Chapter Three

7.3K 131 0
                                        

Dahil sa pangaabala na ginawa ng lalaking wierdo ay nawalan na rin kami ng ganang ipagpatuloy pa ang gagawin kanina. Lalo na at muli na naman kaming tinawag ng pinsan ni Mark, may mga bagong dating ang girlfriend ni Ron na pinsan ni Mark.

Unang tingin ko palang sa babaeng iyon ay halatang mukhang dukha na. Lalo na nang ipakilala sa amin ito ni Ron.

"Hey, cousin this is Jheza Silvia my girlfriend." Pagpapakilala ni Ron sa girlfriend niya.

"Hi, nice to see you Jheza," nakangiting inabot ni Mark ang kamay niya rito at nakipagkamay. Ngiting-ngiti naman si Jheza at parang ayaw pang bitawan ang kamay ni Mark.

"Hon, this is my Cousin Mark, and his girlfriend Ella," pagpapakilala naman ni Ron sa aming dalawa ni Mark.

Taas noo akong lumapit kay Jheza, at nakipagbeso-beso. Unang engkwentro pa lang namin ay naamoy ko na ang pagkatao ni Jheza, malangkit ang tingin nito kay Mark na parang nangaakit. Palibhasa laki ako sa hirap, kilala ko rin at gamay ko ang galawan ng taong mas mukhang dukha pa sa akin.

"Hi Ella," bati nito sa akin.

Ngumiti ako bilang tugon. Hindi ko kayang makipagplastikan sa taong malangkit ang tingin sa taong pagmamay-ari ko na.

Hindi ko man pagmamay-ari pa ngayon si Mark. Maybe soon,

Sinipat ako mula ulo hanggang paa ni Jheza, saka taas kilay na nagtanong.

"You know what, parang kilala kita Ella." Anito na hindi pa nakakasigurado sa hinala ay parang may ibig sabihin na agad ang sinabi niya.

"Really hon? Ang alam ko, kilala rin si Ella as designer. Iyon ang pakilala niya sa amin kanina. Maybe familiar ka sa mga dress design. Nakikita mo ba ang name niya sa magazine?" pagtatanong pa ni Ron,

Hindi naman naging komportable ang usapan namin para kay Mark. Hindi malabong mangyari na malaman nilang mahirap lang din ako.

"Hahaha. Ron, i think gutom na itong girlfriend mo. Samahan mo muna sa loob para makakain. Mahaba pa naman ang oras natin para makapagk'wentuhan." Anito na nahahalata kong naiwas lang sa usapan.

"No Mark, hindi ako gutom." Tanggi ni Jheza, para maduktungan pa ang usapan.

"Pero hon, ako gutom na. Tara muna sa loob," yaya ni Ron na hindi man lang nakahalata.

Mas lalo tuloy akong nairita sa babaeng iyon. Akala mo naman maganda, napakaarte!

Sa inis ko ay napabuntong hininga na lang ako.

"Are you alright, Ella?" tanong ni Mark, sabay pisil sa kamay ko.

"Yes, I'm fine. I think hindi talaga natin maiiwasan na ilihim ang pagkatao ko. Bakit hindi na lang natin sabihin ang totoong ako Mark?" sabi ko na kababakasan pa ng kalungkutan sa mukha.

"No, i think that is bad idea. Ayokong isipin nila na sa mahirap lang ako pumapatol!" anito na wala man lang pagaalinlangan.

Agad akong natulala sa sinabi niya. Nasaktan sa nabitawan niyang salita. Hindi ko akalain may ugali rin pala si Mark na pagiging matapobre.

Hindi ako nakapagsalita, at nakaramdaman iyon ni Mark kaya agad niyang binawi ang sinabi niya.

"Im so sorry Ella, nabigla lang ako." Anito na nakatungo pa habang hawak at pinipisil ang kamay ko.

"Its ok Mark, alam ko naman na tama ka. Im not a kind of girl na iniexpect ng parent mo. Wala akong kayamanan at walang maipagmamalaki sa parents mo. Hindi talaga ako nararapat para sa 'yo." Wika ko na may lungkot sa mata. Masakit man pero iyon ang totoo.

"No, that's not what i mean Ella," bawi ni Mark sa sinabi ko.

"No Mark, tama ka. Ok lang, p'wede bang doon muna ako sa kabilang kubo. Gusto ko munang mapag-isa." Paalam ko kay Mark na hindi ko na inantay ang kasagutan.

Naglakad na agad ako palapit sa kubo na medyo kakaunti ang tao. Naupo ako sa upuan doon, medyo madilim sa kubo dahil patay ang ilaw roon. Wala sigurong nagamit ng kubo kasi gusto nila ay sa aircon matutulog.

Mas masarap pang magpahinga sa kubo kesa sa de aircon na kwarto no. Ang mayayaman talaga, hindi nila alam na mas presko sa ganito kesa sa mamahaling hangin.

Nagmukmok ako sa madilim na kubo na iyon.

Hanggang sa may makinig akong kaluskos sa may bandang dulo. Napalingon ako at hinanap ang naging sanhi ng ingay. At kamuntikan pa akong mapatakbo nang may makita akong puting damit na nakaupo sa dulo ng upuan.

"Holy shit!" naibulalas ko matapos kong makita ang puting damit na gumalaw.

"What?" Inis na tanong nito sa akin.

Ang pagtakbo ko ay napalitan ng pagtataka. Nagsalita ang ghost? Tanong ko sa utak ko.

"Are you a ghost?" tanong ko,

"Are you insane? May multo bang nagsasalita!" inis na sagot nito sa akin.

Lalaki ang boses nito at nakaupo sa dulo at dahil madilim ay unti-unti kong inaaninag ang bulto nito.

Totoo nga lalaki ang kausap ko at hindi siya multo. Kun'di tao siya na kagaya ko ay nagpapahinga rin.

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon