Chapter 30

3.4K 59 0
                                    

#Three_Rules

Chapter 30

          "Tsk! Paano naman ako makakatulog kung bulong ka ng bulong diyan!" inis na sabi nito,

"Ipikit mo ang mata mo malamang. Sige na lalabas na ako, lalangawin ang pagkain ko sa labas." Aniya sabay tanggal ng kamay na nakapulupot sa bewang ko.

Pero binalik lang ulit nito ang kamay at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap.

"Hala! Grabe 'to, balak yata akong gawing nanay. O sige na tulog na baby." Aniya sabay palo palo sa puwetan ni Herbert.

"Huwag mo akong paluin, nasusuka ako." Angal nito,

"E 'di matulog ka na!" utos ko sa kanya.

Natulog na nga ito, habang yakap yakap ako na akala mo'y may relasyon kami.

"Teka, lasing kaya ito o naglalasing lasingan lang para gawin akong taga alaga niya. Hmmmm... pero okey lang, pag ganito naman kagwapo ang aalagaan mo, kahit na magkandakuba ka sa pag-aalaga ay ayos lang." Nakangisi kong sabi sa sarili ko,

Napansin kong ngumiti ito habang nakapikit. Mukhang nakikinig ito sa sinasabi ko.

Hindi naman ako masyadong gutom kaya natulog na lang din ako katabi niya. 

Ang sarap talagang matulog kapag may katabi ka. Lalo na at ang bango-bango ng katawan,amoy baby..."

Ilang oras bago ako naalipungatan. Tulog na tulog na si Herbert, bumangon ako para ayusin ang naiwang pagkain sa kusina. Bago ako muling bumalik sa kuwarto niya.

Tinitigan ang maamong mukha.

"Sayang Herbert, gwapo ka at kahit na masungit ka, hindi pa rin kita puwedeng mahalin. Nakatakda lang ang puso ko sa lalaking mag-aangat sa aking buhay at si Mark iyon," malungkot na kinakausap ko ang sarili ko.

Malungkot na tumalikod ako bago umakyat sa taas kung saan dapat akong matulog.

Habang nasa higaan, nakatitig ako sa kisame.

"Hindi ako mag-aasawa ng mahirap, ayokong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko noong bata pa ako. Ayokong manahin niya ang kamalasan ko. Hinding-hindi ko iiwanan ang anak ko, katulad ng ginawa ng mga magulang ko." Nangilid ang luha ko sa mata, naalala ang nakalipas...

Ang nakalipas nang malaman kong hindi pala ako tunay na anak ng magulang ko kaya ayaw nila akong pag-aralin. Ginawa akong katulong na wala namang sahod. Pero masaya pa rin ako, dahil lumaki akong maganda, kahit na papaano nagagamit ko ito para mahalin ako ng iba. Katulad ng boyfriend ko ngayon.

Nakatulog na rin ako sa pag-iisip habang may luha pa sa pisngi. Hindi ko namalayan na nakakapagod din palang umiyak.

Kinabukasan;

Nagising si Herbert na masakit ang ulo. Napangiwi ito habang hawak hawak niya ang noo niya.

"Uhhh! Ang sakit ng ulo ko!" Habang hawak ang ulo ay pinilit na makaupo sa kama.

"Good morning lasinggero," bati ko sa kanya.

Napalingon naman ito sa akin, at inisnaban ako.

"Wow! Ngayon pa isnob isnob ka na! Matapos mong pagnasaan ako kagabi... matapos mong yurakan ang pagkatao ko... kinuha mo na sa akin ang lahat at walang tinira! Tapos—"

"Ano bang pinagsasabi mo?" inis nitong sabi,

"He-he-he. Joke lang naman, ikaw naman hindi ka na mabiro. Gusto mo ba ng kape? Gatas o ako?" nakangisi kong tanong,

"Wala," mabilis nitong tugon sabay tayo at nahihilo pang naglakad.

"O... kaya mo na ba? O hanggang ngayon lasing ka pa?" paninigurado kong tanong,

"Kaya ko,"

"Okey sige," aniya sabay labas ng kuwarto.

"Saan ka pupunta? Pahabol na tanong nito sa akin,"

"Sa puso mo... yieeee," asar ko sa kanya.

Ang seryoso nitong mukha ay biglang nag-iba. Natatawa ito na pinipigilan naman niya.

"Kinikilig ka ba sa akin?" may kayabangan kong tanong,

"What? Ano bang pinagsasabi mo diyan. Namimihasa ka yata na asar asarin ako." Wika nito sabay lapit sa cabinet at kinuha ang bagong labang tuwalya.

"Liligo ka ba lasinggero?" tanong ko,

"Bakit?"

"Sasabay sana ako, para may tagahilod ka." Muli kong pangaasar sa kanya.

"Tsk! Wala ka talagang magandang sasabihin." Anito sabay alis sa harapan ko at tuloy-tuloy ng pumasok sa banyo.

Grabe ang isang iyon, akala ko magiging mabait na siya sa akin. Yun pala paglasing lang siya mabait. Huhuhu.

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon