Chapter 13

4.2K 66 0
                                    

#THREE_RULES

Teka lang nananaginip ba ko? Totoo ba ito? Bakit nandito rin ang lalaking ito. Hindi kaya-

"Sinusundan mo ba ako ha?!" may katarayan kung tanong.

"What? Are you insane? Bakit naman kita susundan? And for all you know Miss, tresspasing ka!" may pagkasuplado namang sagot nito.

"Ako? Tresspasing? Hooooyyyy! For your information ikaw ang tresspasing, anong ginagawa mo rito huh? Nakita lang bukas ang pinto pumasok kana!" taas kilay kong sabi sa kanya. Pero ang totoo, ako rin ay pumasok dahil bukas ang pintuan.

"Excuse me miss, sino ka ba?" tanong nito,

"Ako lang naman si Ella, ang pinakaganda sa balat nang lupa. Bakit magpapaautograph ka ba? Wala akong time, pwede ba! Tsupe! Baka mamaya e makita ka pa ng may-ari nang bahay rito. Sabihin na may kasama akong holdaper." Aniya na niloloko lang niya ang lalaki, hindi kasi ito mukhang holdaper. Actually simple lang siyang manamit. Malinis ang itsura at napakafresh ng looks.

"Miss, ako ang caretaker ng bahay na ito." Seryosong sabi nito sa akin.

"What? Ikaw ang caretaker?" sinipat ko ng tingin ang kabuoan niya. Sabay maya-maya ay napatango-tango.

"So ikaw pala ang kailangan kong kausapin? I thought my future husband said na ang may-ari raw ang makakausap ko. Maybe nagkamali lang siya, kaya pala nakita kita sa resort... Ikaw pala ay tauhan ng may-ari. Oh my gosh ang talino ko talaga, naisip ko iyon." Wika ko sabay kurap-kurap ng mata.

"Ano bang ginagawa mo rito?" serysong tanong muli nito.

"What?! Hindi mo alam? Oh my gosh! Pero ok ako na lang ang magsasabi sa 'yo. Sabi ng future husband ko ibebenta raw itong bahay na ito. Which is kami ang bibili, kaya narito ako para makita ang view at location ng bahay. So pwede mo ba akong samahan?" nakangiti kong sabi, at nagpapacute pa ng mata.

"Ano?! Ibebenta ito? No! Umalis ka na, mukhang nagkamali ka ng napagtanungan." Inis na sabi nito bago tumalikod.

"Ano?! Niloloko mo ba ako huh! 3hours akong nagbyahe bago makarating dito. Tapos sasabihin mo nagkamali ako. Are you out of your mind? Huh! Wait tatawagan ko ang boyfriend ko!" sabi ko sabay kuha ng phone.

Pero after 10 sec.

"Grrrrrr... Anong klaseng lugar ba ito? No signal? No connection? Alam mo bang ang bahay na 'to ay parang ikaw lang! Super wierd." Aniya sabay isnob ko sa lalaking nakatalikod sa akin.

"Alam mo miss, nagaaksaya ka lang ng oras. Umuwe ka na," mahinang sabi nito.

"No! Anong palagay mo sa akin, alalay mo! Kung utusan mo ako talaga huh, lagot ka sa may-ari nang bahay na 'to. Mapapalayas ka ng wala sa oras!" gigil na gigil kong sabi.

"Ok, bahala ka. Gawin mo ang gusto mo, pero nasabi ko na sa 'yo na hindi ito ibinebenta." Wika nito bago umalis sa harapan ko at pumasok sa hula ko ay kwarto niya.

Sa inis ko ay tiningnan kong muli ang cellphone ko. At itinaas taas yun para makahanap ng signal.

"Kainis!" iritang sabi ko sabay kuha ng Wallet ko sa bag. Magpapalit na lang ako ng sim, baka mas malakas ang ibang network dito.

Pero-

"Nasaan ang wallet ko?" natigilan ako nang hindi ko makita ang wallet ko. "Oh shit!" naiwan ko sa taxi ang wallet ko. Naalala ko pinatong ko pala saglit ang wallet ko sa upuan dahil nagretouch ako bago bumaba. Nalimutan ko nang kunin ulit.

"Oh my..."

To be Continued...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon