Chapter 25

3.3K 53 0
                                    

#THREE_RULES

CHAPTER 25

            DALAWANG araw bago ako tuluyang gumaling sa aking sakit. Doon ko naranasan ang tunay na ugali ni Herbert; ang pagiging maalaga at maalalahanin.

Hindi ko man aminin, napapangiti ako sa tuwing iisipin ko na minsan ay napapangiti ko na siya sa bawat pang-aasar ko sa kanya.

Lalo na kapag nagmumukhang tanga na ako sa harapan niya, hindi man siya tumawa ng may tunog ay nakikita ko naman sa labi niya ang lihim na pagngiti dahil sa mga pinaggagawa ko.

Ngayon ang araw ng pag-alis ko, nakakaramdam ako ng lungkot sa puso na hindi ko maamin sa sarili ko. Pero kailangan kong tiisin dahil hindi ko dapat nararamdaman ang ganitong pakiramdam.

"Paano ako makakapunta sa sakayan? Medyo malayo ang palabas ng resort na ito?" nag-aalala kong tanong kay Herbert.

"Sino bang may sabi sa 'yo na paglalakarin kita?" sabi nito na pinagtaka ko, kinuha niya ang kanyang black na jacket at sinuot iyon. Bago ako sinenyasan na lumabas na nang bahay. Sumunod naman ako, at nagtungo kami sa likurang bahagi ng bahay.

"Bakit tayo narito?" tanong ko habang binubuksan ni Herbert ang malaking pintuan ng bodega.

Pero bago pa ako muling makapagsalita, natanaw ko na ang loob ng bodega. Isang motorsiklong mamahalin na halatang bagong-bago pa.

"Wow! Hanep meron ka pala niyan pinahirapan mo pa ako, ayos ah!"  medyo irita kong sabi,

"Tsk! Ang dami mo talagang sinasabi," anito sabay sakay sa motor at inistart na iyon.

"Nice, kanino pala 'yan? Swabe ah, mahal siguro iyan." nakangiti kong sabi,

"Sasakay ka ba o magtatanong ka ng magtatanong na lang diyan?" Sarkastikong tanong nito,

Nataranta ako sa tanong niya kaya sumakay ako sa likuran niya. Nakasaklang ako sa motor pero hindi ko alam kung yayakap ba ako sa kanya o hindi, nahihiya akong yumakap kaya naman kumapit na lang ako sa likurang bahagi ng motor.

"Are you ready?" tanong muli nito,

"Yes, I'm ready," mabilis kong tugon,

Unti-unting umusad ang gulong ng motor, at nagtuloy-tuloy kami hanggang sa makalabas na kami sa mismong bakuran na bukas.

Habang tumatakbo ang motor, bumibilis ang takbo nito, malubak pa sa lugar kaya naman natalon-talon ang puwetan ng motor.

"Uy! Dahan-dahan naman..." sabi ko na takot na takot na ako sa mabilis na takbo ng motor.

Pero lalo nitong pinabilis ang takbo, kaya naman bigla akong napayakap sa kanya.  Dala ng kaba ko sa dibdib dahil sa bilis ng takbo, ay kaba ko rin sa dibdib dahil sa katawan naming magkadikit.

"Are you alright?" sigaw nito sa akin habang nagmamaneho pa rin, nakangiti ito na parang tuwang-tuwa sa nangyayari.

"Papatayin mo yata ako! Buwisit ka, huhuhu." mangiyak-ngiyak kong sabi,

Naramdaman ko ang pagtawa nito, kasabay nang pagbagal na pagpapatakbo nito. Pero hindi na ako nag-iba ng pwesto. Hinayaan ko na lang na nakayakap ako sa kanya.

Hanggang sa matanaw namin ang nagtutumpukang tao. At ang mga sasakyan ay nakahambalang sa daan.

"Anong nangyari roon?" tanong ko kay Herbert,

Pero imbis na sumagot ito ay hininto nito ang sasakyan sa daan at bumaba ng motor.

"Diyan ka lang," anito na naglakad na patungo sa kumpulan na tao.

"Ano bang meron doon? Bakit parang galit na galit ang mga tao? Medyo malayo pa kami sa kaganapan kaya't hindi ko matanaw ang nangyayari sa pinakadulo bago sumapit ang mahabang tulay.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon