Chap 10 - Revealed

26 8 0
                                    


Ashlynn Ryleigh Eddison's POV

Tahimik kami ngayong kumakain nila Janella at Risse sa dining room. Kinda not normal i guess dahil lagi namang nagsisimula si Risse ng topic para hindi naman tahimik. Huminga ako ng malalim.

The silence were not normal. Really not.

Palihim akong napatingin kay Janella. Pero agad ko ding iniwas ang tingin sa kanya dahil mukhang napansin ako ni Risse. Binalik ko ang atensyon ko sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay sinuot ko na agad sa akin ang bag ko saka dumiretso sa sala at sinuot dun ang sapatos ko. Sumunod naman sila Risse at Janella.

“Janella, Ryleigh. Aalis na ako.” tinanguan ko lamang siya at hindi na nag-abala pang tingnan siya.

“Sige. Ingat Risse.” rinig kong sabi ni Janella na hinahanda ang mga gamit niya sa bag niyang nakalagay sa couch kung san ako nakaupo ngayon.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Senyales na umalis na si Risse. Tumayo na ako saka inayos ang buhok ko. Tumingin ako kay Janella na saktong sinusuot niya na sa kanya ang bag.

“Let's go?” tumango ako. Nauna na akong lumabas ng bahay at tumigil nang andito na ako sa labas ng gate. Nang maabutan ako ni Janella ay bigla siyang nagsalita.

“Are you okay, Ryleigh?” i looked at her. Nakatingin lang rin siya sa akin ng nagtataka. Huminga ako ng malalim saka umiwas ng tingin sa kanya.

“Yeah.” tanging sagot ko. Napansin ko pang nagalinlangan siya sa sinabi ko pero iniwas na rin niya ang tingin niya sa akin saka tumingin sa ibang direksyon.

“Ahm, naglalakad na daw si Charlize patungo rito.” hindi na ako nag-abala pang sumagot at nanatili ang tingin sa harapan.

Hindi rin nagtagal ay dumating na rin si charlize. Sabay sabay na rin kaming naglakad papuntang school. Hindi daw samin makakasabay si Paul dahil malelate daw siya ng pasok. Late rin daw siyang nagising e. Nung pababa na kasi kami ni Janella mula sa kwarto namin ay sinabi sakin ni Janella na hindi daw makakasabay samin si Paul dahil mag-aayos palang siya nun. Pumayag naman na si Janella pati narin ako. Alam na rin daw yun ni Charlize dahil tinext rin siya ni Paul.

Habang naglalakad kami ay nag-uusap naman sila Janella at Charlize sa tabi ko. Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila dahil wala akong gana ngayon. Pero bigla ring tumingin sakin si Charlize kaya napatingin rin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya na parang nagtataka sa akin. Napataas ako ng kilay.

“Okay ka lang, Leigh?” tanong niya sakin. Tumango naman ako saka umiwas ng tingin.

“Don't mind me.” sabi ko. Tumango tango naman siya kahit hindi pa nawawala ang pagtataka sakanya. Iniwas naman na niya ang tingin niya pero saglit paring napapatingin sakin.

Nakarating na kami sa aming school at patungo na rin sa building namin. Ilan pang minuto ang nakalipas at nakarating na rin kami sa ikalawang palapag. Nagpaalam na samin si Janella. Hanggang sa nakapunta na rin kami sa classroom namin. Bigla akong tiningnan ni Charlize.

“Ryleigh..” tawag niya sakin. Napatingin ako sa kanya. Parang nagtataka parin ang tingin niya sakin. Katulad lang ng kanina.

“Seryoso, ok ka lang?” tumango naman ako ulit. Ganun siguro kahalatang wala akong gana. Walang wala..

“I told you.. Don't mind me.” tanging sambit ko. Tiningnan pa niya ako saglit. Akala ko ay hindi na siya nagsasalita pero... nagkamali ako.

“But you're not.” sabi sakin ni charlize. Umiwas ako ng tingin saka tiningnan ang oras sa cellphone ko.

“Be ready. Magsisimula na ang klase.” sabi ko. Hindi na ako tumingin pa sa kanya ulit. Wala naman siyang nagawa kaya humarap na lamang sa harapan. Napatingin samin si Lawrence. Nang magtama ang mga mata namin ay lumawak lalo ang ngiti niya. Ngumiti ako ng onti saka tinanguan siya. Umiwas na ako agad ng tingin. Medyo naiilang ako. I don't know why..

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon