Chapter Two

8.5K 138 0
                                    

"Are you ready?" tanong ni Mark bago simulang iistart ang makina ng sasakayan.

"Yes," tugon ko.

Sa isang malaking resort ako dinala ni Mark, totoo napakagalante ng pamilya nito. Mula sa bungad ay natatanaw ko na ang naggagandahang mga sasakyan ng mga kamag-anak niya. Maging ang mga kasuotan nila ay sadyang nahahalatang mayayaman ang mga ito. Inalalayan akong makababa ng sasakyan ni Mark.

"Hawak ka lang sa kamay ko babe," anito na nakangiti pa sa akin.

Sumunod naman ako, nakibagay sa kilos nilang napakahinhin. Umasta akong may sinabi rin sa buhay. Maging sa pananalita ko ay iniba ko rin.

"Iho, anak, narito ka na pala. Who is she?" tanong ng ginang na hula ko ay ang kanyang ina. Napakaganda nito na may kutis artista. Hindi mahahalata na may idad na ito dahil sa batang-bata pang itsura.

"She is my girlfriend mommy. Ella, I like you to meet my prettiest and youngest mommy in town." Pagpapakilala ni Mark sa kanyang ina.

"Hi tita, kinagagalak ko po kayong makilala." Aniya sabay lapit sa mommy ni Mark at nakipagbeso-beso.

"Hello iha, so ikaw pala ang pinagkakaabalahan ng nagiisa kong anak. Who is your father iha?" tanong nito para kilalanin ang magulang ko.

Ganoon kasi sa mayayaman, halos kilala nila ang mga kapwa nila na mayayaman din.

"My father's name is..."

"Mommy, p'wede bang isama ko muna si Ella sa loob. Nagugutom na kasi ako," agaw atensyon ni Mark. Nakuha ko agad ang gusto niya. Ayaw niyang ipakilala ko ang sarili ko sapagkat baka malaman ng mommy niya na ako ay mahirap lang.

"Sure iho, pasok na kayo sa loob at kumain. Ella, iha,mamaya ulit tayo magusap ha," anito sabay ngiti.

"Sige po tita," tanging natugon ko na lang.

Pagpasok namin sa loob ay saka ako kinausap ni Mark.

"Ella, p'wede bang iwasan mo ang mga ganoong tanong ni mommy?" wika nito sa akin.

"Ha? Pero bakit? Baka sabihin niya suplada ako." Tangging nasagot ko sa kanya.

"No, basta umiwas ka na lang. After nating kumain, doon tayo pupunta sa mga pinsan ko. Sigurado akong mageenjoy ka roon." Anito sabay hila sa akin sa loob para kumain.

Hindi ko man itanong. Mukhang alam ko na ang sagot. Nahihiya si Mark na malaman nilang mahirap lang ako, kagaya ng iba. Isa rin si Mark sa mga taong tumitingin sa istado ng buhay ng pamilya.

Tumahimik na lang ako, kahit na lihim akong nasaktan ay wala naman akong magagawa. Narito ako para sa pera, at ito lang dapat ang isipin ko.

Ganoon na nga lang ang ginawa ko. Nakisalamuha ako sa mga pinsan niya, at nang mainip ako ay inakit ko na si Mark sa tabi ng pool.

Naupo kami sa mga upuan doon. Habang hawak ni Mark ang kamay ko ay marahang pinipisil iyon ni Mark. Humarap naman ako sa kanya. At nakita ko na namumungay ang mata ni Mark. Ano ba ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon. Hindi ako maaaring magkamali, gusto niya akong halikan.

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos haplos iyon. Akmang hahalikan na niya ako ng bigla na lang may magsalita sa pinaka dulo ng inuupuan namin. Madilim kasi doon kaya hindi namin napansin na may tao palang nakaupo roon.

"Hey! Huwag kayo rito, may room sa taas doon kayo gumawa ng milagro." Iritang wika nito.

Napalingon kaming pareho ni Mark. At nakita ko ang lalaking nakasalamin nakaheadset ito at nakaupo sa dulo ng upuan.

"Fuck! Ano bang pakialam mo kung dito kami dumayo? Pagmamayari mo ba ito?" sita ni Mark sa lalaking hindi ko maaninag ang itsura. Pero nakakasigurado ako na kagaya ni Mark. Gwapo rin ito dahil sa suot niyang short at tshirt na white ay mukhang mabangong tingnan ito.

Tumayo ito at kinuha ang dala niyang notebook.

Nakita ko ang itsura nito, at napanganga ako sa nakita kong awra nito.

Napakakisig at sobrang gwapo. Kaya lang may pagkabakla. Bakit may dala siyang notebook? Sa dilim siya nagsusulat? Tanong ko sa isipan ko.

Nilampasan niya kami at napatingin na lang si Mark. Mukhang hindi naman lalaban ang lalaking iyon kasi hindi niya sinagot si Mark ng pabalang.

Habol tingin naman ako sa kanya.

"Tsk! Abala rin ang isang iyon eh." Inis na wika ni Mark.

Kahit ako ay hindi na rin nakapagsalita. Akala ko kasi ay kilala niya ang lalaki. Pero napagalaman ko na hindi pala, kaya nagkibit balikat na lang din ako.

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon