Chapter 16

3.9K 74 2
                                    

#THREE_RULES

SINISID ni Herbert ang dagat, kinakabahan na siya ng hindi niya makita ang babae. Napalingo-lingon siya kung may babae bang nakalutang sa dagat, suguradong wala na 'yung malay dahil matagal din akong hindi sumilip sa kanya.

Hanggang sa makita ko sa aplaya ito. Humahagalpak ng tawa habang hawak-hawak ang tiyan. Nananakit na yata ang tiyan kakatawa.

Sa inis ko ay umahon ako ng tubig at hinarap ko siya.

"Are you insane? Ang lakas din nang tama mo ano!" bulyaw nito sa akin.

"Bakit na naman?" tanong ko habang natawa pa rin, "hindi mo naman sinabi na gusto mo akong samahang maligo. Puwede naman e, total basa ka na samahan mo na ako." Pang-aasar ko pa sa kanya.

Nag-arko ang kilay nito at matalas na tumingin sa akin,

"Umalis ka na!" singhal nito sa akin,

"Yun... Bibigyan mo na ako ng pamasahe?" nakangiting tanong ko.

"No! Maglakad ka at umalis ka na!" anito sabay seryosong tumalikod sa akin.

"Wow huh, kung ganoon nga kadali iyon nagawa ko na. Ayaw mo akong bigyan ng pamasahe dahil siguro gusto mo akong magtagal dito no?" pahabol ko pa sa kanya, pero hindi na niya ako pinansin.

"Grabe, ang tibay rin ng lalaking iyon. Napakadamot sa pera, isusumbong ko talaga siya sa may-ari ng bahay. Ipapatanggal ko siya sa trabaho niya. Ang bad niya sa akin, huhuhu." Pagmamaktol ko sabay sipa sa buhangin,

Sablay pa rin ang ginawa ko.

Umuwe na ako para sa banyo na mismo ako maligo. Ayokong mangitim kaya bago pa sumikat ang araw ay pumasok na ako sa loob.

Matapos kong maligo ay nag-isip ulit ako ng bagong tricks na gagawin ko. Nag-upo ako sa sofa at doon pinagana ang isip, napansin ko na may radyo roon. Napangiti ako sa naisip ko, tumayo ako para buksan iyon. Pinaikot ko ang volume sa pinakamalakas na tunog. Dumagundong ang tunog sa buong kabahayan, at doon ako nagsayaw sayaw na parang baliw.

"Yeah, whoouu, party-party!" sigaw ko,
Maya-maya pa ay lumabas si Herbert sa kuwarto niya. Nakaarko na naman ang kilay nito at galit na galit na pinatay ang radyo.

"Ano ka ba? Nagpaparty-party ako rito e!" sabi ko na lalo niyang kinairita. Nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay at tinaas iyon.

"Ano ba ang problema mo at talagang inuubos mo ang pasensya ko?" Singhal sa akin ni Herbert,

"Problema ko? Pamasahe, bigyan mo na kasi ako!" nagpapaawa kong sabi.

Nakita ko sa mata nito ang kakaibang galit. Mula sa mata nito ay nakita ko sa malapitan ang maamo niyang mata. May malambot na labi na may hugis baak sa ilalim nang labi. Maging ang ilong nito ay may katamtamang tangos lang. Para akong naistatwa sa nasilayan ko. Hindi ako napakurap sa malapitang paghaharap namin nang misteryosong lalaki.

Maging ito ay napahinto rin sa ginawa. Unti-unti niya akong binitawan at umiwas nang tingin sa akin. Kagaya ng naramdaman ko, para kaming napaso sa isa't-isa, lumakas ang kaba ng puso at maging ang paghinga ko ay parang kinakapos.

"Sorry," ani Herbert na tuluyan nang tumalikod sa akin. Pumasok sa kwarto at hindi na nagpakalabas-labas.

Bakit ganoon? Ang gwapo niya pagnagagalit?

Napangiti na lang ako sa kasutilan ko.

Bago magtanghali ay lumabas muli si Herbert para magluto nang makakain. Mukhang hindi ito kumain ng almusal e, nagtaka ito na may nakahanda na sa lamesa.

Natulala ito saglit at pakurap-kurap na napatingin sa akin na nakatalikod sa lababo at inaayos ko ang ginawa kong kape para sa kanya.

Pagharap ko ay nakita ko ang mukha nitong takang-taka.

"Hey... Nandiyan ka na pala, let's eat habang mainit pa ang pagkain." Aniya na nakangiti pa at inayos na ang pinggan sa lamesa.

"What are you doing?" tanong nito,

"Are you blind? Hindi mo ba nakitang nagluto ako at ngayon ay handa na ang pagkain, halika na kumain ka na." pagaakit ko sa kanya.

Kahit nagtataka ito ay umupo na rin, hindi siya sana'y na may babaeng nagsisilbe sa kanya. Ano naman kaya ang nakain ng babaeng ito at ganito ang kinikilos. Siguro may balak na naman siya sa akin,

"Oh shit!" Napatayo itong bigla at tinitigan ako nang masama.

"Oh, bakit?" takang tanong ko.

"May lason ang pagkain no? Lalasunin mo ako! Papatayin mo ako!" singhal nito sa akin.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon