Chapter 15

4K 69 0
                                    

#THREE_RULES

AKALA ko ay eeffective ang mga kalamugan ko sa katawan. Maging ako ay nandidiri sa ginagawa ko, mukhang hindi ko siya madadala sa ganoong paraan.

Inabot na ako ng gabi wala pa rin akong pamasahe.
Paano ako makakauwe nito, hindi ko makontak si Mark, paano ako makakaalis sa lugar na ito kung wala akong pamasahe.

Alas-syete ng gabi nang muling lumabas ang lalaking weirdo. May dala itong tasa ng kape, na curious tuloy lalo ako. Bakit kaya siya palaging nasa kuwarto? Ano bang ginagawa niya sa buhay? Magkulong sa kuwarto lang at kumain? E, napakawalang kwenta pala nitong taong 'to e,

Nang makita ko siyang pumasok sa kusina ay sinalisihan ko naman siya. Pumasok ako sa kuwarto niya at doon ay nagulat ako ng makita ang buong kwarto.

Wow! Ang ganda rito, puno ng libro sa side na may sariling cabinet. Mga nakadisplay na iba't-ibang certificate. May computer na nakabukas,

"What are you doing here?" isang baritonong boses ang narinig ko mula sa bungad ng pintuan.

Agad naman akong napalingon at nakita ko si Mr. Weirdo na nakatayo roon at nakasalubong ang kilay.

"Ha? A, e, I'm sorry kasi ano-"

"Tama ba ang hinala ko sa'yo na may pakay ka talaga sa bahay na ito kaya ka nandito?" seryosong sabi nito bago naglakad palapit sa akin at hinawakan ako sa bisig. "Lumabas ka rito!" Galit na sabi nito sabay hatak sa akin palabas.

Hindi naman ako nasaktan sa paghila niya pero nakita ko ang galit niya sa mata nang walang paalam akong pumasok sa kwarto niya.

"Te-teka lang. Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong kinukuha sa kwarto mo ah. Sinilip ko lang naman ang damot mo!" Wika ko na hindi ko pinaramdam na naaapektohan ako sa galit niya.

"P'wede ba! Kung ayaw mong palayasin kita at patulugin diyan sa labas! Huwag kang papasok sa kwarto ko!" Anito na may inis pa rin sa mukha.

"Fine! Kung kasi binibigyan mo na lang ako nang pamasahe e 'di wala nang nanggugulo sa'yo hindi ba?" pagpupumilit ko pa sa kanya.

"I've already said na hindi kita matutulungan pagdating sa cash. Kaya bahala ka sa buhay mo kung anong gawin mo rito sa lugar ko!" Anito sabay pasok sa loob ng kwarto.

"Grabe, ang bad talaga niya sa mga babae. Para siyang hindi lalaki, suplado na hindi pa gentleman kainis!" bulong ko sa sarili ko, humiga na lang ako sa sofa at doon namaluktot. Bukas na lang ako gagawa ng paraan. Lalabas ako para maghanap ng signal.

Kinabukasan;

Nagising ako na may kumot nang nakabalot sa akin.

"Huh? Saan galing 'to?" takang tanong ko sa sarili.
"Ay sus, patago peg pa ang loko. May tinatago rin palang pagkagentleman." Wika ko sa sarili nang maisip na si Mr. Weirdo lang ang gagawa noon.

Tumayo ako at pumunta sa C.R. may nakita ako roon na toothbrush na nakaplastik pa. Mukhang reserba iyon ni Mr. weirdo, ako na lang ang gagamit nito. Nalimutan ko kasing magdala. Matapos makapaghilamos at magtoothbrush ay lumabas na ako. Nagkape at kumain, saka sumilip sa bukana ng malaking pintuan sa likurang bahagi nang bahay. At nabighani ako sa magandang tanawin doon.

"Wow! Ang ganda ng dagat. Mula sa balcone ay makikita ang malawak na karagatan ilang metro malapit sa bahay. Kaya pala maganda ang bahay na ito at tago. Kasi napakagandang bahay bakasyunan nito.

Naakit akong maligo, ngunit wala akong dalang ibang damit. Underwear lang ang dala ko, kaya naman napangiti ako sa naisip ko.

"Kung hindi kita madaan sa pakiusap, aakitin na lang kita para mauto kitang bigyan ako nang pamasahe." Aniya na nakangisi pa sa naisip na paraan.

* * *

Lumabas si Herbert sa kanyang kwarto upang magluto nang kakainin niya. Ngunit nakita niyang nakabukas ang malaking pintuan sa balcone.

"Shit talaga ang babaeng iyon. Di manlang sinara ang pintuan," inis na sabi nito bago lumapit doon para sarahan iyon.

Ngunit natigilan siya nang makita ang isang nilalang na nagtatampisaw sa tubig.

Napalunok siya ng laway nang makita niya si Ella na nakatwo-piece lang. Perpekto ang pagkakahugis nang katawan, makinis ang balat. Mula sa malayong lugar niya ay tanaw na tanaw niya ang maalindog nitong katawan. May katamtamang laki ng dibdib at sexy na bewang.

Nakapa niya ang noo niyang namamawis. Pinunasan niya iyon at saka napailing.

"Grabe ang babaeng iyon," naibulong niya sa sarili.

Habang nakatingin siya rito ay natanaw niyang papunta ito sa malalim na parte ng dagat.

"Baliw ba siya? Mag-isa lang siya tapos napunta siya sa malalim? Paano kung malunod siya?" Naiinis na turan ni Herbert.

"Tsk! Bahala ka nga diyan!"

Umalis na siya sa pintuan. At pumasok sa kusina, pero hindi mawala sa isip niya ang dalaga. Nagaalala siya na baka malunod ito kaya muli siyang sumilip.

At lumakas ang kaba niya nang hindi niya makita ang babae.

"Shit! Sabi na e," bulalas ni Herbert at tinalon na niya ang balcone at nagtatakbo sa buhanginan.

Halos ilang minuto palang ay narating na niya ang karagatan at sinuong ang tubig.

"Miss! Miss!" sigaw niya, "Fuck! Pasaway kang babae ka!" Aniya sabay sinisid niya ang tubig.

To be continued...

Three Rules (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon