Nagulat ako sa biglang pagtayo ni Mr. Weirdo, lalo na at matalim ang tingin nito sa akin na parang may ginawa akong crimen.
"Anong pinagsasabi mong lason? Heler! Sa tanang buhay ko hindi pa ako nakakapatay ng tao. Ngayon pa lang kung sakali." Aniya na ngumisi pa na lalong kinatakot ni Herbert.
"Are you kidding? Ano bang nagawa ko sa'yo para gawin mo sa akin ang mga iyan?" seryosong tanong nito.
"Wala naman, pamasahe lang naman kailangan ko e, kaya lang parang walang pag-asa. Kaya naman heto, pinagsisilbihan na lang kita. Para maawa ka sa akin at bigyan mo na naku ng pamasahe para makauwe."
"Fine! How much?" tanong nitong nagpaawang sa labi kong nakasimangot.
"Really? Bibigyan mo na ako? One Five," mabilis kong tugon.
"What? One five? Nagpapatawa ka ba?" tanong ni Herbert.
"No, mukha ba akong nagpapatawa? E, nagtataxi ako eh, tapos yung ticket kaya medyo mahal din. Kulang oa nga iyon eh." aniya
"Hindi! Bahala ka diyan, naglakad ka na lang palabas nang beach na ito. Maybe may makasalubong ka na sasakyan doon ka magpaawa." Anito sabay talikod at kumuha ng ibang pagkain sa ref.
"Wow, bakla ka ba?" nakataas kilay kong tanong.
Inismidan naman ako nito at hindi sinagot ang tanong ko.
"Alam mo! Ang weird mo talaga, bakit sa lahat ng lalaki ikaw lang ang bukod tanging suplado. Maybe baklush ka tama ba?" nakangiti kong pangaasar sa kanya.
"Tsk! Hindi mo ako madadaan sa mga pangaasar mo miss." Sabi nito habang naglalabas nang ibang pagkain.
"Ano bang ginagawa mo? Wala 'tong lason no, look!" Kinuha ang ulam at kinagatan ko iyon sa mismong harapan niya. Nilasap habang nakapikit pa. "Hmmm yummy," sabay tusok muli sa ulam at tinapat sa bunganga niya. "Oh, heto tikman mo kung may lason nga," utos ko sa kanya habang nakatutok ang tinidor na may nakatusok na ulam.
Napatitig lang ito sa akin at nagkurap-kurap ang mata.
Maya-maya pa ay kinabig ang kamay ko.
"Ikaw na lang ang kumain niyan!" bulyaw nito sa akin.
"Wow, huh! Sayang lang ang effort ko. Sa susunod hindi na ako magluluto. Babayaan kitang magutom tsk!" Padabog akong umupo at kumain nang solo. Bahala siya sa buhay niya.
Matapos kong kumain ay nanuod na lang ako ng TV. Habang nakasimangot,
"Ano bang gagawin ko rito? Mabuburo na yata ako rito kasama ang Mr. Wierdo na ito," kausap ko ang sarili ko.
Matatapos na naman ang araw na wala akong nagawang pamasahe. Napakasama talaga ng lalaking ito.
Habang nanunuod ako ng TV ay lumabas galing banyo si Mr. Weirdo, nakashort lang ito at nakahubad baro. Labas ang nagtutimbukan na abs at mga muscle nito sa braso.
"Hulala!" naibulalas ko habang nakanganga sa pagtingingin sa abs niya.
Napatingin naman sa akin si Herbert, at kunot noo na tumingin sa akin.
"Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" tanong nito.
Naitikom ko naman agad ang bunganga ko. At mabilis na tumingin sa TV.
"Ang ganda ng palabas oh. Nakakatakam yung mga pagkain. Hahaha." Sabay tawa habang nakatingin pa rin sa screen ng TV.
Napatingin naman si Herbert sa TV. At lalong kumunot ang noo nang makita niyang drama naman ang palabas at hindi kumakain ang nasa TV.
Napailing na lang ito at pumasok sa kwarto. "Insane," anito bago tuluyan na pumasok sa kwarto.
"Whouu... Heavy, pag-ganoon naman ang makikita mo sa araw-araw eh. Paniguradong hindi ka pa nasisikatan nang araw pawisan ka na." Napapailing na sabi ko sa sarili ko.
To be continue...
BINABASA MO ANG
Three Rules (Completed)
Storie d'amore"Kung ayaw mong masaktan, sundin mo ang gusto ko! Kiss me!" utos ko sa nakamaang na si Herbert. Ella Sandoval, anak ng isang sikat na designer ng bansa. Ngunit hindi siya laki sa luho, dahil bata pa lang ay nawalay na siya sa kanyang mga magulang. H...
