Chapter 36

3.2K 63 0
                                    

#Three_Rules

Chapter 36

"He-herbert, may tao!" bulong ko kay Herbert na para bang hindi niya naririnig na may tao sa baba.

"Hayaan mo siya..." tugon nito na patuloy pa rin ang ginagawang paghalik sa leeg ko at panay ang himas sa pagkababae ko.

"Ha? Teka lang... baka importante iyon." Pigil ko sa kanya sabay bahagyang itinulak ko siya.

"Shit naman oh! Istorbo!" inis na turan nito bago nahilata sa kama.

"Ano kaba," natatawa kong sabi bago inayos ang damit ko at short. Tumayo ako para tingnan ang tao sa baba.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Herbert,

"Malamang sa baba, titingnan ko kung sino 'yon." Sagot ko,

"Ako na! At susuntukin ko 'yang abalang 'yan." Tumayo si Herbert at naglakad palabas ng kuwarto. Hinawakan ko naman siya sa kamay.

"Anong susuntukin? Para kang baliw," aniya.

Pero nakabusangot pa rin ito.

"Sige na titingnan ko kung sino," ani Herbert bago nagpatiunan ng naglakad. Sumunod naman ako sa kanya.

Nakangiti pa ako dahil sa nangyari. Umiinit tuloy ulo ni Herbert dahil sa nabitin ang dapat mangyayari.

Padabog na bumaba ito ng hagdan at nagtuloy-tuloy sa paglalakad sa pinto. Binuksan iyon ng maluwang at iniluwa ng pintuan ang awra ni...

"Magandang gabi, narito ba si... Babe!" bulalas ni Mark matapos akong masilayan sa likuran ni Herbert,

"Mark?!" gulat na gulat ako sa aming panauhin.

Naglakad si Mark palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry babe, medyo natagalan ako dahil sa nahirapan akong humanap ng maaaarkilang helicopter. Halika na uuwe na tayo," akit sa akin ni Mark.

"Mark," naibulalas ko sa kabila ng mga sinabi niya. Napatingin ako kay Herbert, at nakita ko ang mata nitong nalungkot. Tumungo ito bago naglakad papasok sa loob ng kuwarto.

Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan at hapdi ng makita ko ang itsura ni Herbert na nasasaktan.

"Babe, halikana uuwe na tayo ngayon din." Nakangiting akit sa akin ni Mark.

"Ah... E... Sige hintayin mo ako sa labas at aayusin ko lang ang mga dala ko." Paalam ko kay Mark. Tumango naman ito at bago tumalikod ay hinalikan muna ako sa noo.

"Bilisan mo babe, sa labas na lang kita hihintayin." Wika nito bago lumabas sa bahay.

Nakaramdam ako ng lungkot. Nabigla ako ng makita ko si Mark. At naawa ako ng makita kong nalungkot si Herbert. Ano ba itong nararamdaman ko?

Inayos ko na ang mga damit kong kakaunti. Nakasakay naman kami sa helicopter kaya hindi na ako nagpalit ng suot.

Pagbaba ko ng hagdan, napatingin ako sa kuwarto ni Herbert. Parang nasasaktan ako ngayon na aalis na ako.

Lumapit ako sa pinto at marahang binuksan iyon. Hindi na ako kumatok, dahil sana'y na naman ako kay Herbert.

Nakita kong nakaupo si Herbert sa kanyang kama. At nakita ko ang malungkot na mukha nito na nakatitig sa kawalan.

Nang mabuksan ko ang pinto ay napatingin ito sa akin. At bumaba ang tingin nito sa paper bag na dala ko; ang kaunti kong damit na binili niya.

"Ahmm... Herbert, magpapaalam lang sana ako." Mabigat sa damdamin kong wika kay Herbert.

Tumingin lang ito sa akin, bago tumungo.

Lumapit ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko yakapin siya bago ako umalis.

Pasunggab ko siyang niyakap. "Salamat sa lahat Herbert," naiiyak kong paalam sa kanya.

Tumayo si Herbert, para hindi ako mahirapan na yakapin siya. Wala itong kaimik-imik nang lumuluha na ako sa dibdib niya.

"Herbert..." bulong ko, habang naiyak ako sa dibdib niya, niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Bago ako bumuntong hininga at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

Tumalikod ako para umalis na. Ngunit sa pagtalikod ko ay hinawakan ako ni Herbert sa bisig. Hinarap ako sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. Matapos akong yakapin ay binitawan niya ako. At nilusob ng labi niya ang labi ko na kanina pa naghihintay ng matamis niyang halik. Napapikit ako sa kabila ng paghalik niya sa akin. Ang halik ni Herbert ay nagmistulang mabagsik. Pinararamdam niya sa akin kung gano niya ako kamahal.

Kaya naman mas lalo akong nahihirapan na umalis.

Matapos ang halikan namin ay huminto ito. Itinuon ang noo sa noo ko, "Ella, huwag ka nang umalis please..." pakiusap nito sa akin.

Kaya naman naluha ako. At mariing pumikit, " I'm sorry Herbert, pero hindi tayo ang para sa isa't isa." Sabi ko na parang kinurot ang puso ko.

Sinabi ko ang salitang iyon na labag sa damdamin ko. Parang pinipiga ang puso ko habang si Herbert ay naluha sa sinabi ko.

Hinawakan ko ang kamay pisngi niya. At sa huling pagkakataon ay nagiwan ako ng matamis na halik.

"Paalam Herbert..." aniya sabay bitaw ko kay Herbert at tuluyan na akong umalis sa kuwarto niya. Naiwang mag isa si Herbert sa loob ng kuwarto. Sa madilim na kuwartong iyon ay mas lalo pang dumilim nang pabagsak na naupo si Herbert sa kama. Nakakuyom ang palad at may luha sa mata.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon