Chap 13 - Pills

17 8 0
                                    

“Pano ka naman makasisiguro?”

Napapikit ako ng mariin. Natapos na naming sagutin ang dalawang subject namin at nandito kami ngayon sa room nila charlize dahil nagrereview sila para sa pangatlong exam.

Nasa harapan ko ang reviewer ko pero hindi ko maituon dito ang atensyon ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang nasa isip ko lang ay yung boses na narinig ko sa kabilang linya kanina.

Pakiramdam ko'y nilalapitan ako ng totoong bangungot. Gustong lumabas ng mga luha ko sa mata ko dahil sa hindi maganda ang kutob ko sa mga susunod na mangyayari.

“Leigh.” napatingin ako kay charlize ng tawagin niya ako bigla.

“Bakit, charlize?”

“Kalimutan mo muna siya. Exam natin ngayon baka maapektuhan pa yung mga nireview mo.” nagaalala niyang sambit niya sakin. Napahinga ako ng malalim.

“Naapektuhan nga.” maikli kong saad. Napatingin naman sakin si Lawrence ng nakakunot ang noo.

“I really don't think i'll pass this examination.” deretso kong sabi sakanila. Dahil totoo naman talaga.

“Ryleigh..” humarap akong muli sa reviewer ko saka hindi na sila hinarap pa.

Napailing ako ng unti unti akong nakakaramdam ng antok. Kung sana'y mabagal lang ang takbo ng oras. Nagkaroon sana ako ng oras para matulog.

Kumuha ako ng pills at tubig sa bag ko saka ininom ang dalawang pill na un kasama ang tubig. Matapos kong malunok yun ay nilagay ko ang natitira kong pills sa bulsa ng uniporme ko. Ito rin ang ginamit ko kaninang madaling araw nung nagrerebyu ako.

“Ryleigh anong pills yan?” napatingin ako kay charlize nang magtanong siya.

“Ah. Para sa sakit ko. Medyo nilalagnat kasi ako e.” palusot ko. It wasn't really a medicine pero ayoko namang sabihin sakanya kung ano ba talaga yun. napataas ng kilay si charlize matapos kong sabihin yun

“Just take your time reviewing, charlize.” saad ko saka binalik ang atensyon ko sa

“Pangatlong inom mo na yan. Pano namin yun di papansinin?”

“Charlize, exam ngayon. Mamaya mo na ako alalahanin.” sabi ko sakanya. Di nagtagal ay napahikab pa ako hanggang sa bumalik na ang guro namin. Agad agad niyang pinasa samin ang mga test papers kaya tinago na namin ang mga notebook namin. Siguro kasi sumobra sya sa ng sampung minuto. Di ko rin naman napansin yung oras e. Nang maabot na sakin ang test paper ay kumuha ako ng isa saka inabot sa likod. Di na ako nagsayang ng oras at tinapos ko kaagad ang pagsasagot. Pumipikit ng kusa ang mga mata ko at alam kong nanghihina na rin ang epekto ng gamot na iniinom ko.

Hanggang sa matapos na ay pinasa ko na kaagad ang pagsasagot. Napahilamos ako ng mukha. Ako ulit ang naunang matapos kaya nagpaalam muna ako sa guro ko na lumabas muna.

“Are you okay, Eddison?” napatingin ako sa aking guro bago ako maglakad palabas ng kwarto. Tumango naman ako.

“Ok. You may go now.” di na ako sumagot pa't dumiretso na ako palabas ng kwarto. Halos lahat ba naman ng mga kaklase namin ay nakatingin sakin. Nakita ko naman sila charlize na alalang alala ang itsura pero d ko pinansin. Nang maglakad na ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.

Napahawak ako sa sentido ko dahil umiikot ang paningin ko. Di pa ako nakakalayo sa room ko pero ganto kaagad ang nararamdaman ko. At pakiramdam ko nanghihina ako. Dahil ba to sa pills na ininom ko? Aish.

Napahawak ako sa pader na nasa tabi ko. At naging mariin ang pagpikit ng mata ko. Umiikot talaga ang paningin ko dala ng hilo at di ko talaga alam kung anong gagawin ko. Kung babalik ba ako sa room----ngunit ni paglakad nga e di ko magawa. Pakiramdam ko, anumang oras ay mawawalan ako ng malay.

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon