#Three_Rules
Chapter 32
Paglabas namin ng books store ay bitbit na ni Herbert ang mga binili niya.
Wala itong kaimik-imik. Galit kaya 'to sa ginawa ko kanina. Para iyon lang e, hindi na lang siya makisakay.
Sumakay muli ito ng motor. Pero hindi malaman kung paano hahawakan ang binili niyang libro.
"Ako na ang magdadala niyan." Pagmamagandang loob ko,
Iniabot naman nito sa akin ang paper bag na may lamang libro bago inistart ang sasakyan.
"Sakay na Hon," biro nito sa akin.
Natawa ako sa sinabi niya. "Wow! Ano sabi mo— hon ba 'yung dinig ko?" pagsisigurado ko,
"Tsk! Assuming talaga, sakay na dali." Utos nito sa akin,
"Sus! Nasabi muna, itatanggi mo pa. Halika na honey ko." Sabay sakay sa motor,
Ngumiti lang si Herbert, bago kami umalis sa lugar na iyon.
Hindi muna kami umuwe. Nagtungo kami sa bilihan ng damit.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko,
"Bumili ka ng damit mo. Para hindi puro damit ko ang suot mo." Anito sabay abot ng pera sa akin.
"Wow! Ang bait naman ni Mr. Herbert, ano kaya nakain mo para 'yon na lang palagi ang ipapakain ko sa 'yo." Pang aalaska ko pa sa kanya.
"Dali na! Ang dami mong sinasabi talaga." Iritang sabi nito,
Makalipas ang ilang sandali na pagpasok ko sa bilihan ng damit ay nakalabas na rin ako— bitbit ang limang paper bag.
"Ano kompleto na ba iyan?" paninigurado ni Herbert,
"Yeah, thank you rito ha," nakangiti kong sabi.
"Tsk! Anong thank you? Bayaran mo iyan,"
Ang ngiti ay biglang naglaho. Namutla at nanlaki ang mata.
"Huwag Herbert! Hindi pa ako handang ibigay ang buong pagkatao ko! Ayokong marungisan agad ang pagkababae ko! Hindi pa—"
"Ano bang pinagsasabi mo? Ang dami mo talagang alam." Seryosomg sabi nito sabay kuha sa paper bag na dala ko at dinala iyon bago naglakad.
"Wow... ang sweet naman ng honey ko," nakangisi kong sabi bago sumunod kay Herbert sa paglalakad.
Hindi na ako pinansin nito. Nakarating kami sa bilihan ng Isda.
"Pumili ka ng puwedeng sabawan." Utos sa akin nito.
"Misis ano po ang sainyo?" tanong ng tindera.
"Ay! Ate, miss pa po ako." Pagtatama ko sa tindera ng Isda.
"Ah ganoon ba? Pasensya ka na miss, akala ko ay asawa mo ang lalaking kasama mo e." Hinging paumanhin nito sa akin.
"Asawa?!" gulat na tanong ko,
Tumawa naman si Herbert sa turan ko.
"Akala ko po mukha na siyang losyang kaya natawag ninyong misis." Pang aasar ni Herbert,
"Ano? Kapal mo! Baka ikaw ang mukhang manong! Tsk!" inis na sabi ko.
"Hahaha. Hindi naman kayo mukhang losyang at manong, ang guwapo at ang ganda mo nga miss at mister e. Kayo ba ay hindi magkatipan?"
"Hindi po!" halos panabay na sagot namin.
Natawa naman ang ale, at napailing-iling. "O pareho kayo ng sagot. Naniniwala na ako, ano ang sa inyo at tatawaran ko kayo ng malaki." Natutuwang sabi ng Ale,
"Ay, ito na lang pong bangus ate, patanggal na rin po ng hasang." Sabi ko sa tindera,
Habang nagkakaliskis ng Isda ang ale, may dalawang lalaking lumapit sa amin at bumili rin ng Isda.
"Miss, magkano ang tilapia mo?" tanong ng lalaking mukhang adik.
Nabastusan naman ako sa tinuran ng lalaki.
"Bulag ka ba? Mukha ba akong nagtitinda rito?" irita kong sagot.
"Ah sorry miss, kay ate ako nagtatanong." Ani ng lalaki.
"Ows talaga? Bakit sa akin ka nakatingin?" Mataray na tanong ko,
"Ang taray mo naman miss, ilan ba ang binibili mo at ililibre pa kita ng isang kilo?" pagyayabang pa ng lalaki.
"Mga boss, nababastos mo na ang babae." Sabat ni Herbert na hindi makatiis sa ginagawang pambabastos sa akin.
"Uy... May super hero pala rito." Pangaasar ng lalaki na nakangisi pa.
"Huwag kang makialam dito pare, baka hindi mo nakikilala ang kausap mo!" pagbabanta naman ng isa pang lalaking may balbas at puro tattoo.
"Hoy! Huwag ninyong bastusin ang kostumer ko!" bulyaw ng aleng tindera ng Isda.
"Huwag kang makialam dito taba! Ang lansa ng hininga mo!" singhal ng lalaking mukhang adik sa ale.
"Tara na Ella," pag aakit ni Herbert sa akin.
Agad naman akong sumunod. Pero pagtalikod ko ay hinawakan ako ng lalaki sa balikat at pinigilan na makaalis.
"Sandali miss, hindi pa tayo tapos mag-usap. Huwag kang bastos!" ani ng lalaki,
Pero hindi pa ako nakakalingon sa lalaki ay agad ng binanatan ni Herbert ang lalaki sa mukha. Sa lakas ng suntok nito ay napaatras ang lalaki.
"Hayop ka ah!" sigaw ng isang lalaki sabay banat ng suntok kay Herbert.
Natamaan naman ito sa nguso. At agad na dumugo iyon. Sinundan pa ng isang suntok mula sa isa panglalaki na kinatumba ni Herbert sa maruming sahig.
"Tama na! Mga hayop kayo! Huwag ninyong saktan ang mahal ko!" sigaw ko, pero hindi nila ako pinansin. Pinagtulungan nila si Herbert,hanggang sa may sumipol na malakas. Hudyat para tumugil ang dalawa sa pagbugbog kay Herbert.
Nakita kong palapit na ang mga pulis sa amin. Kaya't nagtatakbo ang dalawang salarin.
"Herbert!" sigaw ko bago ako lumapit kay Herbert na may dugo ang nguso at putok ang kanang bahagi ng kilay.
"Okey ka lang ba ha? Dadalahin kita sa hospital." Pag aalala kong sabi,
"Huwag na," mahinang sabi nito bago tumayo.
Inalalayan ko naman siya at inakay.
"Ano ka ba! Hindi ka okey," naiiyak kong sabi.
Alam kong masakit ang mga natamo niyang sugat. At pinipilit lang niyang umastang okey siya.
"Sir, gusto mo bang dalahin ka namin sa Hospital?" tanong ng pulis kay Herbert,
"No. Thanks, uuwe na lang kami." Anito sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako palabas ng palengke.
"Herbert, ano ka ba! May sugat ka, baka kung mapaano—"
Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako. "Ella, I'm okey. Umuwe na tayo," mariing sabi nito. Sumunod na lang ako sa gusto niya. Pero naaawa ako sa nangyari sa kanya. Kasalanan ko, kasi kung hindi dahil sa akin. Hindi siya mapapahamak.
To be continue...
BINABASA MO ANG
Three Rules (Completed)
Romance"Kung ayaw mong masaktan, sundin mo ang gusto ko! Kiss me!" utos ko sa nakamaang na si Herbert. Ella Sandoval, anak ng isang sikat na designer ng bansa. Ngunit hindi siya laki sa luho, dahil bata pa lang ay nawalay na siya sa kanyang mga magulang. H...
