#THREE_RULES
CHAPTER 22
NAGISING akong medyo maayos na ulit ang pakiramdam. Pero nanghihina pa ako at medyo nangingimi ang leeg ko.
Minulat ko ang mata ko, at nasilayan ko ang maamong mukha na mahimbing na natutulog na si Mr. Weirdo, naalala ko na nanaginip pala ako at sinabi ko na huwag niya akong iwan. Kaya heto, katabi ko siya ngayon at nakayakap ako sa kanya.
Hmmmm ang sarap ng feeling paggigising ka sa umagang ganito kagwapo ang masisilayan mo. Hehehe. Pakurap-kurap ako at pinagsasamantalahan ko ang tulog na si Mr. Weirdo, iniisa-isa ko ang bawat sulok nang mukha niya; matangos na ilong, mapulang labing natural, matang katamtaman ang laki, at ang mas nakakaakit sa kanya. Yung amoy niyang napakabango. Ang sarap-sarap dito sa dibdib niya,
Naglakas loob akong hawakan siya sa pisngi na animo'y kutis babae. Napakakinis at wala malang makikitang pimples o blackheads. Ano kaya gamit niya? Nageeskinol kaya siya o papaya soap. Hehehe
Akmang kakapitan ko na ang pisngi niya nang maramdaman ko ang unti-unti niyang paggising. Nagmulat ito nang mata at nagkatitigan kami.
"Good morning Doktor Weirdo," bati ko sa kanya na nakangiti pa. Halos iisang dangkal ang layo nang aming mukha. At hindi manlang ako nakaramdam nang hiya nang magising ito at mabungaran ang mukha ko.
"Aray ko, ang sakit nang braso ko. Bumangon ka na at nangangalay ang bisig ko." Anito na kumunot pa ang noo.
Agad naman akong nataranta sa pagbangon, nakaunan pala ako sa kanya. Mukhang nahirapan pa siya sa akin. Umupo ako sa kama habang si Mr. Weirdo ay minamasahe ang kanyang bisig.
"Ang bigat ng ulo mo ginawa mo pang unan," maktol nito
"Sorry huh, akala ko kasi unan. Kaya pala medyo mangalay ang leeg ko. Ang tigas ng kamay mo parang bato." Sabi ko sabay masahe naman ng leeg ko.
"Ikaw pa talaga ang nagreklamo. Ako na nga itong nangalay, tsk!" Bumango ito at pinaikotikot sa ere ang kanyang kamay para mabatak at paputukin.
"Natulog ka katabi ko? Tapos nakayakap ka pa sa akin? Oh my gosh!" alaala ay gulat na gulat ako.
"Miss, correction huh, ikaw ang nakayakap sa akin. At hindi ako dapat matutulog sa tabi mo. Ikaw lang ang nagpilit sa akin. Ganyan ka siguro, kapag nagkakasakit kung sino-sino na lang ang naiisipan mong tumabi sa'yo." Anito na nagsisimula na namang tarayan ako.
"Anong kung sino-sino? Napakajudge mental mo talaga, pero ang sweet mo pala Mr. Weirdo huh, hindi mo ako iniwan. Yiiieeee thank you dok," pang-aasar ko sa kanya.
"Tsk, bahala ka nga diyan. Kung ano-ano na naman ang sinasabi mo. Porke magaling ka na!" Anito sabay alis sa harapan ko.
"Hey Mr. Weirdo, nagugutom na ako pakitimpla naman ako nang kape pls, and make it sure na hindi salt ang ilalagay mong sugar ha. Thank you sweet doktor," malambing kong sabi bago ito pailing-iling na umalis sa kuwarto.
Napangiti na lang ako. Ang sarap asarin nung taong iyon. Masyadong pikunin at napakasungit.
Medyo sinat na lang naman ang sakit ko. Nakatulong siguro ang pagyakap ko kay Mr. Weirdo, nakatulog ako nang mahimbing at nakapagpahinga ako nang maayos. Naiingayan kasi ako sa ingay ng ulan, pero nang makatabi ko si Mr. Weirdo, nawala ang pangamba ko na baka bangungutin ulit ako.
Hindi naman ako nabigo, imbis na black coffee ang dalahin niya sa akin ay gatas ang tinimpla niya.
"Bakit gatas? Anong palagay mo sa akin baby?" tanong ko sa kanya.
"Milk, kasi masustansya iyan sa may sakit. Mas babalik ang lakas mo kung gatas ang iinumin mo at hindi kape. Inumin mo iyan at uminom ka ulit nang gamot, gusto mo ba ng lugaw?" tanong nito sa akin,
"Lugaw? Saan ka kukuha nang lugaw?" takang tanong ko rin sa kanya.
"Magluluto ako," maikling tugon nito.
"Wow, ang sweet naman ni Dok Weirdo, yiiieee sige ipagluto mo ako dok," nakangisi kong sagot.
Kunot noo namang sumagot ito.
"Para kang bata, ang OA mo!" anito na parang naiinis sa pangaasar ko.
"Hindi lang ako sanay na ganyan ka sa akin Dok, bakit bigla kang bumait sa akin?" nakangisi kong tanong.
"Para gumaling ka na, at makaalis ka na rito sa bahay ko! Tsk! Pahirap ka e at abala na rin." Sabi nito,
"Aray ang sakit mong makapagsalita dok,"
Kala ko pa naman sinapian na siya nang Anghel. Yun pala, huhuhu gusto na niya akong umalis. Pero okey lang atleast makakauwe na ako. Pero—nageenjoy pa ako rito e, kasama si Mr. Weirdo.
To be Continue...
BINABASA MO ANG
Three Rules (Completed)
Любовные романы"Kung ayaw mong masaktan, sundin mo ang gusto ko! Kiss me!" utos ko sa nakamaang na si Herbert. Ella Sandoval, anak ng isang sikat na designer ng bansa. Ngunit hindi siya laki sa luho, dahil bata pa lang ay nawalay na siya sa kanyang mga magulang. H...
