Chapter 24
Lumabas ako nang banyo para muling harapin si Mr. Weirdo, pero hindi ko na siya naabutan. Mukhang nagkulong na rin ito sa kuwarto matapos nang aking ginawa. Nakahinga naman ako nang maluwag, buti naman at nagkusa na siyang umalis. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko, matapos kung gawin ang kalokohan ko.
Ilang oras akong nakaupo sa kama.
"Ano kaya ang ginagawa nang kumag? Baka mamaya nagsosolo na iyon," nakangisi kong tanong sa sarili ko.
"Ano kaya ang pakiramdam nang lalaki kapag ganoong naninigas at hindi mailabas?" curious ko pang tanong sa isipan ko.
Matapos ang ilang minuto ay naisipan ko ng lumabas. Medyo kaya ko na naman kaya nagkusa na akong lumabas para kumuha ng tubig.
Pagbaba ko sa hagdanan ay nakita kong nakabukas ang pintuan ng kuwarto. Ganoon din ang ilaw na kadalasan ay madilim sa silid niyang iyon.
Lumapit ako para alamin kung nasaan siya. Kahit na kabado ako dahil baka magalit na naman ito sa akin ay nilakasan ko na lang ang loob ko.
Aalamin ko lang naman kung ano ang ginagawa niya.
Hindi pa ako halos nakakalapit nang pintuan ay may isang seryosong boses na ang tumawag sa akin.
"Where are you going?" tanong ni Herbert na nasa likurang bahagi ko na pala.
Sa gulat ko ay napasigaw ako.
"Baklang supot! Este tuli pala, ano ba bakit ka ba nang gugulat?" kabadong tanong ko, sa gulat ko ay lumakas ang kaba ko sa dibdib. Plus nasigaw ko pa 'yung supot na lalong nagpakunot sa noo nito.
"Anong supot? Anong tuli? Ano bang pinagsasabi mo ang bastos talaga ng bibig mo." Anito sabay lakad papasok sa kuwarto.
"Buti nga bibig lang e, hindi kamay..." sabay ngisi ko na nagpatigil sa paglalakad ni Herbert.
Lumingon ito sa akin at sinamaan ako ng tingin,
Napatikom naman ang bibig ko dahil sa kilay niyang muling nagsalubong. Mayamaya pa ay tumalikod ns ito at pumasok sa kuwarto. Hindi niya iyon sinara, kaya naman naisipan kong sumunod sa kanya. Baka puwede na akong makapasok ngayon.
"Ano ba ang kailangan mo? Bumalik ka na roon at baka mabinat ka kakalakad," anito
"Yiiieee nag-aalala siya," biro ko sa kanya,
"Tsk! Don't assume! Gusto ko lang na gumaling ka na para makalayas ka na," anito na parang walang pakialam kahit nakakasakit ng damdamin.
"Wow, nakakahurt ka ng feelings." Pagtatampo ko sa kanya.
"So what do you want?" tanong nitong muli sabay upo sa upuan niya at hinarap muli ang kanyang laptop.
Lumapit ako para mas malinaw kong makita kung ano ang ginagawa niya.
"Wala naman, naiinip lang ako sa taas. Kaya bumaba muna ako para mawala na ang lagnat ko. Baka pagnapawisan ako e, lumabas na 'yung bad spirit." Wika ko sa kanya sabay silip sa screen ng loptap.
"Bad spirit?" tanong nito na hindi lubos maunawaan kung anong ibig kong sabihin.
"Bad spirit, 'yung masasamang elemento na nagmamatyag sa akin araw-araw. Simula kasi nang pumunta ako rito, minamalas na ako. Kaya naisip ko may bad elements, kasi wala naman akong balat sa puwet. Kaya bakit ako minamalas?" paliwanag ko sa kanya.
"Tsk, hindi iyon isang elemento. Napakaclumsy mo kasi kaya iyan ang nangyayari sa 'yo." Seryosong sagot nito bago kinuha ang salamin niya sa mata at hinarap ang laptop.
"Wow! Makapagsalita si Mr. Genius weirdo,"
"Wala ka na bang sasabihin? Maari ka nang lumabas dahil marami pa akong gagawin." Anito na nagsimula nang tipain ng daliri ang keybord nang laptop.
"Wow! Gumagawa ka ng nobela? I mean, author ka?" gulat na gulat kong tanong dahil sa nakita kong pagtatype niya ng isang story.
"Yes! At inaabala mo na ako, so pls! Lumabas ka na at huwag mo akong gambalain." Anito na tinataboy na ako. "Pakisara na lang ng pinto paglabas mo."
"Ang damot naman, silip lang naman e, pls... Dito muna ako, promise hindi ako maingay." Pangungilit ko sa kanya.
Napailing naman ito bago muling tinipa ang keybord ng laptop. Kaya napangiti ako nang pumayag itong magstay ako sa kuwarto niya.
"Yes! Thank you Mr. Weirdo," malambing kong sabi
"Puwede ba! Hindi Weirdo ang pangalan ko, huwag mong ibahin ang name ko!" Iritang saad nito,
"Ano bang name mo?"
"Herbert,"
"Mas cute pa 'yung weirdo e," sabi ko sabay ngisi.
Tumingin naman ito sa akin at muli na namang nagsalubong ang kilay. Kaya nataranta ako sa pagbawi ng sinabi ko.
"Pero unique 'yung name mo ha, mas maganda siya kesa sa weirdo. Hehehe." Nakangisi kong paliwanag,
To be continue...
BINABASA MO ANG
Three Rules (Completed)
Romance"Kung ayaw mong masaktan, sundin mo ang gusto ko! Kiss me!" utos ko sa nakamaang na si Herbert. Ella Sandoval, anak ng isang sikat na designer ng bansa. Ngunit hindi siya laki sa luho, dahil bata pa lang ay nawalay na siya sa kanyang mga magulang. H...