Chap 7 - Bonding

17 10 0
                                    


“Charlize Alcantara.” nakangiting pagpapakilala ni charlize sa pinsan ko.

“Charlize!! Ang ganda ng nameeee!” namamanghang sabi ni Janella saka kumapit sa braso ni Charlize. Nag-belat naman siya sakin kaya napatawa ako ng onti. Napatawa rin naman si charlize sa inasta niya.

“Janella's my name. Hehe.” nag-apir naman sila. Parang mas close pa sila kesa samin.

“Nice name. Nice to meet you!” sabi naman ni charlize. Lumapit naman sa amin si Risse.

“Nasan na yung dalawang lalake? I wanna meet them.” tanong ni Risse samin.

“Yah, me too.” sabi naman ni Janella saka bumitaw na kay charlize.

“Ashly!!!!!” parehas kaming napatingin sa may gate. Andito kasi kami sa labas at naghihintay kila Paul at Lawrence. Kotse daw ni Lawrence ang gagamitin namin para makapunta sa mall at sabay sabay na maglunch dun. Si risse naman, gustong makilala sila Paul at Lawrence dahil para daw maging pamilyar siya sa kanila kaya hindi pa umaalis.

“Si Paul.” sambit ni Charlize. Sinenyasan niya si Paul na lumapit na dito kaya sumunod naman siya. Nakasuot siya ng hoodie na gray, nakapants atsaka naka-rubber shoes.

“Hello guys.” bati ni Paul.

“Full name.” striktong sabi ni Risse. Tumawa naman si Janella saka hinampas si Risse. Ngumiti naman si paul kay Risse.

“Paul Vincent Alfonso.” saad ni Paul.

“ahm, paul. Siya si Arisse. Ate ko siya habang ito naman ay si Janella. Pinsan ko sa mother side.” pagpapakilala ko. Tumango tango naman siya. Nag-alok si Janella ng shake hands sa kanya.

“You look kind, huh. Nice to meet yah!” sabi ni Janella sa kanya.

“I really am kind.” napatawa naman kami sa sinabi niya. He didn't said it was a joke but it looks like one. Pinagmalaki niya pa kasi.

Bigla namang may dumating na kotse at tumigil sa tapat ng gate namin.

“Si lawrence na siguro yan.” sambit ni charlize. Pati sila janella ay napatingin dun.

“Rich kid si kuya. Haha!” biro ni Janella. Napatawa naman ako ng onti at ganun na rin sila Charlize. Bumukas ang bintana sa driver's seat at dun namin nakita si lawrence. Ngumiti siya samin at kumaway. Saka sinenyasan kaming pumasok na ng kotse.

“So that's lawrence..” saad ni Risse saka tumingin sa akin.

“I'll get going. Baka malate na ako sa trabaho.” tumango naman ako sa kanya.

“Ingat, Risse.” saad ni charlize. Ngumiti naman si Risse sa kanya.

“Sainyo rin.” saad pabalik ni Risse saka na siya sumakay sa kotse niya. Habang kami ay lumapit sa kotse ni Lawrence at sumakay na. Si paul ang umupo sa tabi ni Lawrence habang kaming tatlo ay sa likod. Nang lahat na kami makasakay ay inantras muna ni Lawrence ang kotse niya para padaanin ang kotse ni Risse. Nang makadaan na ay dere-deretso nang umalis si Lawrence. Kaya nasa harapan namin ngayon ang kotseng ginagamit ni Risse hanggang sa lumiko na siya habang kami naman ay diretso lang.

“Lawrence, right? My name's janella.” napatingin naman sa salamin si Lawrence saka napangiti. Nakita niya si Janella dun kaya kumaway si Janella sa kanya. Ngumiti naman si lawrence saka itinuon uli ang pansin sa dinadaanan.

“Yeah. Nice to meet you.” saad niya.

“So, anong gagawin gagawin natin sa mall after kumain?” tanong ni Paul.

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon