Chapter 28

3.2K 58 0
                                    

#Three_Rules

Chapter 28

        Hanep naman oh! No choice ako, narito ako sa pintuan ni Herbert. Limang oras na akong naghihintay sa tulay pero walang dumating na Mark. Kaya namasahe na lang ako at muling nagpahatid pabalik.

Hindi ko man aminin sa sarili ko. Namimis ko rin si Herbert na limang oras ko nang hindi nasilayan.

Tok! Tok! Tok!

Sunod-sunod kong katok sa pintuan. Ngunit walang nagbubukas noon,

Nakauwe na kaya si Herbert? Pagabi na kaya naman hindi na ako maaaring umalis pa ngayon, delekado na sa labas lalo na at sa ganda kong ito ay maaring pagsamantalahan ako sa labas.

Kaya heto, bubuksan ko na lang ang pintuan kesa kumatok ng kumatok. Pero nagulat ako ng biglang magbukas ang pintuan. Nasilayan ko ang namumulang mukha ni Herbert.

"Hi," bati ko rito, ngunit hindi man lang ito umimik. Nagtaka ito nang makita niya ako, pero naduduling at namumungay ang mata nito sa akin. Anong nangyari sa taong ito, naamoy ko ang amoy alak na nanggaling sa loob ng bahay. Kaya naman nalaman kong lasing si Herbert,

"Anong ginagawa mo rito? Akala ko umalis ka na," baritonong tanong nito sa akin sabay pasok sa loob.

"E kasi ano e..." hindi ko masabing hindi sumipot si Mark, "bakit nag iinom ka? Nalungkot ka ba nang umalis ako?" may kamalditahan kong tanong,

"tsk! Bakit naman ako malulungkot, ang saya ko nga dahil wala ka na." Anito na hindi naman mabakas sa mukha ang kasayahan.

"Sus! Patagay naman," hamon ko pa sa kanya.

"No! Hindi maganda sa babaeng nag iinom. Kung hindi ka sinipot ng boyfriend mo, hintayin mo na lang na maayos ang tulay para makauwe ka na." Anito sabay upo sa sofa at muling tumungga ng alak.

"Yieee... Nagaalala siya oh, teka bakit ka ba nainom? Sorry sa pagtatanong ko kanina hindi ko gustong ungkatin ang tungkol sa—"

"I said shut up! Just leave me alone!" singhal nito sa akin.

Ngayon alam ko na kung bakit siya nagiinom. Mukhang naalala niya ang girlfriend niyang sumakabilang buhay. Kaya natahimik na lang ako at umakyat sa taas para magpahinga. Pagdating ko sa taas ay naupo ako sa kama.

Siguro, sobrang mahal niya ang kasintahan niya rati. Kaya hanggang ngayon hindi pa siya nakakamove on. Kawawa naman pala siya,

Nagpalit ako ng damit bago bumaba para kumain. Nagluto ako ng makakain habang nakikita ko si Herbert na seryosong nanunuod ng TV ay pasulyap sulyap ako habang nagluluto. Tapos pailing-iling ako na bumalik sa lababo upang ipagpatuloy ang ginagawa ko.

Kawawa naman pala ang isang iyon. Ang hirap sigurong ma heart broken. Hindi ko pa naman nararanasan na umibig ng tunay kaya hindi ko pa alam ang sakit kapag nabigo at iniwan. Kadalasan kasi ako ang nangiiwan. Sila ang nasasaktan sa akin kaya hindi ko siya naiintindihan. Babalik sana akong muli para muling silipin si Herbert, aalamin ko kung okey lang siya pero nagulat ako nang paglingon ko ay kamuntikan na akong mabangga sa rebultong nakatayo sa likuran ko.

"Josko po rudy! Ano ka ba! Bakit ka ba nanggugulat, para ka namang multo, wala kang kaimik-imik diyan." Gulat na gulat kong sabi sa kanya.

"Bakit ba panay ang silip mo sa akin ha?" anito na mababakas ang pagkainis.

"Ha? Ako? Sumisilip? Hindi no, masyado kang assuming ha!" tanggi ko sa kanya.

"Akala mo yata hindi ko nakikita ang mga ginagawa mo. Hanggang kailan mo kaya ako iinisin?" seryosong tanong nito.

Ang seryoso kong mukha ay biglang humagalpak ng tawa. Kinapitan ko ang tiyan ko sa sobrang pagtawa. " Don't tell me naiinis ka sa akin? E bakla ka pala e! Pinapatulan mo ako," pang-aasar ko pa sa kanya na lalo nitong kinainis.

"Stop it! Walang nakakatawa," inis na wika nito.

Pero pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Tumawa ako ng tumawa hanggang sa maasar ito sa akin at hawakan ako sa kamay at hinigit palapit sa kanya.

Niyakap niya ako, at ikinulong sa bisig. Kinorner sa pagitan ng katawan niya at ng lababo.

"Tumawa ka pa! Hahalikan kita!" banta nito sa akin.

Agad naman akong natameme. Naitikom ang bibig ko at natulala sa ginawa niya.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon