Chapter 18

3.7K 64 1
                                        

#THREE_RULES

Chapter 18

            Tok! Tok! Tok!
Sunod-sunod na katok ang ginawa ko mula sa labas ng pintuan ni Mr. Weirdo, dahan-dahan itong bumukas. Isang seryosong mukha ang dumungaw.

"What do you need?" tanong ni Herbert,

"A, e, i need you—este 'yung t-shirt mo ba may kasya sa akin? Baka p'wede mo akong pahiramin. Nang malabhan ko na 'tong suot ko kahapon pa." Nakangising sabi ko,

Sinipat niya ang katawan ko mula dibdib hanggang paa.
Agad naman akong naalerto. Tinakluban ko ang dibdib ko.

"Oh my gosh! Don't me!" aniya na parang natatakot na.

"Tsk! Ano bang pinagsasasabi mo? Wait me here, kukuha ako sa cabinet ko." Anito na sinukat lang pala ang katawan ko para malaman niya ang size.

Napangiti na lang ako sa ginawa ko. Sinisilip ko siya kasi nakaawang naman ang pinto. Hahakbang sana ako papasok nang bigla na lang itong umimik.

"Huwag kang pumasok, hintayin mo lang ako diyan." Seryosong sabi nito.

Nakikiramdam pala ang loko. Alam na alam agad ang balak ko.

"Tsk, kala mo naman marurumihan ang sahig mo! Kala mo naman rereypin kita, duh! Di ako pumapatol sa bakla." Sabi ko sabay isnob.

Hindi naman ito umimik.  Kumuha ng dalawang t-shirt at panjama sabay abot sa akin.

"Oh, iyo na 'yan!" wika nito.

"Wow huh, makabigay ng gamit. Mayaman lang kuya? Mayaman?" pangaasar ko pa, "Anyways, gusto ko sanang umakyat sa taas. Okey lang ba? Gusto kong makita ang taas e." Pagpapaalam ko.

"Bahala ka, basta huwag ka lang magnanakaw." Anito sabay sara ng pinto.

"Aba't—bwisit talaga ang lalaking iyon magnanakaw bagang!" Padabog-dabog akong umalis sa harapan ng pintuan. Pumunta ng CR at naligo.

Kailan kaya ako makakauwe? Sabagay parang maganda naman dito sa lugar, kaya lang may asungot.
Bakit kaya mas gusto niyang magkulong sa kwarto kesa lumabas? Ano bang ginagawa niya roon at nakakatiis siyang hindi lumabas.  Ang weird talaga ng taong iyon.

Matapos kong maligo ay nagpasya akong umakyat sa second floor. Medyo madilim sa taas at nakakapanindig balahibo. Kaya pala yung nasa baba ang piniling kwarto nung taong iyon. Dahil masyadong creepy rito sa taas. Hindi pa ako nakakakalhati ng hagdan ay parang nagtataasan na ang balahibo ko. Napatigil ako sa paghakbang at huminga ng malalim.

"Kaya ko 'to!" sabi ko sa sarili ko bago tuluyan ng humakbang. Nakarating ako sa taas, may kadiliman ang lugar pero malinis. Hindi iisipin na pinabayaan dahil wala kang makikitang agiw man lang o alikabok.

Pagdating sa may harapan ng malaking pinto ay binuksan ko iyon. Unti-unting umawang ang pintuan at nakita ko ang kabuoan ng kwarto.

"Wow! Ang ganda ng kwarto. Animo'y parang nasa palasyo ang pagkakaayos ng kwarto. May kurtina sa higaan na nagsisilbing pangprinsesa ang may ari.

Lumapit ako sa kama at doon sumalampak ng higa.

"Whouuuu... Sobrang lambot nang kama, ang sarap matulog dito." Pumikit pa ako habang nakahiga. Pinifeel ko ang pagkakalapat ng likuran ko sa malambot na kama ng bigla na lang magsara ng malakas ang pinto.

Napabalikwas ako ng bangon.

"Shit! Ano yun?!" gulat na gulat kong tanong sa sarili ko. Nakita kong nakasara ang pintuan, nagtaasan ang balahibo ko at napatayo akong bigla.

"Wahhhhhhhh! Tulong! Tulong!" Sigaw ko habang patakbo kong nilapitan ang pintuan. Ayaw noong magbukas na para bang naglock ang doorknob. Mas lalo akong kinabahan at natakot kaya nagsisigaw ako hanggang sa makakaya kong ilabas lahat ng boses ko.

"Ayoko na! Tulong! Tulong!" hampas-hampas ko ang pintuan dahil sa takot.

Nang bigla na lang magbukas ito at nabungaran ko si Mr. Weirdo na nasa labas ng pinto.

Agad akong napayakap sa kanya dahil sa sobrang takot ko. Nag-iiyak ako sa dibdib niya habang nakayakap.

"What happen to you?" tanong nito na nakatawa pa.

"May multo sa loob, huhuhu." Kabado kong sagot.

Hindi ko na naisip na nakayakap ako nang mahigpit kay Mr. Weirdo, ang alam ko lang takot na takot ako.

Pero nararamdaman ko na pinipigilan nito ang tawa.
Kaya nagtaka ako at iniaangat ang mukha. Nakita ko ang namumula niyang mukha dahil sa pinipigilang tawa.

"What the—pinagtripan mo ako?!" hasik na tanong ko sa kanya.

"Hahaha. No, i mean hindi ko naman alam na masyado kang matatakutin." Sabi nito na lalong nakapagpainit ng ulo ko.

"Walangya ka!" Hinampas hampas ko siya sa dibdib habang sinasalag naman niya ito ng kamay.

"Hey stop it!" anito na nakatawa pa.

"Ang salbahe mo! Ang bad mo talaga, kabwisit ka!" singhal ko sa kanya sabay padabog na umalis sa harapan niya at bumaba na nang hagdan.

To be continued...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon