Chapter 20

3.6K 58 0
                                    

#THREE_RULES

CHAPTER 20

          "ANG sama ng ugali niya, hindi man lang niya naisip na malakas ang ulan!" Naiiyak kong bulong sa sarili ko.

Bakit ba ang malas-malas ko, pinanganak na nga akong malas sa pamilya, sa magulang, at sa pera. Pati ba naman sa mga bagay-bagay sa mundo? Ano ba! Wala naman akong balat sa puwet. Pero bakit palagi akong minamalas sa buhay.

"Hoy! Mr. Weirdo, papasukin mo ako pls... Hindi na ako gagawa ng ikakagalit mo ulit, pangako magpapakabait na ako." Pakiusap ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay nasa loob lang siya at nakikinig sa mga sinasabi ko.

Lalo pang lumakas ang buhos nang ulan. Maging ang sunod-sunod na pagkidlat ay halos rinig na rinig ko. Nababasa na ako ng ulan dahil sa malakas na ihip nang hangin.

Hindi na yata ako tutulungan ng mokong na iyon. Wala talaga siyang awa sa babae.

Tumakbo na lang ako papunta sa kubo na nakatayo lang sa labas ng bahay. Atleast doon ay may upuan na puwede kung maupuan.

Pero bago pa ako makarating ay nabasa na ako ng ulan. Malalaki kasi ang patak ng ulan at halos masakit makatama sa balat. Ganoon din ang hangin na parang dadalahin ako sa lakas ng ihip.

Ganun pala kapag nakatira ka sa tabing dagat. Nakakaengganyo nga sa una dahil malapit sa dagat,mahangin at maganda ang tanawin. Ngunit pagganito namang bumabagyo, bahay mo naman ang kanyang pipinsalain. Buti na lamang at ang bubong ay matibay ang pagkakagawa. Ganoon din ang pader na kahit luma na ay masasabi kong matibay iyon kumpara sa ibang natural lang na ding-ding.

Pero itong kubo na kinatatayuan ko? Ilang oras kaya bago ito liparin nang hangin? Ngayon palang nagdadasal na ako na sana may guardian angel na tumulong sa akin. Iligtas ako sa kasamaan na nagbabadyang kitilin ang buhay ko. Oras na mapanot ang bubong nang kubo. Katapusan ko na rin, sabagay wala namang silbe ang buhay ko. Wala akong magulang at wala namang tunay na nagmamahal sa akin kaya ayos lang na mawala na ako sa mundo.

Umupo ako sa kasulok-sulukan nang kubo. Tinaas ko ang paa ko at niyakap ko ang buong hita ko para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Bago sumubsob sa tuhod ko.

Basa na ako ng ulan at nilalamig na ako. Siguro mga isang oras akong ganun ang ayos. Sobrang nanginginig na ang katawan ko dahil sa lamig.

Nang bigla na lang may magsalita sa harapan ko.

"Ano pang ginagawa mo riyan? Tara na!" Sabi ni Herbert na kasalukuyang may dalang payong. Pero malakas ang hangin kaya napapalag ito ng hangin. 

Iniangat ko ang mukha ko. Pero dahil sa lamig, nanginginig na ang katawan ko at hindi na ako makakilos.

"Hey! Ano na, tititigan mo na lang ba ako?" Anito na inaantay akong tumayo.

Pero hindi ako makatayo dahil pakiramdam ko naninigas ako sa lamig. Isang oras ka ba namang babad sa basa at lamig.

Sa inis ni Herbert ay pinasok na nito ang kubo. Nilapitan ako at hinatak sa kamay.

"Ang arte mo!" anito sabay alalay sa akin sa pagtayo.

Nakaramdam ako ng ginaw at pagkahilo.

Hanggang sa unti-unting lamunin nang dilim ang paningin ko.

* * * * *

Nagising na lang ako sa malambot na kama. Mainit ang mata at bunganga ko. Ganoon din ang katawan ko na parang pakiramdam ko ay nangangapal at may mabigat na nakapatong sa akin. Nakakarinig ako nang ingay sa paligid. Pero hindi ko na iyon pinagkaabalahan pang alamin. Ang alam ko lang ay masakit ang buong mata ko, gusto ko pang matulog at magpahinga.

Pumikit muli ako at muling naglakbay sa kakaibang paraiso. Mga ungol nang hayop ay naririnig ko, pero sa tuwing maaalipungatan ako ay malakas na patak ng ulan ang naririnig ko. Ganun din ang hampas ng hangin sa bintana.

Naramdaman ko na may nagpupunas nang basang towel sa mga braso ko at may towel din ako sa noo. Hindi ko na iyon pinagkaabalahan pang alamin dahil muli na naman akong hinatak ng antok.

Matapos ang mahabang pagtulog ko ay nagising akong medyo maginhawa na ang pakiramdam. Minulat ko ang mata ko at natanaw ko ang maaliwalas na paligid.

"Nasaan ako?" mahinang tanong ko sa taong nakaupo sa gilid nang kama. May hawak itong termometer at inaalam kung mababa na ba ang lagnat ko.

"Medyo mababa na ang lagnat mo. Bumango ka muna at kumain, may gamot kang iinumin." Anito na parang napakaseryoso nang mukha.

Naging malinaw sa akin ang lahat. Inapoy pala ako nang lagnat dahil sa ginawang pagpapalabas sa akin ni Mr. Weirdo, at dahil nagkasakit ako sa nangyari inalagaan niya ako buong magdamag.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon