Chapter Nine

4.7K 76 0
                                    

Hindi nagtagal lumabas na rin kami ng magulo't mabahong lugar na iyon. Nakapagbihis na rin ako ng damit bago kami umalis sa lugar.

Sa parking lot, namangha ako sa gara nang sasakyan ni Mr. Uy, may sarili itong driver.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong nito sa akin,

"Wala po akong alam na mga lugar dito sa maynila." Pagsasabi ko ng totoo kay Mr. Uy,

"Ganoon ba, sige kumain muna tayo sa labas. Gutom ka ba?" tanong muli nito,

"Medyo po," pagsasabi ko ng totoo.

Halos kakaunti lang kasi ang nakain ko kanina, limited lang ang pagkain ng mga nagtratrabaho roon, narinig ko pa na sa costumer na lang daw sila babawe para mabusog. Ganito lang ba ang gagawin ko? Ang sumama sa matanda para magpabili ng kung ano-ano at magpakabusog, ayos pala ang ganitong trabaho.

Makalipas ang ilang sandali. Nakarating kami sa isang malaking building. Nagcheck-in kami roon, bilin pa ni Mr. Uy, magdala sa room niya ng maraming pagkain na hindi ko maintindihan kung ano ang pangalan. Mamahalin ang mga pagkain doon, sumakay kami sa isang kuwarto na nagalaw.

"Si-sir? Ano pong gagawin natin diyan sa loob?" natatakot kong tanong, paano ay malawak ang nasabing elevator. Wala pang ibang tao kundi kaming dalawa lang ang papasok sa loob na iyon, baka kung ano ang gawin sa akin ni Mr. Uy, wala kasing bintana ang nasabing elevator.

"Hahaha. Ella, huwag kang kabahan, elevator lang ito na dadalahin tayo sa pupuntahan nating lugar." Anito na nakangiti pa, sabay akbay sa akin at pinasok na ako sa elevator.

Kahit na malakas ang kaba ko, nananalangin na lang ako na sana walang mangyari sa aking masama.
Nahihilo pa ako sa pagandar ng elevator, nakikita ko sa ilaw na nasa taas ang palapag na aming tinigilan, Number 6-ibig sabihin nasa anim na palapag kami ng naturang building.

Bumukas ang elevator, at nakita ko ang sunod-sunod na kuwarto na pintuan palang ay mapapawow ka na.

Wala kasi itong doorknob,sa gilid noon ay may machine na nakadikit. Kinuha ni Mr. Uy ang card niya ay saka inislide iyon sa may machine.

"Wow! Ang galing!" Bulalas ko nang biglang bumukas ang pintuan, namangha ako sa kakaibang mundo na pinasukan namin. Lahat ay hightect pero napaisip ako sa tagpong bumungad sa akin.

Isang magarang kuwarto, puno nang mamahaling gamit. Pero bakit kami narito? Ano bang gagawin namin dito? Ang alam ko ay kakain kami pero bakit hindi lamesa ang bumungad sa amin kun'di isang malawak na kama ang aking nakita.

"Si-sir, ba-bakit po tayo narito? Sabi po ninyo ay kakain tayo?" Nauutal kong tanong, lumalakas na ang kabog ng dibdib ko lalo na at nakita kong inilock na ni Mr. Uy ang pintuan.

"Ella, huwag kang matakot sa akin, hindi naman kita sasaktan eh. Tingnan mo ito," dinukot ang pitaka na nasa likuran niya. Pinakita sa akin ang laman noon at napamaang ako sa kapal ng papel na pera ang naroon.
"Pasasayahin natin ang isa't-isa Ella, magiging reyna ka kapag naging mabait at masunurin ka lang sa akin." Dagdag pa nito na mas lalo ko pangkinatakot.

"A-ayoko po nang pera ninyo Mr. Uy, gusto ko na pong umuwe sa probinsya namin," naiiyak kong sabi sa matanda.

"Bakit ka naman uuwe, kung narito ang magpapaginhawa sa buhay mo. Lahat ng gusto mo makukuha mo Ella, lahat-lahat ibibigay ko sa 'yo." Anito na walang kuskus balungos.

"Pero, ano po bang gagawin natin dito?" Muli kong tanong,

"Halika, ituturo ko sa 'yo ang gagawin natin," hinila nito ang kamay ko palapit sa kama at doon ay pinaupo ako.

* * *

Sa mundo nang tao, maraming mapanlinlang na salita ang iyong makakasalamuha, hindi dapat magtiwala sa kahit na sinong taong ngayon mo lang nakikilala at nakita. Maaring sa pagaakala mo na ikaw ay liligaya,maging kapalit nito ay pagdurusa o luha na may bahid na pighati ang maramdaman.

* * *

Naiyak ako nang maalala ko ang nakaraan ko, isang masalimuot na tagpo ang aking nagawa ilang taon na ang nakakalipas,

Kinuha ko ang phone ko at sinilip kung may mensahe akong natanggap, pero wala.

Naalala kong muli si Mark, naiisip ko lang na tanga rin talaga ang mga nasa bar.

Sa daming batang lalaki na mayaman, bakit nagtitiis pa sila sa matanda. Buti na lang at wala na ako roon.

Bago ko pa maalala ang nakaraan ay natulog na ako,hindi pa ako handang maalala ang masalimuot na aking dinanas sa matandang si Mr. Uy,

Kinabukasan;

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa kusina, narito na si Venus, kasi mahilig magluto iyon kapag umaga. Kumakain ng kanin bago tuluyang magpahinga, para sa tanghali ay babangon na lang at kakain.

Bumangon na ako at tumuloy sa kabinet, kumuha ng susuoting damit para sa event. Alas-otso ay dapat nasa lugar na ako ng aming pagdadausan ng event.

Paglabas ko ng kuwarto ay natanaw ko na agad si Venus na pakendeng-kendeng habang may headseat na nakapasak sa kanyang tenga.

Sinasabayan siguro nito ang kanta na nang gagaling sa cellphone niya. Kaya tumuloy na lang ako sa banyo at hindi ko na lang siya pinansin,

Matapos ang kalahating oras ay maaliwalas na ulit ang aking pakiramdam.

"Kain na bruha," yaya sa akin ni Venus na kasalukuyang nakain sa hapagkainan.

Umupo naman ako sa upuan at sumandok nang makakain.

"Kumusta ang date mo kahapon?" tanong ni Venus,

"Okey naman, kami pa rin ng prince charming ko." Aniya,

"Gaga! Seryosohin mo na kaya, huwag ka nang maghanap ng iba." Anito na parang alam na alam ang balak ko.

"Eh, wala akong nafefeel sa kanyang love, pero don't worry seseryosohin ko siya kahit hindi ko pa siya gaanong kamahal." Pagsasabi ko nang katotohanan.

"Gaga ko rin eh! Ano pa ba ang hinahanap mo? Baka kakahanap mo bumaksak sa mahirap, ikaw rin. Mapagbiro ang tadhana at kapag ikaw ang biniro nito ay 'di ka makakaiwas sa katotohanan." Seryosong payo sa akin ni Venus,

"Oo na! Paginakit niya akong magpakasal, I do na agad ang sagot ko." Walang kagatol-gatol na sagot ko,

To be continued...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon