Chapter Five

5.5K 86 1
                                        

Chapter Five

Alas-10 na ng gabi, halos kakaunti na lang ang mga tao na nakatambay sa labas. Karamihan kasi rito ay maagang natutulog ang mga tao. Lalo na at may pasok sa eskwela ang kanya-kanyang mga anak. Pero mayroong mangilan-ngilan pa rin na nakatambay at nagiinom sa labas.

Habang naglalakad ako ay nadaanan ko ang mga kilalang tambay na nagiinom. Mabilis nila akong nakita dahil ang dinadaanan ko ay ang mismong gilid nang tambayan nila.

"oy... Ang swerte nga naman natin ngayon oh, nagkataon pang may magandang dilag na napadpad sa baryo natin." Ani ng lasenggerong si Mang Juny.

"Hahaha. Gago! Si Ella 'yan, huwag mong mabastos-bastos ang nagiisang magandang dalaga rito sa lugar natin." Sabat naman ni Tonyo, isa rin sa kilalang siga sa aming baryo.

"Ah,si Ella ba iyan? Akala ko bagong salta. Lalo kasing gumaganda e," pahabol pa nito habang pakamot-kamot pa sa ulo.

"Ewan ko sa inyo! Magsipaguwe na nga kayo. Mga lasinggero!" bulyaw ko naman sa kanila na tinawanan lang ng mga ito.

"Hahaha. Ang sungit talaga ni Ella kahit kailan no? Ella, 'yung boyfriend mo pagnapadpad dito, bubugbugin ko pagsinaktan ka." Ani Tonyo.

Hindi naman ako kinabakasan nang kaba, alam ko naman na matatapang lang ang mga ito kapag nagkakasama at nagkakainuman. Pero kapag hindi sila nagiinom ay napakagalang na animo'y hindi gagawa ng kasalanan. Pero si Tonyo ay kilalang adik, kaya naman lagi itong napapasama sa mga nahuhuli ng pulis. Labas masok na nga ito sa kulungan ay hindi pa rin nadadala.

Para hindi na humaba pa ang diskusyon. Naglakad na ako at hindi ko na pinansin ang sinasabi nila. Malapit na naman ang bahay na inuupahan namin ni Venus. Paniguradong wala doon si Venus. Panggabi kasi ito sa trabaho-call center agent.

Simula ng mapadpad ako rito, hindi na ako tumagal sa trabaho, kapag nakakapasok kasi ako sa trabaho e, lagi na lang akong napapaaway. Dahil sa mga inggetera kong mga katrabaho. Naiinggit sa akin ang mga katrabaho ko dahil sa special treatment na binibigay sa akin ng mga nagiging boss kong lalaki.

Minsan naman kung babae ang boss ko, asawa naman nito ang nagiging dahilan. Katulad na lang ng huling trabaho ko na inalisan, akala ng boss kong babae sinisipag magbantay ng shop ang asawa niya. Palagi kasi itong nakatanghod sa shop nila. Natutuwa pa naman sana ang asawa niya kasi nakakatulong sa kanya ang pagbabantay ng kanilang inaalagaang shop. Iyon pala kasama ako sa binabantayan ni sir,

Kapag lunch break umaalis ang mga kasama ko para kumain sa labas. Naiiwan kami ng boss ko, may maluto kasi akong dala kaya hindi ko na kailangang lumabas. Isa pa nagtitipid din ako kaya nagluluto na lang ako sa bahay bago pumasok sa trabaho.

Katanghaliang tapat, pumasok si sir sa bodega ng aming shop.

Hinahanda ko na ang pagkain ko nun sa lamesa nang bigla na lang akong tawagin ni sir,

"Ella, halika muna saglit sa bodega. May kukunin lang tayong stock." Anito na hindi manlang kababakasan ng kahayupan na gagawin.

Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya. Malayo ang agwat namin ng boss kong si Mr. Lim, isang koreano pero magaling magtagalog.

Dahil sa boss ko si Mr. Lim, ay sumunod agad ako. Agad akong pumasok sa bodega kasunod niya. At nang nasa loob na kami ay pinakuha ni Sir ang damit sa sahig na nalaglag na.

Hindi ko alam kung sinadya ba iyong ilaglag para muling ayusin o ano. Pero kinuha ko pa rin para impisin, nang bigla na lang isara ni Mr. Lim ang pinto at doon ay matalim na tumitig sa akin.

"S-sir? Ano pong ginagawa mo?!" gulantang kong tanong.

Ngumisi ito na animo'y hayop. Hayok na hayok sa aking katawan, agad itong lumapit sa akin at hinila ako sa kamay palapit sa kanya.

"Sir! Huwag po!" pagmamakaawa ko,

"Pagbigyan mo na ako Ella, talagang tigas na tigas na ako sa 'yo eh. Hayaan mo paliligayahin naman kita." Anito na nilalamas na ang malulusog kong dibdib.

"Ayoko po! Parang awa muna sir! Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya na hindi manlang natinag.

Wala nang imik-imik na kinuyog niya ako ng halik sa leeg. Maging sa nakalabas kong clevage ay kanyang pinaghahalikan din.

"Wahhhh! Bitawan mo ako sir!" sigaw ko,

Pero tuloy pa rin ito sa paghalik sa aking leeg at dibdib.

Pinagkakalmot ko siya sa mukha, pero parang balewala sa kanya ang masaktan. Nakita ko na pinagdudukdukan na niya sa akin ang alaga niya g nakatambok sa pantalon.

"Hayop ka! Hayop ka! Bitawan mo ako! Tulong!" sigaw ko na halos mapatid na ang litid ko. Pero kahit anong sigaw ko ay hindi maririnig sa labas. Bukod sa kulong ang bodega. Kulong din ang shop namin dahil nakaaircon kami sa shop.

Wala na yatang tutulong sa akin. Lalo na nang hubarin na ni sir ang kanyang t-shirt. Tumambad sa akin ang kanyang katawan na maputi. Pero wala siyang abs kaya mas lalo akong nandiri.

Dahil sa paghuhubad niya ay nakawala ako sa pagkakayakap niya. Nakakuha ako ng tyansa na makatakas sa kamay niya. Agad akong tumakbo sa pinto pero nahawakan niya ako sa bewang at agad na niyakap sa likuran.

"Bitawan mo ako hayop ka!" sigaw ko na halos ibuhos ko na ang buong lakas ko.

Hindi na yata ako makakatakas sa lalaking ito, ito na yata ang lalaking makakakuha sa berhen kong pagkakababae.

To be continued

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon