakin.
“You know i'll always be here. Hindi lang dahil sa gusto kita, kundi dahil kaibigan din kita.” i looked at him, directly into his eyes that's filled with love and sincerity.
If only William did something like this, siguro hanggang ngayon nagpapakatanga parin ako sakanya't hindi ko mapapansin itong si Lawrence. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi pa talaga ako sigurado kaya ayaw ko pang magsalita. Ayokong makasakit ng tao nang dahil lang sa pagpapadalos-dalos ko sa mga desisyon ko.
Iniwas niya ang tingin sakin kaya napatingin na ako sa harap. Nagsimula na siyang magmaneho ulit.
“Pano kung nagkagusto din ako sayo?” natigilan siya saglit sa sinabi ko.
“A-no?” napatawa ako ng onti sa inasta niya.
“Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko, pero pano kung dumating ang panahon na magugustuhan kita?” deretso kong tanong sakanya. Napansin ko ang pagngiti niya ng onti bago sumagot.
“Sa tingin mo ano?” pangaasar nito. Napairap naman ako saglit ngunit binalik ko parin ang tingin ko sakanya.
“Seryoso kasi.” he laughed a bit.
“We'll try working this out.” napakunot noo ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi yun naintindihan. Hindi ko mawari kung anong pinapahiwatig niya. “Ha?”
He held my hand while keeping his eyes on the street. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sakin.
“Liligawan kita.”
Sa pagkakataong yun, hindi ko nagawang pigilan ang pagngiti ng labi ko.
*****
Lumipas ang isang oras na byahe namin. Ininom ko yung coke na binili namin sa 7/11 sa gitna ng byahe. Nakaramdam kasi ako ng kaunting pagkahilo kaya naghanap kami ng pwede naming mabilhan na pagkain o inumin. Coke lang ang binili ko, habang si Lawrence ay biscuit.

BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Teen Fiction"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...