Chapter 21

3.7K 64 0
                                    

#Three_Rules

Chapter 21

           Nagtataka ako—mabait din pala itong si Mr. Weirdo. Inaalagaan niya ako ngayon, hmmm ano kaya ang nakain niya.

"Mr. Weirdo, bakit mo ako inaalagaan? May gusto ka ba sa akin?" deretsahan tanong ko,

Napatitig naman ito sa akin.

"May sakit ka na nga nakakapagsalita ka pa rin talaga ng ganyan? Kakaiba ka rin e," anito sabay patong nang noodles sa lamesa na nasa gilid. "Kumain ka muna para gumaling ka na, pag magaling ka na. Papahiramin na kita ng pamasahe pauwe." Wika nito na kinalaki ng tenga ko.

Tama ba ang rinig ko, papahiramin niya ako ng pamasahe? Wow! Mukhang umeffect na ang lahat ng ginawa ko. Makakauwe na rin ako sa wakas.

"Talaga papahiramin mo ako?" pagsisigurado ko,

"Oo nga, halika na bumangon ka at kumain para magkalaman ang tiyan mo." Sabi nito at inalalayan na akong makabangon sa kama.

Agad naman akong sumunod. Baka magbago pa ang isip kapag hindi ko sinunod ang gusto niya e,

Sinandal niya ako sa headboard. Tsaka binigay sa akin ang pagkain.

"Teka lang, subuan mo ako," sabi ko

Napatingin naman ito sa akin.

"Bakit hindi mo ba kaya? Hays! Pahirap ka rin e," reklamo nito pero ginawa rin naman.

Kinuha ang noodles at hinalo-halo saka akmang susubuan na ako nang magsalita ako.

"Hindi mo man lang ba ibloblow? Ang init kaya niyan!" reklamo ko,

"Ang arte huh, kaya mo naman 'to e, pinahihirapan mo lang yata ako e." Maktol nito,

"Sige, huwag na nga, mamaya ko na lang kakainin kapag malamig na. Baka mapaso pa ang labi ko e," aniya na alaala ay nagtatampo.

Napabuntong hininga naman ito bago sinunod ang gusto ko. Hinihipan niya ang noodles sa harapan ko.
Kitang-kita ko ang labi ni Mr. Weirdo, kissable lips, lalo na ang mata nitong nakakagwapo talaga kapag mapilantik ang pilik ng mata.

Yung hininga niya dahil sa pagblow sa noodles naaamoy ko. Impyerness ang bango huh,

"Oh, nganga na..." Walang kagatol-gatol na sabi nito.

"Grabeng taray naman nang Doktor ko. Panu naman ako gagaling niyan kung tinatarayan mo ako?" pagtatampo ko sa kaniya.

"Hays, oo na nga heto na oh, nganga na pls..." Malambing na sabi nito.

"Yan ang bait-bait ng Doktor Weirdo ko, hihihi." Sabi ko sabay nganga,

"Tsk! Inaasar mo pa ako huh!" Sabay subo ng noodless sa akin.

"Awww 'bat ang init pa? Hindi mo talaga ako gustong gumaling, pinaso mo ang labi ko." Aniya na pinaypayan ko nang kamay ang labi ko.

"Mainit pa ba? Hinipan ko na nga iyon e,"

"Tikman mo kaya ng malaman mo na mainit!" inis na sabi ko,

"Osige na, sorry na. O ito pa oh dami mong daldal e," anito na sinandok ulit ang noodles at hinipan bago sinubo sa akin.

"Mainit pa 'yan e, hipan mo pa," utos ko sa kanya.

"Hays, ang arte talaga." Hinipan muli bago isinubo sa akin.

"Walang lasa ayoko na,"

"Hindi p'wede, ubusin mo ito para madali kang gumaling." Pagpupumilit pa nito sa akin,

"Ha? Hindi ko mauubos iyan." Aniya

"Paano ka makakauwe niyan kung ayaw mong gumaling?" tanong nito,

"Eyy ano nga kasi ang dami kaya niyan. Ubusin mo na lang,"

"Ano? Ako ba ang may sakit at ako ang uubos niyan? Heto na o, nganga na at ako ay may gagawin pa."

Grabe naman sungit talaga ng taong ito. Kinain ko ang noodles hanggang makalahati ko. Bago ito pumayag na hindi ko na ubusin. Matapos kung kumain ay ibinigay niya sa akin ang gamot at tubig.

"Inumin mo ito para gumaling ka na,"

"Wow, huh completo talaga ang stock mo rito, may napkin ka rin ba rito?" tanong ko

"What?" kunot noong tanong nito,

"Napkin, 'yung ginagamit namin kapag nagkakameron kami." Nakangisi kong tanong,

"Wala! Tsk, ano palagay mo sa akin gumagamit nang ganoon?" Anito sabay kuha ng mga pinagkainan ko,

"Akala ko lang naman meron ka, puwede ah kung sa puwet mo gagamitin." Sabi ko na mas lalo nitong kinaasar.

"Magpahinga ka na, para gumaling ka na at mawalan na ako ng problema." Anito sabay lumabas sa kuwarto.

Nasa taas pala ako at dito niya ako pinagpahinga,

Nahihilo pa nga ako at medyo mainit pa ako. Nahiga muli ako at natulog. Malakas pa rin ang ulan sa labas, pero hindi na gaano. Mukhang malakas ang naging bagyo, kasi tumagal ito ng 24 oras.

Muli na naman akong nakatulog. Pero inatake na naman ako nang lagnat. Nanginginig ako at kung ano-ano na ang napapanaginipan ko na kukunin na raw ako ng demonyo.

"Huwag! Ayoko! Ayoko! Layuan mo ako!" Sigaw ko sa demonyo.

"Miss! Miss, nananaginip ka." Gising sa akin ni Herbert, pero nakikita niyang nanginginig ako at namamawis ang mukha.

"Hey, miss open your eyes, ano ka ba! Huwag mo akong takutin."

Naririnig kong sabi nito, bago ako nagising at nagmulat ng mata.

"Ang lamig..." Sabi ko,

"Huh? Wait lang kukuha ako ng makapal na kumot?"
Anito sabay akmang tatayo ay pinigilan ko siya.

"Huwag mo akong iwan pls, kukunin ako ng demonyo." pakiusap ko sa kanya.

"Okey sige, hindi ako aalis. Just hold on okey," kinakabahan na sabi nito.

"I'm sorry miss, kasalanan ko ito kaya nagkasakit ka." Hinging paumanhin sa akin ni Herbert,

"Ang lamig Dok," sabi ko habang nanginginig pa ang labi ko.

Tumabi sa akin si Mr. Weirdo at niyakap ako. Sumiksik naman ako sa dibdib niya at doon naramdaman ko ang init. Nakontento ako na nakasiksik sa kanya. Habang yakap niya ako, nakatulog na ulit ako sa lagay na iyon.

Sa isang hindi kilalang tao, naging komportable ang aking pakiramdam. Bakit ako pumapayag? bakit ako nagpapayakap sa lalaking ito?

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon