Chapter Four

6K 102 0
                                    

Bakit ba ang hilig sa dilim ng lalaking ito.

"Ikaw na naman? Hindi ba't ikaw 'yung kaninang nasa pool?" pagsisigurado kong tanong.

"Alam mo miss ang ingay mo. P'wede bang sa iba ka na lang tumambay?" iritang sagot nito,

"What the heck! Ano bang pakealam mo kung dito gusto kong tumambay? Iyo 'to? Iyo, huh!" Pangkakastigo ko sa kanya.

Tumayo ito at kinuha ang dala-dalang notebook.
Mukhang suko ito sa akin at siya na lang ang aalis.

"Tsk! Aalis ka rin pala eh, dami mo pang satsat!" pahabol ko pa sa kanya bago ito tuluyan nang umalis sa lugar na iyon.

Naiwan akong mag-isa. Habang nakamasid sa lalaking naglalakad patungo sa ibang kubo.

Bakit kaya ang hilig ng lalaking iyon sa dilim? Saka bakit lagi siyang may dalang notebook sa dilim? Ang wirdo talaga niya. Pero impyernes huh, gwapo siya. Kaya lang mukhang mahirap lang din katulad ko. Kaya never mind na lang.

Lumipas ang oras at niyaya na ako pauwe ni Mark, hinatid niya ako. Sa buong pagbyabyahe namin pauwe ay tahimik lang ito. At nang tumapat sa aming pathway ay saka lang ito nagsalita.

"Ahm, Ella, sorry sa nangyari kanina. Hindi ko dapat ginawa iyon." Anito na parang sincere naman sa paghingi nang sorry.

"Its ok Mark, kalimutan na lang natin ang nangyari." Sabay bukas ko sa pintuan ng kotse, pero hinila niya ang kamay ko para pigilan na makababa.

Napalingon naman ako sa kanya. Magsasalita sana ako para magtanong pero naunahan ako nitong kabigin sa batok at kinintalan ng halik.

Hindi na ako nagulat, kasama iyon sa plano ko. Ang mapaibig si Mark, para makuha ang kagustuhan ko.

Tinugon ko ang halik ni Mark, hindi niya inaasahan na hindi ako tututol sa halik niyang iyon.

Masasabi kong natural lang na halik iyon para sa akin. Isang halik na hindi naman bago sa akin. Walang spark at walang halong emosyon. Bagkus sumasabay lang ako sa agos ng tubig.

Mga ilang minuto binitawan ni Mark ang labi ko, at nakapikit mata pang nakatuon ang noo sa akin.

"Ella, i love you. Ngayon lang ako nagseryoso sa babae." Anito sabay muling kinintalan ako ng halik.

Siguro kung nasa isang pribadong lugar kami. May nangyari na sa amin ni Mark, kahit kasi hindi ako seryoso sa kanya ay nasisigurado ko na siya lang ang magaahon sa akin sa buhay.

Si Mark na lahat ay nasa kanya na.
Si Mark na nagiisang tagapagmana ng kayamanan at ariarian ng magulang.

Wala na akong makikitang ibang lalaki na kahalintulad ni Mark, kahit hindi ko siya gusto ay ang mahalaga naman sa akin ay ang kanyang pera at istado sa buhay.

Ngumiti ako bilang tugon kay Mark, saka hinawakan siya sa pisngi.

"I love you too Mark," aniya na puno ng kasinungalingan.

Ngumiti si Mark sa narinig, iniisip siguro na nagtagumpay siyang makuha ang sagot ko mula sa pagtatapat niya ng tunay na nararamdaman.

Pero natural na sa akin ang maging sinungaling. Hindi mahahalata sa akin na ako ay hindi nagsasabi ng totoong nararamdaman.

"Thank you sa paghahatid Mark, gusto mo bang tumuloy muna sa bahay?" tanong ko na alam kong wala naman talaga 'tong balak bumaba.

"Hindi na Ella, may pupuntahan pa ako. Maybe next time, isusurprize na lang kita babe," anito sabay kindat pa sa akin.

"Okey, sige. Ingat ka." Sabi ko naman bilang pagpapaalam.

Tumango lang ito bago tuluyan na akong bumaba ng kotse at inintay na tuluyan na siyang makaalis.

Nang masiguradong nakaalis na ito ay nagpasya na akong pumasok sa loob. Pero dumaan muna ako sa tindahan para bumili ng kape. Gusto ko kasing magkape pagganitong kakauwe ko lang.

"Ate Layla, pabili nga po ng isang Nescafe." Wika ko sa may bukana ng tindahan.

"Oh, ella, gabi ka na ah. Sino 'yung naghatid sa iyo? Bagong boyfriend mo ba?" tanong nito na nakangiti pa.

"Hahaha. Oo ate, sayang at hindi na bumaba. Sana'y nakita mo ang kagwapuhan nang bago kong boyfriend." Pagyayabang ko kay Ate Layla, may idad lang sa akin ng kaunti pero may sarili ng tindahan. Nakapag-asawa kasi ito ng kano, kaya naman sustentado sila buwan-buwan ng butihing asawa.

Isa lang siya sa mas nakakaangat sa lugar namin na iyon.

"Ikaw ha, siguraduhin mo na hindi ka maloloko ng lalaking mamahalin mo. Kahit na mayaman sila,may mga katangian din sila na hindi mo nanaisin. Kaya bago ka magpabuntis, siguraduhin mo na kilala mo na ang lalaking magiging ama ng anak mo." Payo nito sa akin,

"Hahaha. Ikaw talaga Ate Layla, hindi pa naman ako mag-aasawa. Grabeng advance naman ng isip mo ate," nakangisi kong sagot.

"Pinapayuhan lang kita, sayang ang ganda mo kung mapupunta lang sa wala. Marami diyan na nakakita lang ng guwapo ay bigay na agad. Iyon pala hindi sila seseryosohin at gagamitin lang. Ikaw, huwag ka nang dumagdag pa sa mga nalokong babae. Kilalanin mo muna ang lalaki kahit na mukhang artista pa iyan o ano. Basta kilalanin mo muna bago ka magpasya na bumuo nang pamilya." Anito na seryoso pa sa pagpapayo.

"Hahaha. O sige Ate Layla, susundin ko ang payo mo. Kahit na hindi pa talaga ako mag-aasawa. Makikiuso na lang din ako kasi advance tayong mag-isip eh." Sabay halakhak naming dalawa.

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon