Chapter One

16.9K 220 0
                                    

"Bruha ka! Ano ba 'yang suot mo at labas na ang singit mo? Gusto mo bang mabastos ka na naman diyan sa suot mo?" Taas kilay na sita ni Venus, ang kaibigan ko na nakasama ko na simula ng ako ay mapadpad sa Maynila.

"Ano ka ba! Palibhasa hindi ka nalabas, hindi mo tuloy nakikita na uso itong suot ko." Pagyayabang ko habang sinisipat sa salamin ang aking magandang hubog nang katawan.

"Uso? Uso na ba ngayon 'yung ibilad mo ang katawan mo sa mga makasalanang mata?" Nawiwirduhang tanong ni Venus,

"Hahaha. Bahala ka nga diyan, basta ako lalabas na ako kasi may kadate ako ngayon. Baka inaantay na ako ni Mark sa labas." Aniya sabay muling sinipat ang kilay at lipstick na pulang-pula.

"Oh! Sino na naman 'yan? Baka mamaya niyan ay maging dahilan na naman iyan ng away ha." Anito na nakadekwatro pa sa pagkakaupo sa sofa.

"Don't worry friend, i can manage myself. Anyways, goodbye! At inaantay na ako ng prince charming ko." Paalam ko sabay kuha ng bag na maliit at sinabit ko na sa balikat ko.

Ganoon lang ang ginagawa ko, nakikipagboyfriend ako sa mayayaman para makuha ko ang gusto kong mga bagay. Wala namang hinihinging kapalit kung hindi ang makipagdate lang ako sa kanila.

Pero this time, isasama ako ni Mark sa pamilya niya. May reunion daw kasi sila at wala siyang maisama na kadate.

Ilang buwan na rin ng makilala ko si Mark, isa itong model. Sa daming tagahanga niya ay wala manlang siyang natipuan kahit isa. Tanging ako lang daw ang napansin niya, kaya naman ako ang sinama niya sa reunion kahit hindi naman talaga kami seryoso sa relasyon.

Paglabas ko ng makipot na daan sa aming tinitirahan na squatter ay natanaw ko na ang sasakyan ni Mark, nakasuot ito ng tshirt na red at fitted ang kanyang maong na pantalon. Napakagaling talaga niyang pumorma. Palibhasa ay model siya kaya malakas ang dating sa kababaihan.

Nasa malayo pa lang ako ay nakangiti na agad ito sa akin. At nang makalapit na ako ay nakita ko na ang malaadonis nitong mukha.

"Hi, kanina ka pa ba?" nakangiti kong tanong.

"No, actually kararating ko lang. Ang ganda mo sa suot mong iyan Ella, bagay na bagay sa 'yo. Tara na," anito sabay bukas ng pinto at inalalayan akong makapasok sa loob ng kotse.

Ngumiti naman ako bilang tugon sa papuri niya. Pagpasok ko sa loob ng kotse ay naamoy ko ang malaaromang pabango. Napakagalante talaga nitong si Mark, hindi ko lubos maisip na makikilala ko itong lalaking ito. Tiba-tiba ako kung nagkataon.Iyan ang tumatakbo sa isip ko nang mga oras na iyon,

Hindi ko man sabihin pero ganoon talaga ang pananaw ko sa buhay. Walang pag-ibig sa taong walang pera and that is my first rules.

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon