Chapter 33

3.3K 63 1
                                    

#THREE_RULES

CHAPTER 33

            Tuloy-tuloy ang pagpasok ni Herbert sa kanyang kuwarto nang makarating kami sa bahay. Kaya sinundan ko siya roon para tulungan sana siyang gamutin ang sugat niya.

"O! Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Herbert,

"Nasaan ang bulak at mga gamot mo rito?" hindi ko na inantay ang sagot niya. Lumapit na agad ako sa cabinet kung saan nakalagay ang iba't ibang gamit niyang pangkatawan.

"Ako nang bahala sa sarili ko," tugon nito na hindi ko naman pinakinggan.

"No! Kasalanan ko kung bakit ka nasaktan, kaya ako ang gagamot sa sugat mo. Got it!" aniya nang makita ko ang bulak at gamot para sa sugat.

Lumapit ako sa kanya. "Upo na, gagamutin ko ang sugat mo." Utos ko sa kanya,

"Huwag na nga—"

"Anong huwag na, hindi puwede!" Hinawakan ko siya sa braso at itinulak sa kama.

Napabuntong hininga naman ito na napaupo sa kama.

"Tsk! Layong-layo sa bitu— aray ko naman! Huwag mo namang diinan." Bulyaw nito sa akin nang masaktan siya sa ginawa kong pagpindot sa sugat niya.

"Malayo sa bituka? Pero aray ka na! Tinitingnan ko lang kung pumutok ba talaga ang kilay mo." Wika ko habang dinadahan-dahan ko nang punasan ng bulak ang sugat niya.

"Aray ko! Dahan-dahan naman, may sabato yata ang kamay mo e. Ang bigat nang kamay mo. Sana ikaw na lang ang sumuntok sa dalawang 'yon parang pang boxing ang bigat ng kamay mo e!" maktol nito,

"E, kung dagdagan ko kaya ng sapak yang bangas mo. Para magtigil ka na! Ikaw kasi, sana'y hindi mo na pinatulan 'yung dalawang 'yon." Paninisi ko pa sa kanya.

"Hindi patulan? E binabastos ka na niya." Sagot nito,

"Kaya ko naman ang sarili ko, nasaktan ka tuloy."

"Hindi ako makakapayag na bastusin ka ng ibang lalaki. Lalo na at sa harapan ko pa nila ikaw binastos." Seryosong sabi nito,

"Sana nga hindi mo na ginawa, tuloy nasaktan ka pa. Nabawasan pa tuloy ang kagwapuhan mo. Tapos sa akin mo isisisi ang lahat dahil sasabihin mo minalas ka na naman, kesyo kasama mo ako, kesyo malas ako, alam ko naman na malas ako kaya—"

"Mahal mo ako?" putol nito sa sasabihin ko.

Natameme ako sa tanong niya. Ngayon seryosong nakatitig ito sa akin.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Naalog ba ang utak mo dahil sa pagkakasuntok sa 'yo kanina?" iwas kung sagot, sabay pinagpatuloy kung muli ang pagpupunas ng bulak sa kanya.

"Sinigaw mo kanina 'yon, sabi mo—"

"Wala akong sinasabing ganun noh!" putol ko sa sasabihin ni Herbert.

"Ah, akin na 'yang bulak. Kaya ko na, lalo lang nasakit sa ginagawa mo e." Anito sabay agaw sa akin ng bulak. Napatitig na lang ako sa kanya habang iniinda niya ang sugat niya sa labi.

"Ahmmm... Herbert, sorry talaga." Hinging paumanhin ko sa kanya.

"Sige na, lumabas ka na, magbibihis ako." Pagtataboy nito sa akin.

"Gusto mo ako na ang magbihis sa 'yo?" nakangisi kong tanong,

Napatitig naman ito sa akin ng seryoso at unti-unting umaarko na naman ang kilay.

"Hehehe. Sabi ko nga, lalabas na ako e." Pangisingisi kong sabi habang palabas ng kuwarto.

Sinara ko ang pinto bago sumandal sa labas noon. Huminga ng malalim bago bumuntong hininga.

"Hay naku! Ano ka ba naman Ella! Pigilan mo ang nararamdaman mo. Si Mark lang ang nararapat sa 'yo, bawal kang umibig sa taong alam mong wala kang mapapala." Bulong ko sa sarili ko, sabay alis sa pintuan at tuluyan ng umakyat sa kuwarto.

Matapos ang ilang oras, nakaligo na ako kaya naman bumaba ako para manuod ng TV sa salas. Naiinip kasi ako, walang phone kaya naman TV lang ang mapaglilibangan ko. Nakashort ako na maikli, sandong labas ang cleavage. Ito talaga ang binili ko kasi sanay ako na ganito ang sinusuot ko.

Maputi naman ako at wala akong peklat sa hita. Kaya naman hindi ako nagaalinlangan na magsuot nang ganito.

Nagtimpla muna ako ng juice bago ako naupo sa sofa.

Pero nainis ako ng pagbukas ko ng TV gamit ang remote ay malabo ito.

"Ano ba naman 'yan! Ito na nga lang ang paglilibangan ko. Lumabo pa! Nakakaasar talaga!" naiinis kong sabi sa sarili ko.

Tumayo ako para ayusin ang antena. Ngunit hindi ko alam kung paano iyon pipihitin. Ano ba ang binabago rito? Wala kasing pindutan rito, kun'di ang nagpapagana pala sa TV ay isang gadget na maliit.

"Ito ba yung TV plus? Bakit parang orasan?" nawiwirduhan kong tanong. Hindi kasi ako marunong gumamit ng mga ganoong appliances. Dahil wala naman kaming TV sa bahay.

Sa inis ko ay pinatay ko na lang ang TV. At padabog akong naupo sa sofa.

"Hay naku! Hanggang kailan kaya akong tambay?" irita kong sabi,

Hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng kuwarto ni Herbert. Lumabas ito ng kuwarto at muli na namang lumukso ang puso ko ng makita ko siya. Bagong gising lang ito at napakafresh pa ng mukha.

Tumingin ito sa akin at napatitig ito sa itsura ko.

Naalala ko, ang sexy ko nga pala ngayon. Kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"Ano bang klaseng damit 'yang binili mo? Labas na ang kaluluwa mo! Sana hindi ka na lang bumili ng damit. Naghubad ka na lang sana," sarkastikong sabi nito sa akin.

Napakunot naman ang noo ko. Grabe siya... kung ibang lalaki ang makakakita sa akin,siguradong laway na laway na 'yon, samantalang siya... walang epek? Hindi tumalab ang kasexyhan ko? Ano bang meron sa lalaking ito, bakla siguro siya kaya hindi naaatract sa itsura ko.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon