Chapter 14

4.1K 63 0
                                    

#THREE_RULES

AFTER THREE HOURS,

Lumabas nang kwarto si Herbert para magluto sana nang makakain, ngunit nakita niya na nakasitting pretty na nakaupo ako sa sofa.

Napatigil ito sa paglalakad at nagtaka.

"Oh! Bakit narito ka pa rin hanggang ngayon?" tanong ni Herbert,

"Ah, e, ano eh, 'yung wallet ko kasi-baka pwedeng pautang ako nang pamasahe. Hehehe." Direktang sabi ko sa kanya.

"Ano? Niloloko mo ba ako?" kunot-noong tanong nito.

"Hindi no, bakit naman kita lolokohin. Kasi 'yung wallet ko naiwan sa taxi. Hindi ko na alam kung saan pa hahabulin yung taxi na 'yon." Malungkot kong sabi habang kagat-kagat ko ang daliri ko.

"Talaga lang huh! Style mo rin e, bibilhin kuno ng boyfriend mo pero wala kang dalang pamasahe. Siguro masamang loob ka na nagpapanggap na bibili ng bahay pero ang pakay pala ay magnakaw, sorry miss, wala kang mapapala rito. Wala akong pera at wala akong kayamanan na nakatago sa lugar na 'to." ani Herbert bago dumeretso na sa kusina.

Napatayo naman ako at napasunod sa kanya.

"Hoy ano ba, hindi ako nagbibiro. Totoo na nawawala ang wallet ko, okey ganito na lang pahiram ako ng phone mo para macontact ko ang boyfriend ko at masabi kong wala akong pamasahe." Wika ko na mas lalo niyang ikinaseryoso ng mukha.

"Wala akong phone," matipid na sabi nito.

"Ha? E 'di pamasahe na lang."

"Wala akong cash," anito.

"Ano? Walang phone? Walang cash? What kind of people are you? Do you think na sa ganda kong 'to niloloko lang kita. Pls... Help me," pakiusap ko sa kanya.

"Miss, wala akong maitutulong sa'yo. Sa iba ka nalang humingi ng tulong." Anito sabay kuha ng itlog at nagluto na sa kalan.

"Heler! Okey ka lang ba? Paano naman ako makakalabas sa lugar na ito aber? Walang kapitbahay, walang communication, wala na lahat. Nagugutom na nga ako e," nagpapaawa kong sabi rito.

"Sa pagkain matutulungan kita, pero sa ibang bagay
Im sorry wala akong maitutulong sa'yo." Sabi pa nito na hindi manlang nag-abala pang lingunin ako.

Kaya naman nag-iyak-iyakan ako para maawa siya sa akin.

"Huhuhu. Ang bad mo, ang salbahe mo sa mga babae."
Nilalaksan ko ang iyak ko para sa ganun ay maawa siya sa akin pero hindi, dahil...

"Para kang bata!" sabi nito na balewala ang ginawa ko.

"Che! Bahala ka, hindi ako aalis sa bahay na ito." Pananakot ko sa kanya.

"E, 'di huwag. Bahala ka!"

Naglakad ito at kumuha naman nang bacon sa ref.

"Wow, puno ang ref ah, tsaka teka. Ngayon ko lang napansin, kompleto ang stock mo rito sa kusina ah. Ganyan ba ang walang pera?" Sabi ko na parang inaasar ko pa.

"Kung nagugutom ka kumain ka." matipid na sabi nito.

"Ayoko ng puro frozen noh. Walang masyadong sustansya. Wala ka ba ritong gulay manlang?" tanong ko,

"Wala," tugon nito

"Grabe, sasabihin ko talaga sa boyfriend ko na huwag nang bilhin ang bahay na 'to. Walang signal, walang kapit-bahay, walang ibang pagkain like gulay. Grabe! Hindi ako mabubuhay sa bahay na ito." Aniya na parang wala naman akong kausap.

"Hindi mo ba talaga ako tutulungan? Pls... Help me, i want to go home na." Pagpapaawa ko na parang wala namang pakialam ang kausap ko.

Hindi ito nagsalita, matapos na maluto ang ulam ay kumain na ito nang solo. May kanin naman na hula ko kanina pa niya iyon niluto. Natakam naman ako, dahil kanina pa nga rin ako gutom.

Nagkusa na akong kumuha nang pinggan at sumandok nang kanin.

Ganun ha, sinusubukan mo akong lalaki ka ha, alam ko na aasarin ko siya at guguluhin para pagnarindi na siya sa akin mapilitan na siyang magbigay nang pamasahe ko.

Umupo ako mismo sa tabi niya at inagaw ko ang bacon na ulam.

Napatingin ito sa akin at pakurap-kurap bago nagsalita.

"Uubusin mo ba lahat iyan?" tanong nito sa akin.

"Oo, at uubusin ko lahat nang pagkain dito sa bahay mo kapag hindi mo pa rin ako binigyan nang pamasahe." Sabi ko na ngumisi pa ako.

Itinaas ko pa ang kamay ko at nagkamay pa ako para mandiri siya sa akin. Pero no effect, ibang tricks ang gagawin ko at sisiguraduhin ko na sa aming dalawa ay siya ang susuko.

To be continued...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon