#THREE_RULES
Kakaayos ko sa sarili ko, nahuli na ako sa event na pupuntahan ko. Galit na galit na si Kathy, ang pinakanamumuno sa pag-oorganize nang event.
"Ano ka ba naman Ella! Extra mo na nga lang ito eh palagi ka pang nahuhuli sa oras. Huwag ka na lang kaya magtrabaho. Mukhang hindi mo naman mahal ang trabaho mo rito eh," iritang sabi ni Ma'am Kathy.
"Sorry na po, traffic kasi e," nakangisi kong sabi sabay kuha sa mga bulaklak na iaarange.
"Ewan ko sa 'yo, nahihighblood ako sa 'yo pati ako napapagalitan e. Ang bagal daw nating kumilos, alas-tress nang hapon ang simula ng event. Siguradong kakapusin tayo ng oras dito." Anito na kinakabahan sa kakulangan nang tauhan.
"Okey lang iyan Ma'am, kaya natin 'yan tiwala lang." Aniya na pinalalakas ko ang loob ni Ma'am Kathy.
Habang busy ako sa pagaayos ng mga display.
May isang pamilyar na boses na tumawag sa akin.
"Ella?" tawag nito,
Napalingon naman ako at napamaang,
"J-Jheza!" bulalas ko nang makita ko ang babaeng girlfriend ni Ron,
Ngumisi ito sa akin at sinipat ang itsura ko.
"Teka, kahapon lang e nakapusturang mayaman ka ah. What happen? Nagtanggal ka na ba nang sapatos mo, like cinderella?" Wika nito na parang nangaasar pa.
"Ha? Excuse me?" Naiinis kong tanong, hindi ko kasi nagustuhan ang pagkakasalita niya. Pakiramdam ko e, nilalait niya ako.
"Oh, im sorry Ella, akala ko kasi mayaman ka. Kaya napaisip lang ako kung bakit nagtratrabaho ka as organizer." Taas kilay pa nitong sabi,
"Miss Jheza, im sorry kung nagsinungaling ako sa trabaho ko. Alam naman ni Mark ang totoo, at iyon ang mahalaga." Pagtatanggol ko sa sarili ko,
"Hahaha. Oh, I'm sorry kung na offend kita, hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Actually, hindi rin naman ako naniniwala na mayaman ka talaga, because... Base on your replection, isa ka lang din sa mga babaeng mapangpanggap, nagpapanggap kayong kalevel naming mayayaman, ofcourse halata naman namin iyon kasi katulad mo, malakas din akong makaamoy ng taong nagpapanggap lang. Anyways, naiintindihan kita. Maybe nagawa mo lang iyon para matanggap ka nang parents ni Mark, pero pinapayuhan na kita, huwag kang maging kampante. Lalo na at matalino ang mga mayayayaman. Maaamoy nila ang umaalingasaw na lansa ng isang basura kapag nakapasok ito sa malinis na pamamahay nila. Did you get it?" mataray na salaysay nito.
Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang may tumawag sa akin.
"Ella, pakitulungan mo saglit si Alex sa likuran. Hindi niya maayos ang kurtina na mag-isa." Utos ni Ma'am Kathy,
Napatingin na lang ako kay Jheza, na nakangisi pa dahil wala akong masagot sa sinabi niya.
Ano bang laban ko, baka pagsumagot ako. Malaman pa ni Ma'am Kathy, matanggal na naman ako sa trabaho.
Bakit kaya sa lawak ng mundo. Kung sino pa 'yung ayaw mong makita, siya pa ang nakakasalamuha mo. Nakakabadtrip nang araw ang mga assumera ng taon. Sana huwag siyang paharang-harang sa daraanan ko, kasi nakakaalibadbad ang mukha niyang feeling mabait kapag nandiyan ang boyfriend pero pag wala,may tinatago palang lagim.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Three Rules (Completed)
Romance"Kung ayaw mong masaktan, sundin mo ang gusto ko! Kiss me!" utos ko sa nakamaang na si Herbert. Ella Sandoval, anak ng isang sikat na designer ng bansa. Ngunit hindi siya laki sa luho, dahil bata pa lang ay nawalay na siya sa kanyang mga magulang. H...
