Akala ko katapusan ko na, akala ko huling araw na nang pagiging berhen ko. Pero hindi pa pala, dahil sa awa ng Diyos. May taong dumating para sagipin ako, pero ibang klaseng sagib ang ginawa niya sa akin, dahil...
"Anong ibig sabihin nito?!" Galit na galit ang mukha ng asawa ni sir na si Ma'am Trixie.
Nabuksan na pala nito ang pintuan dahil may sarili itong susi. Gulantang si sir nang makita niya ang asawa na namumula na sa galit. Huling-huli kasi nitong nakahubad si sir habang ako ay hinahalikan sa dibdib.
Nakawala ako sa kamay ni sir, at nagtatakbo sa amo kong babae. Pero isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko.
Napatameme ako sa pagsampal ni Ma'am Trixie, at susundan pa sana nito ng sabunot nang bigla na lang humarang si sir sa amin.
"Hayop kang babae ka! Malandi ka! Malandi!" singhal sa akin ni Ma'am Trixie,
"Trixie, stop it! Huwag mong saktan si Ella!" pagtatanggol sa akin ni sir,
Lalo akong natakot sa nangyayari, ako na nga itong muntikan nang marape. Ako pa ang malandi, parang may mali.
"Ma'am, hi-hindi ko po nilalandi si sir!" Nagiiyak kong sabi, ngunit mas lalo pa itong nagalit. Pilit niyang hinahablot ang buhok ko para sabunutan pero inilalayo naman siya ng asawa nitong si Mr. Lim, mas lalo akong naiyak sa nangyari, napasilip ako sa labas ng aming bodega at doon nakatayo ang mga kasama ko sa trabaho. Takang-taka sa nangyayari,
"Oh my gosh! Malandi talaga, pati si sir inakit niya!" turan ng isa kong katrabaho.
Sinang-ayunan naman ito ng isa ko pang kasamahan na akala ko ay kaibigan ko na.
"Sabi na eh, hindi talaga siya mapagkakatiwalaan." Anito na mas lalo kong kinainis.
Sa buong akala ko, maayos ang samahan namin sa shop. Iyon pala ay ako lang ang umaasa na may kaibigan ako rito. Matagal na pala nila akong pinaplastik, maging sila rin ang nagsulsol sa amo kong babae na nilalandi ko si sir, kaya hindi na ito maniniwala na kamuntikan na akong pagsamantalahan ni sir.
Dahil sa pagkapahiya at takot na rin dahil kay sir, ay hindi na ako bumalik sa trabaho kong iyon. Matapos na magwala ang asawa ni sir ay dali-dali ko nang kinuha ang gamit ko at tuluyan ng nilisan ang shop. Maging ang sahod ko na pang isang buwan ay hindi ko na rin pinagkaabalahan pang kunin. Abuloy ko na lang iyon sa kanila.
Naiyak na naman ako sa alaala kong sinapit. Umupo ako sa sofa at doon nag-isip. Kelan ko kaya makikilala ang magaahon sa aking sa kahirapan. Kailan ko kaya malalaman na siya na ang mister right ko. Napakibit-balikat na lang ako at muling tumayo para pumunta sa kusina at magtimpla ng kape.
Habang nagtitimpla, naalala ko ang naging halik ni Mark. Napangiti ako nang isipin kong siya na kaya ang lalaking magaahon sa aking kahirapan? Sana siya na, kasi nasa bente-syete na ako ay wala pa akong matinong boyfriend. Lalo na ngayon na wala akong trabaho.
Kung paguusapan ang pagmamahal, siguro mapapamahal rin ako kay Mark. Alam ko na mapipilit ko ang sarili ko na gustuhin si Mark, lalo na at mapera ito at mayaman. Sana lang hindi ito maging babaero. Dahil sisiguraduhin ko na makakapatay ako ng tao, kung sakaling may umagaw sa prince charming ko.
Matapos kong magkape ay pumasok na ako sa kwarto at natulog. Bukas, may lakad pa ako. Bukod kasi sa extra kong makikipagboyfriend sa mayaman ay may ineextrahan din akong ibang trabaho. Isang receptionist. Nagaayos kami ng mga event na pinagdadausan ng kung ano-anong party. Magaling kasi ako sa pagdedesign, hindi ko alam kung bakit ganoon ang hilig ko. Pero bata palang ako, mahilig na ako sa mga unique sa style ng mga damit at mga design sa iba't-ibang bagay.
Naalala ko, noong bata pa ako. Kasama ako ng nanay ko sa palengke. Nasa sampung taon palang ako e mahilig na akong tumingin ng iba'ibang style ng damit. Mula sa tela ay hinahaplos ko iyon kung magandang klase ba o hindi. Ayoko kasi ng telang hindi komportable sa aking katawan.
Ang problema, hanggang tingin na nga lang ako.
"Ella, tigilan mo nga 'yang kakaturo mo! Pumunta tayo rito para magtrabaho ka. Hindi para tumingin ng kung ano-anong damit. Hala heto na ang timba. Ilako mo itong gulay sa banda roon at dito naman ako sa kabila." Utos ni Inay sa akin.
Totoong nagtratrabaho ako, hindi manlang ako nakatungtung sa paaralan. Maging ang pagsusulat ay natutunan ko lang sa mga kalaro kong bata. Habang nag ti-techer-techeran sila ay sinasali nila ako at tinuturuan na magsulat. Dahil sa sabik sa pag-aaral ang utak ko ay ginagawa kong seryoso ang laro ng aking mga kalaro.
Maging ang pagbasa ay roon ko lang din natutunan. Si inay ay walang balak na pag-aralin ako. Dahil sayang lang daw ang pera na ipangtutustos sa akin. Marami raw siyang bayarin habang ang iba kong kapatid ay nag-aaral naman. Tanging ako lang ang hindi nag-aaral. Minsan napapaisip ako, baka hindi ako mahal ni Inay, kaya wala siyang balak na pag-aralin ako.
Ganoon pa man, ang pagmamalupit sa akin ni inay ay sinusuklian ko ng kabutihan. Tumutulong ako para madagdagan ang pangtustos ng mga kapatid ko sa paaralan. Hanggang sa umidad na ako ng seventeen.
Malaking bulas ako at dalagang-dalaga na sa itsura ko. Kitang-kita na rin ng mga tao ang taglay kong kagandahan, maging ang mga kapitbahay namin ay pinupuri akong maigi.
"Aba! Dalaga na si Ella oh, ang layo layo ng mukha niya sa mga kapatid. Napakagandang bata nito." Wika ng kapit-bahay namin.
Ngumingiti lang ako bilang tugon. Pero hindi ko pa halata na hindi ako tunay na anak ni Inay.
Nasa nineteen na ako nang malaman ko na ampon lang pala ako. Nakita raw ako ni itay sa basurahan, nakalagay sa magandang basket at magara ang kasuotan. Inisip nila na baka raw sa kabit ako ni Itay, sinasabi lang na napulot ako para tanggapin ako ni inay. Ganoon pa man, inalagaan ako ni Inay kahit na hindi niya ako tunay na anak. Pero nang sumapit ako sa idad na anim ay inuutusan na akong magluto at maglaba sa amin.
To be Continued
BINABASA MO ANG
Three Rules (Completed)
Romance"Kung ayaw mong masaktan, sundin mo ang gusto ko! Kiss me!" utos ko sa nakamaang na si Herbert. Ella Sandoval, anak ng isang sikat na designer ng bansa. Ngunit hindi siya laki sa luho, dahil bata pa lang ay nawalay na siya sa kanyang mga magulang. H...
