Chapter 34

3.2K 59 0
                                    

#Three_Rules

Chapter 34

         "Puwede ba itago mo 'yang dibdib mo. Huwag mong ibilad na parang isda!" iritang wika ni Herbert.

"Aba't... bakit ba ang taray mo huh? Kung naiinggit ka sa dibdib ko magpagawa ka ng sa 'yo!" inis na ganti ko sa kanya.

"Ano?"

"Ewan! Maglaway ka, basta hindi ako magpapalit ng damit." Tumayo ako at dumaan sa harapan niya, itinulak ko pa siya para makaraan ako ng maayos. Napaatras naman ito sa ginawa ko.

"Ano ba!" inis na turan ni Herbert,

"Nakaharang ka e, alam mong daraan ang sexy e!" pangaasar ko pa sa kanya.

"Tsk! Ang laki kaya ng daan!" pailing-iling ito na naglakad papuntang kusina at inunahan pa ako.

"E, gusto kong dumaan sa 'yo e!" Tumakbo ako para makipagunahan sa kanya. Humarang ako sa daan kung saan siya pupunta— sa ref.

"Nangaasar ka ba?" tanong ni Herbert, "look, kukuha ako ng maiinom. Puwede bang umalis ka riyan?" nakakunot noong wika ni Herbert,

"No!" Sabay bukas ng ref at alaala ay may hinahanap ako.

Naghintay naman itong matapos ako. At hindi na lang umimik. Pero dahil sa kalokohan ko mas lalo ko pangtinagalan.

"Balak mo bang tumira sa ref? Ano bang hinahanap mo ha?!" inis na tanong nito.

"Yung puso mo hinahanap ko, pero mukhang wala rito e. Parang nasa—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang akong hilahin ni Herbert sa bisig kaya naman napaharap ako sa kanya.

"Iniinis mo ba talaga ako?" inis na tanong nito na nanlilisik na ang mata.

Ngumisi ako sabay nagpacute ng mata.

"He-he-he. Hindi naman... ikaw kaya ang nauna, pinansin mo ang suot ko." Nanlalaki ang ilong na sabi ko.

"Para kang bata, tabi riyan!" Tinulak ako nito at napaatras naman ako ng bahagya.

"Aray!" sigaw ko kahit hindi naman talaga ako nasaktan.

Napatingin sa akin si Herbert, pero ng makitang hindi naman ako nasaktan ay mas lalong nainis ito.

"Alam mo... naiinis na ako sa 'yo!" gigil na sabi nito sabay hilang muli sa kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

Napayakap naman ako sa kanya kasabay ng pagsubsub ng mukha ko sa dibdib niya. Napatingala ako sa kanya at natameme ako ng makita kong nanlilisik ang mata nitong nakatitig sa akin.

"A-anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong.

Imbis na magsalita ay tumitig 'to sa labi ko. Nakita ko pa ang paglumod ng laway nito.

"A-ano... k-kasi... H-herbert h-huwag mong gawin 'to." Nauutal na paos kong boses.

Ang lakas nang kaba ko sa dibdib, maging ang init na nanggagaling sa pinsgi ko ay hindi ko mapaliwanag.

"Sabi mo kanina, boyfriend mo ako! Sinundan mo pa ng sinigaw mong mahal mo ako. Tapos ngayon, inaakit mo pa ako riyan sa katawan mo! Ano ba talagang gusto mong maramdaman ko ha Ella?" Seryosong tanong nito sa akin, habang yakap-yakap pa rin niya ako at nakapulupot na ang kamay nito sa aking bewang.

Hindi ako makapagsalita, lalong lalo na ngayon na halos iisang dangkal lang ang layo ng mukha niya sa akin.

Ano bang dapat kong isagot?

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon