Chapter 31

3.3K 56 1
                                    

#THREE_RULES

CHAPTER 31

            Nakakainip sa bahay na ito. Hindi ako sanay na nakakulong, ang gusto ko sana gumala ng gumala. Kasi iyon ang nakasanayan ko na, pero saan naman ako gagala rito? Sa dagat?

Paglabas ni Herbert sa banyo ay napasilip ito sa akin, bago tumuloy sa kuwarto niya.

"Buti pa ang isang iyon, sanay na rito. Ganito lang ba ang ginagawa niya maghapon? Matulog, kumain at magsulat?" tanong ko sa sarili ko,

Maya maya pa ay lumabas ng kuwarto si Herbert, nakasuot ito ng jacket.

"Uy... Paalis ka?" tanong ko,

"Oo," maikling tugon nito,

"Sama ako," nakangisi kong sabi, animo'y bata na ayaw magpaiwan.

"Sumama ka," tugon nito na tuloy-tuloy sa paglabas ng bahay.

"Teka, lang—" mabilis akong nagakyat sa taas at kinuha ang phone ko. Naka t'shirt lang ako at nakapantalon. Maganda naman ako sa suot ko kaya okey lang 'yun.

Dali dali na akong lumabas ng bahay. Baka kasi iwanan ako ng lalaking iyon, tupakin pa naman iyon.

"Tagal naman!" inis na sabi nito,

"Wow! Ilang minuto lang akong natagalan, nainip kana agad. Tara na!" akit ko sa kanya, "saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

Ilang segundo akong naghintay ng sagot pero heto bigo ako.

"Okey, sabi ko nga, huwag na akong tanong ng tanong." Sagot ko rin sa sarili ko,

Muli na naman akong sumakay sa motor ni Herbert, muli na namang yumakap ako sa likuran niya. Lalo itong bumango dahil kakaligo lang nito.

"Hmmm... Ang bango—"

"Wala ka nang ginawa kun'di amoyin ako ng amoyin." Angal nito,

"Pag ako umuwe na, mamimis mo rin ako." Pagbabanta ko sa kanya.

"Hanggang ngayon, assuming ka pa rin." Anito at mas lalo pang binilisan ang pagpapatakbo ng motor.

Nakarating kami sa isang book store, puno ng librong babasahin.

"Toinks! Libro pa rin? Libro na nga sa bahay hanggang dito sa labas libro pa rin? Magkano pinasasahod nang amo mo sa 'yo?" nakangisi kong tanong.

Pero imbis na tugunin ako nito ay tumalikod ito at naghanap ng ibang babasahin.

Kaya sinundan ko na lang siya.

"Good morning Sir Herbert. May latest po kami ngayon, kararating lang po galing Singgapore." Nakangiting salubong  ng saleslady.

Mukhang kilala na rito si Herbert. Ngumiti si Herbert bago sumama sa saleslady na mag aasist sa kanya. Lumapit naman sa akin ang isa pang saleslady.

"Ma'am ano po sa inyo?" tanong ng babaeng saleslady.

"Ay hindi po, kasama po ako nang guwapong lalaking iyon." Sabay turo kay Herbert.

"Ah, ikaw po ang girlfriend niya ma'am?" Magiliw na tanong ng saleslady.

"Po? Ah... Eh... bakit miss bagay ba kami?" nakangisi kong tanong sa saleslady.

"Opo ma'am, bagay na bagay." Mabilis na sagot nito.

"Ah..." napangiti ako sa turan ng babae. "Oo, girlfriend niya ako." Tugon ko sa tanong niya kanina.

"Wow! Ang swerte mo ma'am, napakabait niyan ni Sir, at take note ma'am guwapo." Kinikilig na turan ng dalagang saleslady.

"Hehehe. Kaya nga e," napapahiyang sang-ayon ko,

"Ilang years na po kayo ma'am?" muling tanong nito.

"Ah, heto sa awa ng Diyos mag tatatlong taon na kami. He-he-he." Pagsisinungaling ko,

"Yieee, e 'di ma'am, sure na po iyan na siya na rin ang magiging husband mo. Ang swerte swerte mo ma'am." Ani ng saleslady na kilig na kilig.

Ilang minuto bago bumalik si Herbert, napansin niyang naguusap kami ng saleslady at panay ang sulyap namin sa kanya. Kaya naman lumapit ito sa amin, matapos makalapit ay agad na nagtanong ang saleslady.

"Sir, si ma'am po pala ang girlfriend mo, bagay po kayo." Pilyang sabi ng saleslady.

Kumunot naman ang noo ni Herbert, at nagulat sa sinabi ng babae. Habang ako naman ay nabigla rin, hindi ko kasi inaasahan na lalapit si Herbert sa amin. Kaya nagpanggap na lang din ako para hindi mapahiya sa saleslady.

"Ah, Honey... Nabili mo na ba ang gusto mo?" Aniya sabay yakap ko sa kanya na mas lalong pinagtaka ni Herbert.

"Honey?" kunot-noong tanong nito,

"Hon, gutom na ako, bayaran mo na iyang napili mo. Then kain tayo sa labas, doon tayo sa favorite restaurant na kinakainan natin palagi." Pagpapatuloy ko sa pagpapanggap sabay kuha ng libro na hawak ni Herbert at inabot sa babaeng kanina pa kinikilig at nakangiti sa amin.

"Miss, kukunin 'to ng boyfriend ko. Pakidala na sa counter pls." Utos ko sa saleslady.

"Sure ma'am," mabilis na tugon nito.

Nang makaalis na sa harapan namin ang saleslady ay tsaka ako nakaramdam ng kaba. Hindi dahil sa saleslady, kun'di kay Herbert na kasalukuyang nakaarko ang kilay at nakatingin sa akin.

Humarap ako sa kanya sabay taas ng dalawang daliri habang nakangisi, "Peace yow!"

To be continue...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon