Chapter 26

3.4K 62 1
                                    

Three Rules

Chapter 26

          Ano kayang nangyari roon? Atat na atat na akong malaman ang nangyayaring kaguluhan sa may tulay. Kaya naman lumapit na ako para malaman ko ang kaganapan.

Hindi pa ako nakakalapit ay natatanaw ko na ang inaayos na tulay. Kaya napaawang ang labi ko ng masilayan ko ang pagkasira nito dala ng malakas na bagyo.

Natanaw ko si Herbert na nakikipag-usap sa isang constraction worker. Nilapitan ko ito kaya't narinig ko ang usapan nila.

"Naku sir, baka abutin pa ito ng tatlong araw bago matuyo ang binuhos naming pampatibay. Hindi nga maaaring dumaan ang mga kotse sapagkat hindi pa kami nakakasigurado na kakayanin nito ang bigat. Hindi inaaaahan nang lahat na bibigay na pala itong tulay. Mabuti na lang at may daan pa sa ibang lugar. Tanging papunta lang sa lugar na ito ang walang madaanan." Mahabang salaysay ng lalaking kausap ni Herbert.

"Maraming salamat," tugon ni Herbert bago ako harapin at titigan ng nakakalungkot na mata.

"Anong nangyayari?" tanong ko kahit na alam ko na ang nangyari,

"Walang ibang daan papunta sa Airport. Iisa lang ang daan papunta roon," paliwanag ni Herbert,

"Ha? Pano 'yan? E 'di hindi pa ako makakauwe?" malungkot na sabi ko,

"Oo, pero—"

Naputol angsasabihin ni Herbert ng biglang tumunog ang phone ko sa bag.

Kaya nabuhayan ako ng loob, nagkasignal din sa wakas. Agad kong kinuha ang phone ko sa bag at nakita kong tumatawag si Mark.

"Babe!" Masigla kong sabi,

"Babe, kumusta ka? Malakas ang bagyo riyan? Bakit ang tagal mong hindi makontak? Akala ko naligaw ka na, ilang araw na akong nag-aalala sa 'yo." Wika ni Mark sa kabilang linya. Bakas ang pag aalala ng makausap niya ako.

"Sorry babe, mahina ang signal dito. Pupunta ka ba rito? Paano ako makakauwe, nasira ang tulay sa daraanan ko." Naiiyak kong sabi kay Mark,

"Don't worry babe, ngayong alam kong safe ka naman. Nakahinga na ako ng maluwag. Pupuntahan kita riyan, kung kailangan kong magbayad ng helicopter masundo lang kita ay gagawin ko. Okey? Basta hintayin mo lamg ako riyan." Anito,

"Sige babe, hihintayin kita. I love you babe,"

"I love you too," sagot nito bago tuluyan ko nang pinindot ang end call.

Napangiti ako nang makausap ko si Mark, pero nawala ang ngiti ko nang mawala sa harapan ko si Herbert, napalinga-linga ako at nakita ko itong nakasakay na sa motor. Inaantay niya ako, kaya naman lumapit ako para sabihin ang magandang balita.

"Herbert, susunduin na ako ng boyfriend ko. Baka makarating iyon after 4 hours." Nakangiti kong sabi,

"Ganoon ba? So iiwan na lang kita rito para hintayin mo siya?" tanong nito,

"Huh? Teka matagal pa iyon e, baka mamaya e may mangyari pa sa akin dito. Samahan mo ako please..." namumungay ang mata kong pakiusap sa kanya, "huwag mo akong iwan dito Herbert,"

"Fine! Sakay," utos nito.

"Ha? Saan tayo pupunta? Baka mamaya e, matagalan tayo sa pagbalik." Nag aalinlangan kong sabi,

"Basta sumakay ka na!" bulyaw nito sa akin na agad ko namang kinataranta,

"Grabeng sungit talaga, tsk!" Sabay sakay sa motor.

Saan kaya kami pupunta? Ang hirap tanungin ng isang ito; nangangagat.

Pinatakbo ni Herbert ang motor niya palayo ng tulay, hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta. Isa lang ang alam ko, ang bango ni Herbert, habang nakayakap ako at nakasubsob ang mukha ko sa likurang balikat niya.

Wala naman itong pakialam sa pagkakayakap ko. Para ayos lang sa kanya na nakayakap ako. Kaya naman mas hinigpitan ko pa ang yakap. Sabay silip sa side mirror nang motor. Nakita kong nakangiti ito na kinalukso naman ng puso ko.

Teka! Totoo ba ito? Nakangiti si Mr. Weirdo? Isang himala ang nangyayari ngayon, napangiti na lang din ako at nakontento na nakayakap sa kanya.

Nakarating kami sa isang restawran kung saan pangmayaman ang kinakain.

"Wow! Ganda rito ah, baka naman pagbayarin mo pa ako, huh! Tandaan mo wala akong pera," paalala ko sa kanya.

"Huwag ka ngang maingay, putak ka ng putak!" Inis na turan nito sa akin.

"Teka lang uy, baka mamaya wala tayong pangbayad dito, sa iba na lang tayo kumain oh." Kinakabahan kong sabi,

"Halikana sa loob," akit nito sa akin sabay nagpatiuna nang pumasok.

"Wow, ang gentelman talaga, hindi man lang ako inalalayan." Irita kong sabi bago naglakad na rin ako sa loob.

Pagpasok sa loob ay umupo kami sa may bandang dulo. Magara ang mga kagamitan doon, animo'y parang kutsara palang ay mamahalin na.

Nagkikislapan ang mga kulay gintong kagamitan.

"Magkano kaya ang mga pagkain dito?" tanong ko kay Herbert, "nasaan ang menu?" nakangiti kong tanong,

"May order na ako," maikling tugon nito sabay kuha ng phone at sinilip kung may tawag o text. Pero wala kaya't muling binalik ito sa bulsa ng pantalon.

"Order? Paano ka nakaorder e hindi ka pa naman nalapit sa counter?" takang tanong ko,

Pero makailang saglit lang ay lumabas na ang dalawang tagasilbe dala ang mga tray ng pagkain.

"Wow, ayos ah! Galante talaga ang restawrant na 'to. Pagpasok pa lang alam na agad ang order nating pagkain." Hangang-hangan kong sabi,

"Sir—"

Iimik pa sana ang waiter nang itaas ni Herbert ang kamay at senyasan na umalis na, kaya natahimik ang waiter at sinunod na lang ang gusto ni Herbert.

"Naks! Pasenyas-senyas ka na lang huh, siguraduhin mo rin na kapag tatakas na tayo, senyasan mo agad ako huh! Baka mamaya e iwan mo ako rito at paghugasin nila ako ng pinggan," aniya sabay kain sa pagkain na nakahanda sa harapan namin.

Kinakabahan tuloy ako, baka mamaya e wala pambayad. Grabe, uunahan ko naman siyang takbuhan e, magaling yata ako sa takbuhan. Pagyayabang ko pang sabi sa sarili ko.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon