Chapter 11
Matapos ang ilang oras, natapos din ang event na aming pinaghirapan. Naidaos ang birthday party nang kaibigan ni Jheza. Feel na feel nito ang suot niyang dress na halos makita na ang buong likuran. Buti na lang at hindi invited si Ron, kun'di nakakahiya talaga rito kapag nakita niya ako na ganoon lang ang trabaho ko.
Hindi muna ako umuwe, pumunta ako sa mall para bumili ng konting kagamitan na kailangan ng katawan ko.
Naglalakad na ako nang makita ko ang book store. Naalala ko na gusto pala ni Venus matutunan ang pagluluto nang iba't-ibang potahe. Kaya naisipan kong pumasok doon para bumili ng book recipe.
Habang nagtitingin ako, nahagip nang paningi ko ang isang lalaking seryosong nagbabasa ng mga nakadisplay sa naturang mamahaling pocketbook. Iniisa-isa nito ang nasa likuran at pinipili ang mga may tatak.
"Teka! Kilala ko 'to ah!" aniya na iniisip kung saan nakita.
Parang narinig naman ako ng lalaki at napaangat 'to nang mukha. Nagkatitigan kami at napaisip pareho kung saan nagkita.
Maya-maya pa ay nagbaba na ito nang paningin at walang imik-imik na tumalikod.
"Aba't sumplado ang isang 'to ah, hey!" sigaw ko na nagpatigil nang paglalakad niya. Lumingon 'to sa akin at inantay ang sasabihin ko.
Bakit ko nga ba siya tinawag? Toink!
"A, e, hehehe, wala lang... Sige alis ka na ulit." Aniya na pakamot-kamot pa ako ng ulo.
Napailing naman ang lalaki at inismidan ako.
****
Aba't! Ang taray nun ah, natawa na lang ako sa sarili ko.
Saan ko nga ba nakita ang isang iyon. Pamilyar ang mukha niya sa akin.
Dahil hindi maalala ay nagkibit balikat na lang ako.
Matapos makuha ang kailangan na libro ay nagbayad na ako sa counter. Nakita ko rin na nakapila ang lalaking masungit, at magkasunod lang kami sa pila.
Ang ginawa ko ay inunahan ko siya sa pila.
Napakunot noo naman ito sa ginawa ko,
"Hey miss, sa likuran ang pila." anito na seryoso sa pagsasalita.
"Yes, i know. Pero may kasabihan tayong ladies first hindi ba? Puwera na lang kung katulad ko babae ka rin." Pangaasar ko sa kanya,
"Alam mo miss, hindi porke babae kayo. Kayo na palagi ang nasusunod sa likod ka pumila miss." Anito.
"Panu kung ayoko?" taas kilay kong paghahamon sa kanya.
Napatitig na lang ito sa mata ko, at nagpacute naman ako nang mata sabay ngisi.
"Hehehe. Wala ka pala eh," aniya sabay lapag ng biniling book sa counter. Napapangiti na lang ang saleslady sa amin.
Lalo pa itong naasar nang ngitian ko siya nang nakakaasar na ngiti.
Matapos kung makuha ang binili ko ay muli akong tumingin sa kanya na kasalukuyang nagpapatong nang books sa counter.
"Goodbye, wierdo!" paalam ko sa kanya.
Naalala ko, siya yung wierd na lalaki sa swimmingfool. Naalala ko kasi yung ilong niyang matangos at mahilig siya sa mga books. Masyado sigurong matalino ang isang iyon kaya puro books ang binili. Ano naman ang mapapala niya sa mga librong iyon? Hindi naman siya yayaman don. Mga tumatakbo sa isip ko,
Bago umuwe ay bumili muna ako nang makakain ko paguwe sa bahay. Paniguradong wala akong kakainin sa bahay kasi hindi na nagluluto si Venus kapag papasok na sa trabaho.
Bakit kaya hindi man lang ako tinatawagan o tinetext ni Mark, ano bang nangyari sa lalaking iyon? Ano 'yun ganun-ganoon na lang? Pagnaisipan lang saka tatawag. Naiinis tuloy ako sa tagpong iyon.
Naalala kong muli yung lalaki sa book store.
Gwapo siya, pero may pagkawierdo. Bakit kaya palagi ko siyang nakikita?
BINABASA MO ANG
Three Rules (Completed)
عاطفية"Kung ayaw mong masaktan, sundin mo ang gusto ko! Kiss me!" utos ko sa nakamaang na si Herbert. Ella Sandoval, anak ng isang sikat na designer ng bansa. Ngunit hindi siya laki sa luho, dahil bata pa lang ay nawalay na siya sa kanyang mga magulang. H...
